DIEZ

2163 Words
LUNA | DIEZ SA paglalagi ni Isabel sa mga Arienza ng mahigit dalawang linggo, hindi siya pinabayaan ng mag-amang Hector at Sebastian. Binibigay ng mga ito ang pangangailangan niya — mula sa mga gamot na kailangan niyang inumin, pagkain, at damit.  Sa loob ng mahigit dalawang linggo na iyon, palaging siyang pinupuntahan ng mag-ama sa kanyang kwarto. Kinakausap at kinukwentuhan siya tungkol sa mga bagay-bagay kahit na bihira kung magsalita rin siya. Para kay Isabel, kahit na ibinibigay ng mga ito ang pangangailangan niya, hindi maalis sa kanya ang agam-agam na tauhan ito ng lalaking pumatay sa mga magulang niya.  Gustong-gusto nang makalimutan ni Isabel ang mga masasamang nangyari sa kanya. Tuwing gabi ay parang nagre-rewind sa panaginip niya ang nangyari. Naririnig niya ang alingawngaw ng baril, ‘yong dugo ng magulang niya na nagkalat sa sahig ng sala nila, ‘yong mukha ng mga lalaking gumalaw sa kanya. Ang mga ‘yon ang bangungot na gumigising sa kanya tuwing hating gabi. Hindi niya alam kung dinig ba ng mag-ama ang pag-iyak niya tuwing hating gabi. Ni isa sa mga iyon ay hindi naman siya pinuntahan. Pero mas mabuti na ‘yon dahil tiyak na kukwestyunin siya. Hindi niya kayang magsabi sa mga ito kung ano talaga ang nangyari sa kanya. Wala siyang tiwala sa dalawang ‘yon. Alas otso ng umaga ng Biyernes nang nakaupo siya sa kanyang kama at nakatitig sa sarili gamit ang full-length mirror. Natuyo na ang mga sugat niya sa mukha at nawawala na rin ang ilang pasa niya sa mukha. Pero ang mga bandages niya sa braso at binti, hindi pa rin natatanggal.  Dahil hindi pa rin siya nakakaligo, tanging paghihilamos lang gamit ang bimpo ang ginagawa niya. May nakatalagang oras naman kung kailan dadalhin ng Sebastian na ‘yon ang gamit niya sa paghihilamos.  Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Hindi siya nagtakang lingunin ito dahil nakita naman niya sa salamin kung sino ang pumasok. Ang madaldal at makulit na Sebastian. May dala itong bed tray table. Sinara nito ang pinto sa pamamagitan ng pagsipa rito ng marahan. Naglakad ito papunta sa kanang gawi ng kama at doon ay nilapag nito ang bed tray table sa harap niya. “Good morning!” masayang bati nito sa kanya na may ngiti sa mga labi. “Time to eat your breakfast, binibini! Maya-maya lang ay darating na si Ninong Greg para suriin ka.” At hindi lang doon natapos ang pagsasalita ng binata. ‘Pinakilala’ pa nito ang laman ng bed tray table. ‘Yong gamot, kutsara, at tinidor, ‘yong baso, kung ano ang laman ng baso, ‘yong pinggan, at kung ano ang laman ng pinggan at etcetera.  “H-Hindi ako ignorante. Alam ko ‘yang mga ‘yan,” she managed to tell him.  The guy scratched the back of his head as a faint smile crept on his lips. “Oo nga naman,” he said to himself. “Sige na, kumain ka na.” Hindi naman nauubos ni Isabel ang mga pagkaing hinahatid ng lalaking ito sa kanya. It is hard for her to swallow every food she chew. Parang hanggang lalamunan lang niya iyon at gusto pa niyang iluwa.  Kinuha niya ang kutsara pero hindi niya ginalaw ang pagkain. Tumalikod ang binata. Akala niya ay lalabas na ito ng kwarto pero nilibot lang nito ang loob na para bang iyon ang unang pagkakataon nitong nakapasok doon. His fingers touch the closed wardrobe as he speak. “You know what, binibini, sabi sa’kin ni Papa — si Hector — there is a reason why you lived at ikaw lang ang nakakaalam kung anong rason ‘yon,” Reason why she lived? Reason to live? Para kay Isabel, wala na siyang dahilan para mabuhay. Nawala na lahat sa kanya — ‘yong pinakamamahal niyang magulang at nawalan na rin siya ng dignidad. Walang itinira sa kanya ang mga demonyong ‘yon sa kanya. Well, may souvenir ang mga hayop na ‘yon sa kanya — trauma, lungkot at galit. Parang napunding ilaw ang buhay niya dahil sa mga ‘yon.  Umupo ang binata sa kaliwang gilid ng kama. He looked at her with sadness visible on his eyes. Nawala ang pagka-kwela ng mukha nito. “Heto, ha? Share ko lang sa’yo,” he started. “Hindi ko sasabihin kung ano ang trabaho ni Hector baka lalo mo pa kaming hindi pagkatiwalaan. But if ever you have a chance to know, sasabihin ko na ang dahilan kung bakit naging gano’n si Papa. “It was all started because of my oldest sister. My sister was only twenty-five year old politician but then, some position from the government set an assailant for her when she tried to speak the truth in public. Na ang kaban ng mga mamamayan ay binubulsa lang. When my sister died, Hector seeks justice for my sister. Ayon nga lang, hanggang ngayon hinahanap niya ‘yong politikong nagpapatay sa nakakatandang kapatid ko.” “Ang ibig mo bang sabihin, kaya ako nabuhay ay para balikan sila at makuha ang hustisya?” pautal-utal na tanong niya rito.  Nagkibit balikat ang kaharap niya. “Who knows. Nasa sa’yo ‘yan kung ganyan nga ang gusto mong mangyari.” “A-Ano ba ang trabaho niya?” “Alam mo, binibini, kailangan muna namin ang tiwala mo bago ko sabihin sa’yo,” anito. “Baka bigla ka na lang tumakbo kapag sinabi ko sa’yo ngayon.” Hindi na lang kumibo si Isabel. She was curious as cat but she just shrugged it off. Kung sabihin man nito kung ano ang trabaho ng ama ay baka mabigla pa siya.  Lumipas ang ilang minuto na hindi niya ginalaw ang pagkaing ibinigay nito sa kanya. Dumating naman si Doctor Greg — ang espesyalistang sumusuri sa kanya — at si Hector.  Kahit papaano ay panatag ang loob niya sa doktor. Kapag tinatanong siya nito tungkol sa mga sugat nito ay simpleng tango at iling lang sagot niya. Nanatili sa kwarto ang mag-ama at pinapanood ang pagsuri sa kanya ng doktor. “You can remove your bandages anytime you want, hija. Pero asahan mo lang na mag-iiwan ng peklat ang mga sugat na natamo mo,” wika ng doktor sa kanya. “I suggest you to walk around the house para na-e-exercise ‘yong kaliwang binti mo. Do not stop taking your meds until I say so, understood?” Marahan ang naging pagtango niya bilang sagot sa huling sinabi nito.  Mayroon pa itong mga habilin bago tuluyang nagpaalam ang doktor sa kanila. Sinamahan naman ito ni Hector at hinatid sa labas. Sa pagsara ng pinto, naiwan silang dalawa ni Sebastian sa kwarto. Nakaupo siya sa kama habang nakatayo ito at nakasandal ang likod sa nakasarang wardrobe.  Hindi na lang pinansin ni Isabel ang presensya nito. She acted as if he is invincible.  She tried peeling the bandage from her right wrist but it seemed the tangle was not there. Kinapa niya ang kanyang braso at doon niya naramdaman ang isang buhol. Gusto niyang hubarin ang suot na T-shirt at nang masuri at matanggal na ang mga puting bandages sa katawan niya. Pero mukhang walang balak lumabas ang lalaki. Nakasuksok ang magkabilang palad nito sa bulsa ng pants nito at seryosong nakatingin ito sa kanya. Parang isang punla na nadidiligan ang kaba at takot sa loob niya. Papanoorin ba siya talaga nito? Paano kung gawin din nito ang ginawa ng mga taong bumaboy sa kanya? “Pwede bang iwan mo na ako?” pakiusap niya. Matagal bago ito nagsalita. “Ayaw mo nang tulong?” Sa isiping hahawakan siya nito, mabilis siyang umiling.  Umayos na ito ng tayo. “Sabi mo eh,” komento nito saka naglakad palapit ng pinto. Pinihit nito ang saradura at saka bahagyang binuksan ang pinto. “Pero kung kailangan mo ng tulong, just call my name, binibini.” Iyon na lang ang nasabi nito bago tuluyang lumabas ng kwarto. Noon bumaba ng kama si Isabel. Sa pag-apak niya sa malinis na naka-tiles na sahig, napangiwi siya ng bahagya nang makaramdam ng kaunting kirot mula sa kaliwang binti niya. Huminga muna siya ng malalim bago gumawa ng isang hakbang. Isa pang hakbang at isa pa hanggang sa umabot siya sa pinto saka niya ni-lock iyon.  Pagkatapos ay tumayo siya sa tapat ng full-length mirror. Unti-unti niyang hinubad ang T-shirt at ang pajamang suot niya. Hindi lang pala braso at binti niya ang naka-bandage, pati na rin ang tiyan niya paikot sa kanyang bewang at buong likod niya.  