LUNA | NUEBE
“Don’t worry, I am not a bad guy,” he assured with a glint of geniality in his voice. “In fact, I am the one who helped you when I saw you collapsed on Zarate Road. Welcome to my humble home.”
“S-Sino ka ba? T-Tauhan ka rin ba ni—”
“Na-ah,” iling nito. “I told you, I am not a bad guy. I won’t harm you like those men who abused you, I supposed. Anyway, I just came here to check if you are awake, and obviously, you were. I’ll be back. Ikukuha lang kita ng makakain.” Naglakad na ito palapit sa pinto at pinihit na ang saradura.
Sinundan niya ito ng tingin. Hindi maialis sa kanyang isipan ang pagkatao nito. “Sino ka?” She managed to ask again without stammering.
Bago nito tuluyang mabuksan ang pinto, sinagot nito ang tanong niya nang may maliit na ngiti sa labi. “My name is Hector Arienza. And we will ask for your name as well as I came back with that kid,” sabi nito saka lumabas na ng kwarto.
Hindi alam ni Isabel kung dapat ba siyang makampante o matakot sa lalaking ‘yon. Kahit pa sinabi nitong ito ang tumulong sa kanya noong gabing tinulungan siya ni Cent na tumakas.
Inalis niya ang kumot sa katawan niya at noon lang niya napansin ang kalagayan ng kanyang katawan. Nakasuot siya ng ternong pantulog. Ang magkabilang braso nga niya ay naka-bandage hanggang sa pulsuhan niya’t ramdam din niyang meron din ang kanyang binti.
Hindi na niya kailangan pang tumayo para tingnan ang sarili sa full-length mirror na nasa kanang bahagi ng kwarto. Nakatitig siya sa sariling repleksyon, iniangat niya ang kanyang kamay at hinawakan ang sariling mukha — lalo na ‘yong mga galos at pasa na natamo niya sa mga tauhan ng lalaking pumatay sa mga magulang niya.
For the first after being held of some sort of strangers, ngayon lang niya ulit nakita ang sarili sa isang salamin. She was healing and cleaned outside but inside, she felt disgusting and filthy. Parang nararamdaman pa rin niya ‘yong mga haplos ng mga lalaki ‘yon. It seemed like it was imprinted on her body. It feels like disgusting as well as creepy and she wanted to remove that feeling.
Napakislot siya nang marinig ang malakas na pagbukas ng pinto. A little of fear enveloped her and a small flashback replayed on her mind on what happened on her birthday. Para kasing narinig niya ‘yong malakas na balibag ng pinto nila noong araw na ‘yon.
꧁꧂
NANG makarating si Hector sa kusina, nadatnan niya ang kanyang anak na si Sebastian. He was sitting on the gray marble counter as he was munching on some junk food.
Hector stood in front of his son and put his right hand on his waist. His eyes bore onto his son as his lips parted slightly in annoyance. Ilang beses na kasi niyang pinagbawalan ang anak na huwag umupo sa counter habang kumakain ng kung ano-ano..
“Ano, ‘Pa? Gising na ba siya?” tanong ng anak sa kanya habang puno ang bibig nito. Ang tingin nito ay naka-pokus sa loob ng sitsiryang kinakain nito.
“Ano nga kasi ‘yong sinabi ko sa’yo?”
“Marami kang sinasabi sa’kin, ‘Pa. Alin ba sa mga ‘yon?”
Hindi na nakatiis si Hector. Hinila niya pataas ang buhok nitong malapit lang sa tenga. Mabilis na napunta ang atensyon ng kanyang anak sa ginawa niya.
“‘Pa, masakit!” nguwa nito habang nakahawak sa kamay niya. “Aray!”
“Ikaw na bata ka. Bente anyos ka na, hindi ka pa rin marunong makinig sa’kin.”
“Nakikinig naman ako sa’yo, Papa, eh! A-Aray!”
“Ano nga kasi ‘yong usapan natin?” pag-uulit niya. “Mahihila rin ‘yong kabila nito kapag hindi ka sumagot ng maayos.”
“H-Huwag akong umupo sa counter,” sagot nito.
Noon niya binitawan ang buhok nito sa gilid saka mabilis na bumaba ang anak mula sa counter. Sinimangutan pa siya nito nang itapon sa basurahan ang balat ng sitsirya.
Pumunta siya sa likod ng counter para ihanda ang pagkain ng dalagang nasalubong niya sa Zarate Road tatlong gabi na ang nakakalipas.
He was in his way home that night after doing his plan. Wala pa man siya sa kalahati ng Zarate Road nang sumulpot ang dalagang iyon sa kalsada. Mula sa loob ng sasakyan at nakakasilaw na ilaw ng kanyang sinasakyang kotse, malinaw na malinaw sa kanya ang nakaka-awang hitsura nito. Sa pag-apak niya sa break ng sasakyan, iyon naman ang pagkawala ng malay nito. Mabilis na umibis siya ng kanyang sasakyan at binuhat ito papasok sa back seat ng kanyang kotse.
Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na masuri pa ito sa isiping nasa panganib ito. He doesn’t want to jump into conclusion that time but he can’t help himself. Sa hitsura ng dalagang iyon, kinidnap ito at pinahirapan ng husto.
Sa isang guest room niya ito dinala. Hindi na rin niya hinintay pang mag-umaga ay agad niyang kinontak ang kaibigan niyang doktor para masuri ang dalaga. At hindi niya inaasahan ang mga sugat at ilang balang bumaon sa katawan nito. The girl look so young and innocent yet the cruel world took away her innocence and freedom to enjoy life.
Nagtamo ito ng tatlong bala sa katawan — isa sa kaliwang braso, bewang at kaliwang binti. Her both arms covered with deep wounds, and bruise as well as her back. Ang likod nito ay hindi lang sugat ang natamo kundi pati na rin paso mula sa sigarilyo. At ang napansin nila ay ang dugo na natuyo malapit sa maselang bahagi ng katawan nito.
“We could no longer deny this, Hector. She was also… raped. If you do not want to send her to the hospital, I’ll just give you a prescription.”
How could someone have an urge to torture such a young and innocent girl?
Hector was an assassin but he can’t target innocent kids. Dahil may anak siya. He used to have two kids.
Nang maihanda na niya ang makakain sa isang bed tray table, inutusan niya ang anak para dalhin ‘yon.
“So, gising na nga siya?” tanong ng anak habang paakyat sila ikalawang palapag ng bahay.
“Hindi pa, ‘nak. Kakain ka roon habang pinapanood ka niya,” pambabara niya.
“Please, try again, ‘Pa,” ito naman ang bumanat. “Hindi bagay sa’yo ang mamilosopo.”
Mangali-ngali niyang batukan ang anak na lalaki. Kung wala lang sila sa hagdan at wala lang itong dalang tray ng pagkain, baka binugbog na niya ito roon.
Nang matapat na sila sa nakasarang pinto ng guest room…
“Ano pa ang hinihintay mo diyan?” pang-aasar niya. “Buksan mo na ‘yong pinto.”
Nilingon siya ng kanyang anak at tiningnan siya ng masama. “Ang ganda mo talagang kausap, Hector,” komento nito.
Kung hindi pa siya sanay sa mga oras na tinatawag siya nito sa pangalan, baka pinaampon na niya ito. But Hector doesn’t feel degraded because he know, that was only a way for them to get more close. Para bang ang pambu-bwisit sa isa’t isa ang bonding nila. At saka, in-assure naman sa kanya ng kanyang anak na hindi nito kakalimutan ang respeto nito sa kanya. Nagpalaki talaga ng mabuting anak si Lucy, ang yumao niyang asawa.
Pinihit niya ang saradura at tinulak lang ng bahagya ang pinto. Nakasiwang lang ito. Bahagya siyang natawa nang nalukot ang mukha ng anak bago nito sinipa ang pinto. Medyo malakas din ang ginawa nitong pagsipa. Tumambol kasi ng bahagya ang likod ng pinto sa pader ng kwarto.
Sa pagpasok nilang dalawa ng kanyang anak, napansin nila ang pagkabigla at takot sa mukha ng dalaga.
Mabilis na umikot ang kanyang anak para ilagay ang hawak na bed tray table sa ibabaw ng bedside table. At dahil may isang stainless container do’n na pinaglagyan ng bala, bulak at bandages, sinenyasan siya ng anak na kunin iyon. Lakas talaga mang-utos ng anak niya.
Umupo ito sa gilid ng kama. “Nabigla ba kita, binibini?”
Bahagya niyang binatukan ang anak. “Binibini ka diyan. Hindi bagay sa’yo, ha? Umayos-ayos ka, Sebastian.”
Saglit siyang nilingon ng anak saka binelatan. “Sebastian nga pala ang pangalan ko. Ik—”
“You don’t have to repeat, anak. Narinig niya,” putol niya. “And before you interrogate her, pakainin mo muna siya.”
“Ay, oo nga pala,” anito na hinabulan pa ng mahinang hagikgik. Inabot nito ang bed tray table saka nilapag iyon sa kama. “Kumain ka na.”
Gustong bumunghalit ng tawa ni Hector sa inaakto ng anak. His son really trying to act normal — friendly normal. Hindi naman kasi ganyan ka-timid ang anak niya. Sebastian really loves interacting with and meeting new people. Hindi ito takot makisalamuha sa iba at sa katunayan ay marami itong kaibigan. Kaya nang iuwi niya ang dalaga sa bahay, hindi ito magkandaugagang alamin ang pangalan, edad, lokasyon, at kaarawan nito.
At sa loob ng dalawang araw na walang malay ang dalaga, laging nakabantay si Sebastian dito. Hinihintay itong magising. Pinakiusapan lang niya ang anak na kapag nagising ang dalaga, iwasan nito ang pagka-hyper at baka ma-weird-uhan ito sa kanya. And he was trying so hard to not burst into excitement.
