DOCE

1739 Words
LUNA | DOCE “HANDA ka ba sa sagot? You won’t expect my answer, kid.” Hector casually said to her. There’s a genuine smile drawn on his lips yet his voice glint with caution.  Tumango na lang si Isabel bilang sagot. Lalong nabuhay ang curiosity sa katawan niya. Para iyong anay na kumakain sa sistema niyang malaman kung ano nga ba ang pinagkaabalahan nito matapos ang pagkamatay ng anak nito na si Luna. Ngunit bago pa ito makapagsalita muli, dumating si Sebastian. “Wala kayong balak mag-almusal?” nagtatakang tanong binata sa kanila ng binata.  Lumapit ito sa kanilang dalawa at tumabi kay Isabel. Nakagitna tuloy siya sa mag-ama habang nakatayo silang tatlo sa larawan ni Luna. Ilang minuto rin silang nakatayo roon, nakatingala at tinititigan ang obra. Si Sebastian na rin ang nag-aya na bumaba na sila dahil gutom na gutom na raw ito. Pagdating nilang tatlo sa kusina, pinaupo siya ni Sebastian sa isang may kataasan na upuan — kung hindi siya nagkakamali ay stool ang tawag sa upuan na ‘yon. Umupo naman si Sebastian sa katapat niyang upuan habang si Hector naman ang naghapag ng almusal na kakainin nila sa umagang ‘yon.  Tahimik na nag-almusal silang tatlo sa araw na ‘yon. Tanging kalansing lang ng mga kubyertos ang naririnig. Malayong-malayo ang umaga na ito sa nakasanayang buhay ni Isabel. Walang kulitan. Walang tawanan. At sa palagay niya ay hindi na niya mararanasan muli iyon na kasama ang mga magulang niya.  Hanggang sa natapos sila ay hindi niya narinig ang boses ni Sebastian o ni Hector man lang. As they were finished, Isabel insisted to wash the dishes but Sebastian refused her invitation.  “Ikaw na bahala rito, Baste. Kailangan ko nang maghanda, aalis kasi ako.” Natigil ang binata sa pagliligpit ng mga pinagkainan nila at tumingin ito sa ama. His eyebrows furrowed and gave his father a questioning look. “At saan ka naman pupunta?” tanong nito na para bang ito ang tatay sa kanilang dalawa. Nakinig lang ni Isabel ang pagsasagutan ng dalawa.  “I am going to meet a client today,” Hector answered. “So, I need you to look after her. And do not dare do something stupid, Baste.” The guy gestured his father to go away. “‘Lam ko na ‘yan. You don’t have to tell me that. And please lang, Hector, ‘wag mo ‘kong tawaging Baste. Napaka-totoy, pwe.” Tumalikod itong nakasimangot habang bitbit ang mga pinagkainan at dinala ang mga iyon sa lababo. Napabuntong hininga na lang si Hector. Tumingin ito sa kanya at nginitian siya. “Kapag may ginawang karumaldumal ‘yang bente anyos na ‘yan, isumbong mo sa’kin pag-uwi ko, ha?” Tumango si Isabel. “Opo,” sagot niya. Pinaalalahanan muli ng lalaki ang anak bago ito tuluyang iwan sila sa kusina. Nakaupo lang si Isabel doon habang nakatitig sa likod ni Sebastian na ngayon ay inumpisahan na ang paghuhugas ng mga plato.  Nang matapos ito sa paghuhugas, humarap ito sa kanya habang pinupunasan ang basang kamay gamit ang isang towel. He nod his head lightly. “Tara, labas tayo.” Pag-aaya nito na may maliit na ngiti sa labi. Gusto niyang umayaw pero naisip niya na baka nagmumukha siyang maarte. Kaya ang ginawa ni Isabel ay tumango siya bilang sagot. Nauna sa paglakad si Sebastian bago siya bumaba mula sa kinauupuan niya at sumunod sa binata. Hanggang nakalabas sila ng bahay at nakarating sa isang maliit na garden sa gilid ng malaking bahay.  The ground was covered with bermuda grass. May mga nakasabit na iba’t ibang uri ng hanging plants sa pader. Iba’t ibang uri ng mga ornamental plants at bonsai ang nakahilera sa magkabilang gilid. Tila ba gumagawa ang mga halaman na iyon ng isang daan. Sa kanang bahagi ay may isang bench doon na gawa sa kahoy ng mahogany. At may dalawang poste ng ilaw ang nakatayo malapit sa naturang upuan. Bahagyang nagulat si Isabel nang hawakan ni Sebastian ang kanyang pulsuhan at pinaupo siya nito roon saka ito tumabi sa kanya. “Kamusta ka na pala?” tanong ng binata sa kanya matapos ang ilang minutong katahimikan. Nilingon niya ito ng may pagtataka sa mukha. Nakatingala lang ito habang titig na titig sa mga hanging plants sa harap nila. “Araw-araw mo na lang t-tinatanong sa’kin ‘yan,” katwiran niya. Nagkibit balikat ito. “Araw-araw na lang din na ganyan ang sagot mo sa’kin,” balik nito sa kanya pagkatapos ay tumingin sa kanya. “Pero masasabi ko naman na ayos ka na. Your eyes can hide the pain now.” Iniwasan ni Isabel ang tingin nito bagkus ay itinuon niya ang tingin sa mga daliri niya. Lumunok muna siya ng laway na tila ba roon siya makakakuha ng lakas ng loob na sabihin ang mga salitang gusto niyang sabihin dito. “S-Salamat nga pala.” She slapped herself mentally when she stammered. But at least, she finally had said it to him. “Para saan naman?” “Hindi ako nakapag-thank you sa’yo noong araw na ‘yon.” She was referring to the day that she got a chance to open up to him. “Sa totoo lang, para bang kahit papa’no, nabawasan ‘yong burden na nararamdaman ko. Pagkatapos nang nangyari sa’kin, parang ang hirap magtiwala. Kasi, what if kayong mga tumulong sa’kin eh tauhan pala niya. Especially your father. He kinda gives me the vibe of a—” “A killer, gano’n ba?” “Hmm? Hindi naman sa gano’n. Despite him showing a genuine personality, parang anino niya ‘yong mafia vibes something like that.”  