LUNA | CUARENTA Y SEIS “YOU ready?” “Ano pa bang magagawa ko? Nagdesisyon ka na, e.” At dahil sa komento ni Sebastian sa kanya, tuluyan siyang dumiretso ng dining area. Nilapag niya sa pinakagitna ng mesa na gawa sa salamin ang dala niyang container na may lamang caldereta. Saka siya pumunta ng sala para tawagin si Neil Escobar. Tatlong body guards lang ang naabutan niya na kasama nito. Maybe the two are outside of the door, guarding the front door. She eyed at the briefcase on the coffee table. “Sir.” Pagpukaw niya sa atensyon nito. Mula sa pagkakatitig nito sa screen ng laptop, nalipat ang mata nito sa kanya. “Are you done cooking my food?” He asked her with that bossy look on his face. Tumango siya. “Opo. Nakahanda na po ‘yong pagkain niyo sa mesa,” aniya. “Mabuti pa pong kumai