Tiningnan lang sila ng dalaga. Bumalik lang ang pagka-seryoso ni Hector nang may mapansin siyang emosyon sa mga mata nito — takot at pagdududa.
“I really do not wanna jump into conclusion but your state three nights ago really gives me the impression,” he started. “May I know what your name is, hija?”
“We,” pagtatama ng kanyang anak.
Ilang minuto bago sumagot ang dalaga. “I-Isabel.”
“Wow,” bulalas ni Sebastian. “What a nice name.”
“Huwag kang mag-wow diyan, Baste. Kontakin mo na ang Ninong Greg mo. Sabihin mo, gising na ang pasyente niya.”
“Pero Papa—”
“Sige na.” Walang nagawa ang kanyang anak kundi lumabas ng kwarto.
Naiwan silang dalawa ni Isabel sa guest room. Nakatitig na ito sa pagkain — hindi, nakatulala ito. Mayroon talagang hindi magandang karanasan ang dalaga na ito sa kakahuyan na ‘yon.
“Pwede ko bang malaman kung ano ang nangyari sa’yo, Isabel?” Even for himself, he didn’t know why he stutter when he asked her.
Parang may pumitpit sa puso niya nang makitang umiiyak na naman ulit ito. She looked like a broken glass that has been crushed even more.
“Oh, no. No. You don’t have to answer my question yet. Hindi kita pinipilit.”
Hindi na muling nagtanong pa si Hector at hinayaan lang itong umiyak nang umiyak.
Sa loob ng kalahating oras, tumigil sa pag-iyak ang dalaga. Dumating na rin ang kaibigan niyang doktor.
Sa una ay masyadong ilag ang dalaga sa paghawak ng doktor. May oras na iwinawaksi nito ang kamay ng doktor.
“Hija, ‘wag kang mag-alala. Hindi ako masamang tao,” the doctor assured. “I’m a doctor and the doctors don’t harm their patients. You can trust me, hija.” His friend said with his sincerity and assurance.
Marahil na rin sa mabuting pinakita ng kaibigan niya sa dalaga, unti-unting tumango si Isabel. Naging madali na lang ulit ang pagsusuri nito sa kanya. Hindi na ito naging ilag.
“If you don’t mind, how young are you, hija?” tanong ng doktor habang inaayos na ang gamit nito sa isang bag.
“Ei… Eighteen,”
Tumango ang doktor. “Anyway, you must help yourself as well. You should eat your meals. Then, ‘yong niresetahan kong gamot sa’yo, manggagaling ‘yon kay Hector, okay? It’ll heal your deep wounds and will help you fall asleep,” bilin nito nang maisara na ang zipper ng bag nito. Hawak nito ang stethoscope na kanina ay nakasabit sa kanyang leeg. “You can trust these guys, too. Do not hesitate to open up with them. They won’t judge you, hija.”
Doctor Greg faced him as he tapped his shoulder. “Gotta go now, H.”
Tumango siya at saka hinatid ito palabas. Nadaanan pa nilang nakaupo si Sebastian sa ikalawang baitang ng hagdan sa baba.
Bago sumakay ang kaibigan sa sasakyan nito, hinarap siya nito. “Kahit hindi magsabi si—” Nabitin ito sa pagsasalita para hingin ang pangalan ng dalaga.
“Isabel.”
“Right. Si Isabel. Kahit hindi siya magkwento sa kung ano ang nangyari sa kanya, aside from her bruises and wounds. Napansin ko rin sa kanya na natutulala siya. And have you notice? She doesn’t want to be held or touch. She’s traumatized, H. For sure, hindi makakatulog ang batang ‘yon mamayang gabi.”
“So, what should we do?”
“‘Yong pangalan ng gamot na nasa huli ng reseta, ipainom mo sa kanya ‘yon after thirty minutes of her dinner. Do not force her to tell what happened to her. Mahirap pa para sa kanya ‘yon. For now, give her the basic necessities,” anito. “Theoretically, masyadong inabuso ang batang ‘yon and it’ll really take time to gain her trust. You need to be patient for her. But I guess, she’s a nice kid.”
May mga bagay pa silang napagkwentuhan ng kaibigan bago ito tuluyang sumakay ng kotse. Nang maisara niya ang gate, kaagad na siyang pumasok ng bahay at nagtungo agad sa kwarto ni Isabel.
Maingat na binuksan niya ang pinto ng kwarto nito at sumilip doon. Mula sa siwang ng pinto, nakita niya si Isabel na nakaupo sa kama. Ang likod nito ay nakasandal sa headboard. Nang i-adjust niya ng bahagya ang tingin, muntik na niyang masampal ang sariling noo nang makita sa loob si Sebastian. Nakaupo ito sa kanang bahagi ng kama, nakaharap kay Isabel habang hawak ang stainless container. Para itong nagde-demonstrate ng kung ano.
“Hindi talaga mapakali ang bente anyos na ‘to, oo,” bulong niya.