Una niyang tinanggal ang bandages sa kanyang braso at sumunod ang sa binti niya. She keep the straight face as she stared at her wounds on the mirror. Unti-unti nang natutuyo ang mga iyon. Huli niyang tinanggal ay ang nakapulupot na bandage sa tiyan at likod niya. Her hands started shaking as she had a glimpse of her wounded skin. Hinayaan lang niyang bumagsak ang manipis na tela sa sahig saka siya tumalikod mula sa salamin. Covering her breasts with her arms, she looked at her behind to see her back tainted with uncanny cuts and burnt.  She looked so... “Ang dumi mo,” bulong niya sa sarili.  Nasa banyo siya na nakakonekta sa kwartong inookupahan niya. Nakaupo lang siya sa malamig na tiles na sahig ng banyo at sa ilalim ng nakabukas na shower.  “Ang dumi-dumi mo…”  She starts rubbing her skin harshly with her fist. She rubs every part of her body in a thought of those unwanted touch will go away. Pero kahit anong gawin niya, hindi niya maalis ang pakiramdam na ‘yon.  Her whispers became scream and shout — degrading herself even more. Telling how filthy, disgusting, pitiful, and hopeless she is. Her cries echoed inside the bathroom. Halos doon niya nilabas ang lahat ng hinanakit at pangungulila na nararamdaman niya mula noong nasa four - o - nine hideout hanggang sa makatakas siya sa impyernong iyon. ꧁꧂ NANG maisara ni Sebastian ang pinto, sumandal siya roon. Hindi talaga siya nawawalan ng pag-asa na hihingi ng tulong sa kanya si Isabel. He loves helping people though. Malungkot na ngumiti siya habang nakatitig sa kisame. Those eyes of Isabel. What would they look like if they are lively? Sa loob kasi ng mahigit isang linggo, hindi nagbabago ang emosyon sa mga mata nito. Malungkot at walang buhay. And that means, they hide the most painful battle of her life. No one can heal her pain inside only herself.  He was taken aback when he heard a scream inside of Isabel’s room. Sa pagkataranta niya’y mabilis na lumingon siya at nakalimutan niyang sinara pala niya ang pinto. Sumalpok tuloy ang matangos niyang ilong sa pintong gawa sa akasya.  Hawak ang ilong niya ay pinihit niya ang seradura. Tuluyan siyang napamura nang naka-lock iyon. Mabilis pa sa alas quatro na tinahak niya ang hallway patungo sa library ng kanyang ama at hinalughog ang isang kabinet doon. Nang makita ang hinahanap na susi, halos tumakbo siya pabalik sa kwartong inookupa ni Isabel. Pinasok niya ang susi sa keyhole at mabilis na binuksan ang pinto. Binubundol na siya ng kaba nang matantong wala si Isabel sa kama hanggang sa napatingin siya sa direksyon ng banyo kung saan narinig niya ang pag-iyak at sigaw nito.  He grabbed a white robe from the cloth rack before he walked towards the bathroom. When he opened the door, there she was. The shower was on. She was sitting on the tiled floor and her back was facing him.  “She’s screaming out her pain,” he thought. Hindi na nag-alinlangan pa si Sebastian, lumapit siya sa dalaga. Pinatay niya muna ang shower bago tinakpan ang hubo nito gamit ang white robe na hawak niya.  Humihikbi pa rin ang dalaga nang tumingin ito sa kanya.  He gave her a friendly smile. “Can you stand?” he asked. Tumango ang dalaga. Pinasuot niya muna rito ang roba bago ito tumayo at inalalayan niya ito palabas ng banyo. Kahit hindi pa nito natutuyo ang sarili, pinaupo niya ito sa paanan ng kama. Umupo siya sa tabi nito.  She hugged herself as her eyes became teary again. “Pinatay niya sina Mama at Papa.” Napaangat ng bahagya ang magkabilang kilay ni Sebastian nang marinig ang sinabi nito. Hindi niya alam kung saan siya nabigla: sa sinapit ba ng magulang nito o sa biglang pag-open up nito sa kanya. “Nakita ko kung paano niya pinatay sina Mama at Papa. Tapos… Tapos dinala nila ako sa sinasabi nilang hideout at doon nila ako—” her voice crack as she tried to continue her words. “Doon nila ako paulit-ulit na binaboy.” Sangkatutak na pagpipigil ang ginawa ni Sebastian na huwag itong yayakapin o bigyan man ng kung anong comfort touch ang dalaga. Hinayaan lang niya itong umiyak nang umiyak. Maybe, staying at her side would make her feel  she is not alone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD