LUNA | ONCE
HABANG nagkukwento kay Sebastian si Isabel, nakinig lang siya sa dalaga. Hindi nahinto sa pag-hikbi ang dalaga habang kinukwento nito ang nangyari rito sa mga nagdaang tatlong linggo.
Sa kwento ng dalaga, may isang tao itong hindi nito pinangalanan. She used the pronoun ‘niya’ to addressed that certain person.
The agony he was feeling for the girl as he heard her story really burning his heart. No one deserves to be treated that way. Mabuti na lang ay may tumulong sa dalaga na makatakas mula sa mala-impyernong hideout na ‘yon. That guy whose name Cent was the one of the people she mentioned aside from her mother and father.
Speaking of her family, the name Ella and Ismael Ruiz seemed familiar to him. Parang narinig na niya iyon kung saan pero hindi lang niya maalala.
Isang katahimikan ang bumalot sila nang matapos ito sa pagkukwento. Tanging pag-hikbi lang nito ang maririnig sa apat na sulok ng kwarto. Wala sa sariling napatingin si Sebastian sa paanan ng full length mirror. Naroon ang mga bandages na hinubad ng dalaga kanina.
Tumayo siya saka pinulot ang mga ‘yon saka itinapon iyon sa isang maliit na tapunan ng debris sa banyo. Nang bumalik siya sa kwarto ay ang wardrobe naman ang pinuntahan niya. There are some clean clothes that placed in the closet for guest purposes only. Kumuha siya ng isang malinis na tuwalya, T-shirt, cardigan, at pajama mula roon. Sinara muna niya ang cabinet bago naglakad palapit kay Isabel.
He sat on his heels in front of her as he placed the clothes in her side. Mula sa pagkatitig sa mga daliri nito, nalipat ang tingin nito sa kanya. Huminto na ito sa pag-iyak kaya kapansin-pansin na ang pamumula ng mga mata nito.
Hindi na niya napigilan ang sarili. He reached out her hands and gave her an assuring smile. He felt her froze for a moment but she calmed.
“You have been so strong from the beginning, binibini. I know, Mr. and Mrs. Ruiz are beyond proud of you,” he said to her without triggering her memories. “For now, wear those clothes first and rest. Take a enough nap because I know you are not getting a good sleep every night.” Bahagya niyang pinisil ang kamay nito. “If you need someone to hear your thoughts, I am here.”
Ngumiti siya nang tumango ito bilang sagot nito.
Sa paglabas niya mula sa kwarto, hindi maiwasang matuwa ni Sebastian. Finally! He was making a progress to win her trust. He was so excited to see her eyes to look at him without a doubt and fear.
And once she found out about her father, hindi magbago ang tingin nito sa kanila.
꧁꧂
LUMIPAS pa ang mga araw, nakuha nang lumabas ng kwarto si Isabel. Hindi pa rin siya sanay na nasa ibang bahay siya at hindi na dinadatnan ang nakasanayan sa dati nilang bahay. Wala ng tunog ng kawali’t sandok at iyak ng takure siyang naririnig tuwing umaga.
May dalawang palapag ang bahay ng mga Arienza. Sa paglalakad niya, tatlong guest room ang nadaanan niya. Sa tapat ng tatlong guest room na ‘yon ay may tatlo ring nakasarang pinto. Kulay puti ang kulay ng pader at marmol naman ginamit para sa sahig.
Sa pagliko niya sa kanan saka niya lang nakita kung gaano kalaki ang bahay ng Arienza. Sa kanan ng hallway ay may mga vases ang naka-display at iilang paintings ang nakasabit sa dingding. Kung didiretso ka nang lakad sa malawak na hallway na ‘yon ay may maabutan kang dalawang pinto.
Bago ka umabot sa staircase ay may madaanan ka muna ng isang malaking larawan ng isang babae. Naka-display iyon sa gitna ng dingding sa ikalawang palapag. Kung papasok ka sa entrance door ng bahay ay ito agad ang unang mapapansin mo. Hindi ito kuha lang gamit ang isang kamera, ipininta iyon.
Titig na titig si Isabel sa larawan ng babae. Kakulay nito ang buhok niya ngunit iyon kasing haba ng kanya. Maganda ang pagkataas ng kilay nito na bumagay sa matapang nitong mga mata. Halata sa matangos na ilong nito ang isang maliit na nunal na nasa tungki ng ilong nito. Hindi nakangiti ang mga labi nito at hindi rin nakasimangot. Kahit na isa lang iyong painting pero parang buhay na buhay ang babaeng nasa larawan. Napaka-aliwalas ng mukha nito pero nakikitaan pa rin ito ng tapang.
“That’s my daughter,”
Nalipat ang tingin niya sa nagsalita. Nakatayo sa kanan niya si Hector. Ang kaliwang kamay nito ay nakasuksok sa bulsa ng suot nitong pantalon. Tulad niya kanina ay nakatingin ito sa larawan ng babae — na anak pala ito.
Tumingin ulit siya sa larawan. Siya pala ‘yong kinwento ng Sebastian na ‘yon.
“She was shot in a live broadcast five years ago by an unknown shooter. Ang masakit lang para sa’kin no’n, expected na niyang nasa bingit na siya ng kamatayan. Sino ba naman kasing pulitiko ang hindi nagpapatahimik sa taong may alam ng baho niya, hindi ba?” tanong nito na hinabulan pa ng isang malungkot na tawa.
“A-Ang ganda po niya,”
“Syempre. Mana ‘yan sa nanay niya,” bakas ang pagyayabang sa boses nito. “Your red hair reminds me of her. Natural ang kulay pulang buhok niyang ‘yon at sanay na sanay ‘yon magpagupit tuwing natatapos ang buwan.”
“Pwede ko po bang malaman kung ano ang pangalan niya?”
“Luna. Her name is Luna.”
Lalo niyang tinitigan ang mukha ng babae — si Luna. Bagay na bagay dito ang pangalang Luna. Kahit na ipininta lang ito, she still glows. At sa pagtitig niya sa babaeng nasa larawan, there is something gives her a vibe — the vibe of a powerful woman. Her eyes might be painted using a hazel nuts colour but they scream power, rage, and independence.
From what she heard from Sebastian, she believed that this woman died because of trying to expose the inequality of the government and to speak out for justice for every citizen. She is brave yet she died without a justice that Hector still tried to seek.
Isabel can’t help herself but to feel envy of her qualities. She wished she could be like her. She wanted to be like her.
She glanced at him. “After what happened to her, what did you become, Sir?” She asked out of curiosity.
Bigla na lang kasing sumagi sa isip niya ang sinabi sa kanya ni Sebastian tungkol sa ama nito noong mga nakaraang araw. Actually, she can’t believe that guy. He was twenty year old yet he acted like a teen. Napakadaldal pa nito na ultimo yata sa pagtulog ay nagsasalita ito.
Tumingin ito sa kanya. May pagkabigla sa mukha nito pero napalitan din ng pagtataka. “Nagkwento ba sa’yo ‘yong bente anyos na ‘yon?”
Hindi na niya kailangan pang tumango dahil ito na rin mismo ang sumagot sa sariling tanong. Pero matapos itong magsabi ng kung ano-ano tungkol sa anak, tumingin ito sa kanya.
“Handa ka ba sa sagot? You won’t expect my answer, kid,” he warned.
Tumango na lang siya bilang sagot. Lalong nabuhay ang curiosity niya sa katawan. Para iyong anay na kumakain sa sistema niyang malaman kung ano nga ba ang pinagkaabalahan nito matapos ang pagkamatay ni Luna.