She honestly can’t put on the right words for Hector’s aura. But for her, Hector was like yin yang, just like the taijitu symbol. His aura shows a balance between two opposites with a portion of the opposite element in each section. The distinctions between good and bad and the duality of him is an indivisible whole. “So, you don’t see him as a killer?” “I really don’t know,” she shrugged. Kung saan din napunta ang naging kwentuhan nila. Hindi naman siya pinilit ng binata na mag-kwento tungkol sa buhay niya bago ang kanyang bangungot. Nagkwento si Sebastian tungkol sa pamilya nito at nakinig naman siya sa bawat sinasabi nito. Nang magsawa silang dalawa sa kwentuhan ay napagdesisyunan na nilang pumasok ng bahay. Nalaman lang nila na umalis na si Hector nang mapansin nilang wala na ang sasakyan nito sa driveway. At dahil hindi nila alam ang dapat gawin sa mga oras na ‘yon, napag-usapan nilang manood na lang ng pelikula.  Si Isabel ang pinapili ni Sebastian kung anong pelikula ang panonoorin nila. At isang comedy movie ang napili niya. Habang sinasalang niya ang panonoorin ay pumunta naman ng kusina si Sebastian. Sa pagbalik nito, may dala itong isang balot na popcorn. Magkatabi silang umupo sa mahabang sofa. May mga oras na naglalaro sila ng bato bato pik kahit na nakasalang ang pelikula sa telebisyon. Gano’n lang ginawa nila buong araw. Maglaro at manood. ꧁꧂ KINAGABIHAN, hindi na nila nahintay si Hector. Silang dalawa lang ni Sebastian ang nagsalo sa hapunan na niluto nila. Nang matapos sila sa pagkain, sinabihan siya ni Sebastian na umakyat na para makapagpahinga siya. Ito na lang daw ang bahala sa mga pinagkainan nila at ito na lang daw ang maghihintay sa ama. Pinasalamatan niya muli ito bago ito iwan sa kusina. Pagkarating niya sa kwarto, dumiretso agad siya sa banyo para makapag-half bath man lang. Hindi kasi siya nakaligo kanina dahil natuon ang oras niya sa panonood kasama si Sebastian.  Sa banyo na rin siya nagbihis ng pajama at puting T-shirt. Umakyat na siya sa kama at kinuha ang librong binabasa na niya ng ilang araw. Hiniram niya iyon sa binata para na rin may pinagkakaabalahan siya sa mga ganitong oras.  Naka-ilang pahina rin siya bago siya nakapag-desisyon nang matulog. Isinara niya ang libro at nilapag iyon sa bedside table, sa tabi ng lampshade. Inabot niya ang lalagyan niya ng gamot. Bago kasi siya matulog ay may iniinom siyang gamot na nireseta sa kanya ni Doctor Greg.  Hindi natuloy ang pagbukas niya sa case nang maalala niyang hindi pala siya nakapagdala ng isang basong tubig. Doon lumabas siya lumabas ng kwarto at bumaba patungo sa kusina. Ngunit napahinto siya sa pagpasok ng kusina nang hindi niya sinasadyang marinig ang pag-uusap ng mag-ama. “Kamusta ang misyon mo, Papa?” “Medyo matinik ‘yong binigay na target sa’kin,” rinig niyang sagot ni Hector sa anak. “Sus! You’re one of the best assassin in nation, Papa. Yakang-yaka mo ‘yon.” He’s joking, isn’t he? Iyan ang gustong ipilit niya sa sarili. Pero parang nabingi si Isabel sa narinig. Napakunot noo siya at pilit na ina-absorb ang narinig niya kay Sebastian. Pero sa tingin niya ay hindi nagbibiro ang binata. ‘Ni hindi nga nito masabi sa kanya ang trabaho ng ama noong mag-kwento ito sa kanya noon. Gano’n din si Hector kaninang umaga. He even warned her. Naghalo-halo na ang mga kwento ng binata at ni Hector sa kanya — mula sa kwento nito tungkol sa pagkamatay ng nakakatandang kapatid nito at anak nito. Gustong intindihin ni Isabel na may dahilan si Hector kung bakit ito naging gano’n sa pamamagitan ng anak nito. The justice for her daughter was his reason but it felt like there was a huge wall blocking her mind to absorb the information she heard. Bumalik na si Isabel sa kwarto niya at ang inumin na balak niyang kunin kanina ay hindi na niya nagawa.  Humiga siya sa kama at tinitigan ang kisame. She was still thinking if is it really good to stay with the Arienza, especially with Hector. For pete’s sake, he is an assassin! What if isa talaga ito sa mga galamay ng mafia boss na ‘yon? The thought made her feel a bit of anxiety.  Pero bigla rin niyang naisip na kung isa nga ito sa mga tauhan ni Espana, edi sana hindi siya umabot ng isang buwan sa bahay ng mag-amang Arienza.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD