LUNA | CUARENTA Y CINCO “DO you have to go?” tanong ulit ni Sebastian sa kanya. Nakaharap siya sa isang maliit na salamin na nakasabit sa dingding. Inaayos niya ang suot na piluka. Nakasuot din siya ng kulay dilaw na bestida. At sa ilalim ng mahaba niyang suot, nakatago ang isang taser, tranquilizer gun at ang kanyang dagger. Nang makuntento siya sa naging hitsura niya, lumingon siya sa binata. Nakaupo ito sa sofa. Naka-on man ang T.V pero sa kanya nakatuon ang atensyon nito. “Yes. Saka first day ko sa trabaho kaya kailangan kong pumasok,” sagot niya rito. “Nai-activate mo naman na ‘yong mga nilagay natin sa bahay niya. ‘Wag kang lalabas ng bahay, ha? Watch his every move through your computer.” “Fine.” Padabog na sinandal nito ang likod sa sandalan ng sofa. “But I need you to wear yo

