bc

Ang Dayuhang Maputla

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
HE
kickass heroine
vampire
like
intro-logo
Blurb

Zach Kiel Wisconsin & Trisha Mona Lee

chap-preview
Free preview
1
ERRORS AHEAD 'Isang Babae nanaman ang naireportang namatay kani kanina lamang, natagpuan ito sa madilim na bahagi ng maribiles street ng alas dyes ng gabi. Ayon sa nakakita pasado alas nuwebe ng maglakad sila pa uwi ng barkada nya ng makita nila ang nakadapang biktima, malamig na bangkay nadaw ito ng makita kaya agad nilang naireport sa pulisya ang nangyare..' "Jusq ayan lumalaganap nanaman ang mga krimen dito sa Bayan natin." komento ni Wynona habang nakikinig ng balita sa radyo. Napangiwi naman si Klea na kumuha ng manga sa plato na hinihiwa ni Klaire at agad tinuslob sa toyo na may asukal. "Ahy oo nga pala, narinig nyo ba ang bago ding issue dito sa bayan?" biglang sabi ni Klaire at sinamaan ng tingin si Klea ng kumuha ulit ito ng bagong hiwa ng mangga. "San dun? Maraming issue sa bayan natin, lugar ng mga chismosa nakatira dito" singit ni Trisha na ngayo'y busy sa pag punas ng bagong hugas na plato at baso. Nasa karenderya kasi sila ng uncle ni Trisha napatambay yung tatlo dahil wala daw silang ginagawa ngayon wala ding pasok kaya kung saan saan lang sila tumatambay. "Yung ano! Yung bagong lipat dun sa Karkila street diba may abandonadong bahay dun?May nakatira na daw dun. Ang sabi sabi pa ng ilan nung dumating daw yung mga bagong salta ay nagkakaroon na daw ng mga kahindik hindik na krimen sa lugar natin." kwento ni Klaire na ikinatigil ni Klea at Wynona. "Hala oo narinig ko den yun! Sabi nila mga aswang daw siguro yung mga yun." ani nj Klea habang ngumunguya pa. "Yun nga daw sabi ni mama, baka daw mga kampon ng kulto daw yun, aruuu ayoko na talaga magpagabi kung gagala man ako." sabi nman ni Wynona. "O baka bampira yun! Narinig nyo yun? ahy shuta dipala kayo fan ng mga ganurn. May sugat daw ang biktima sa leeg! Dalawang tuldok." kwento ni Wynona. Napatawa nalang si Trisha sa katangahan ng mga kaibigan at isa isang nilagay sa tray ang mga baso. "Ulol, naniwala naman kayo sa ganyan?! Isa lang din yan sa mga alagad ni Senku na hayok sa babae. Sinasabi ko sainyo sa libro lang merong ganyan. Wag kayo magpapaniwala sa ganyan mukha kayong tanga." huling sinabi ni Trisha bago tumalikod at inasikaso ang bagong customer. "Ang taray naman, bawal nabang magpapaniwala sa bampira? malay mo yun napala ang da one ko ehe tulad nung sa libro." kinilig na ani ni Wynona na ikinangiwi ni Klea at Klaire. "Dream on girl.." sabay na sabi ng dalawa na ikinasimangot ni Wynona. "Hoy, hoy umalis nanga kayo dito nagsisidatingan na mga customer ko wala silang maupuan." singit ni Trisha ng makita na may paparating na mga kalalakihang nagtatrabaho sa construction na malapit lang sa kanila. "Luh ang bad, customer din naman kami ah kaibigan mopa." saad ni Klea na ikinasang ayon ng dalawa. "Sige customer pala kayo, bayaran nyo yung inuutang nyong hindi nababayara--" "Dejoke lang frenny eto nanga aalis na kami, kitakits nalang tayo mamaya dun sa kabilang tambayan bwhahaha." bawi ni Klea sa sinabi bago tumayo, nakasimangot namang sumunod yung dalawa. "Pautang pa isa ha pangsawsaw sa mangga." pahabol ni Wynona at kumuha ng Isa sa mga nakaplastic na hipon bago tumakbo palayo. "HOY! anak ng." sigaw ni Trisha at napailing nalang sa kaibigan. Natatawang kumaway nalang si Klaire at Klea sa nangyare bago din sumunod paalis Kay Wynona. "Hi Trisha, libre kaba mamaya? Date tayo." napalingon si Trisha sa nagsalita at tinaasan ito ng kilay. "Sige papayag ako, kapag nabayaran mo tong utang ng kaibigan ko." sagot niya sa lalaki at hinarap sa lalaki ang anim na pahina na listahan ng utang Ng kaibigan niya. Napangiwi nalang ang lalaki bago tumahimik. "Dimo kaya diba? pwes umalis ka sa harap ko't baka maibuhos ko sayo tong mainit na sinabawan." sigaw nya pa bago nilagpasan ang nakasimangot na lalaki at inentertain ang mga bagong dating na customer. "Kaya hanggang ngayon single ka parin Trisha e ang hard mo masyado sa mga manliligaw mo HAHAHA" biglang sabi ni Delo, uncle ni Trisha, na ngayon ay tumatanggap ng order ng mga customer. "Pake ko sakanila, diko kailangan ng jowa uncle bata pa din naman ako marami paakong inaalala maliban jan.(humarap sa isang customer)--isang serve nito? sige2." sabi niya bago sinilbihan ang bumibili. "Sabagay, baka malintikan ka ng ama mo't lumipad pa yun agad dito pauwi para suntukin yang magiging jowa mo.Bwahahaha" natatawang saad ng uncle nya na ikinangisi niya. Di na sila muling nag usap pa dahil sa dumaraming kustomer at ginawa nalang ang mga dapat gawin. Nag iisang anak lang si Trisha, ang ina nya'y patay na at tanging ama niya nalang ang kumakayod sa ibang bansa. Nakikitira siya ngayon sa bahay ng Uncle Delo niya (kapatid ng ama niya) at bilang bayad sa pagtira nya ang pagtulong niya sa carenderia nito. Mga ala una na ng kumonti na ang mga tao sa karenderya kaya agad ng nagpunas ng mga lamesa si Trisha para pagkatapos ay makaalis na siya. Pagkatapos magpunas ay nagpaalam na siya agad kay Delo na umalis. "Uncle, alis na ako. Yung utang ng mga kaibigan ko ibawas mo nalang sa allowance ko." sabi niya at sinuot ang maliit na bag na nuoy nakasabit bago kumaway paalis ng hindi inaantay ang sagot ng matanda. "Batang to talaga, konti lang din naman utang nong mga kaibigan niya." bulong ni Delo at tinabi ang pera pang allowance niya. -- "Shaaaa!!!" sigaw ni Klaire at nilapitan agad si Trisha ng makita siya nito. "Oh?" ikling sagot niya at lumuhod para tanggalin ang tumusok na thumbtacks sa tsinelas niya. "May buko juice dun daliii!! Nandun din sina Fourth at Third." natutuwang Sabi ni Klaire at pilit na hinihila si Trisha. 'Tangenanang babae to, awit nasugat paa ko buti nalang natanggal na.' isip ni Trish at sumunod nalang. "Yo!" sabi ni Third ng makita si Trisha, tumango lng siya at binigay kay Klea ang thumbtacks na hawak bago kumuha ng buko juice. "Aanhin ko to?" tanong ni Klea na hindi naman pinansin ni Trisha. "Hoy Trisha Rhys! May utang kapa daw kay Senku!" Sigaw ni Fourth na ikinalingon niya. "Kaya pala nandito kayo. Ge sabihin mo sakanya pupunta ako bukas dun sa tambayan niyo, may gagawin paako ngayon e." sagot niya lang at hinanap si Wynona. "Gaga kaba? Ngayon mo nga daw bayaran. Pag yun pinaghihintay mo malilintikan ka talaga." dagdag pa ni Fourth na ikinatango lang ni Trisha, tila walang pakialam sa sinabi ng lalaki at uminom. "San si Wynona?" napaekis ang kilay ni fourth dahil sa inignora siya ng babae at naiinis na nagsigarilyo nalang. "Bahala ka jan pag ikaw nalalagot kawawa kang babae ka." bulong niya na di naman pinansin ni Trisha. "Umuwi pa si Wyn,natatae daw bwhahahah!" sagot naman ni Klea na ikinaubo ni Third at Klaire. "Ew gross, bibig mo talaga Klea! Kita ng kumakain yung tao." singhal ni Klaire na ikinatawa lang ng babae. "Arte neto, hoy bayaran moyan ah ikaw nagsabing libre mo to!" "I know right duh!" "Puntahan ko muna si Wyn manghihiram lang ako ng bike, may pupuntahan pa ako." sabi ni Trisha at nilagok ang buko juice na iniinom. "Hoy babae! Dimo talaga pupuntahan si Bossing?" singit na tanong ni Fourth kay Trisha ng makitang paalis na si Trisha. "Sabi ko bukas nga diba? Bingi lang? Sige na aalis na ako." naiinis na sagot ni Trisha at sinamaan ng tingin si Fourth na ngumuwi lang "Wahhh pasama Shangggg! Teka bayaran kolang to." nagmamadaling saad ni Klaire at dali daling lumapit muna sa matandang nagbenta ng buko. "Halaaa ako din! Pasama!" singit ni Klea at agad sumunod sakanila. "Tamo tignan mo tong babaeng to, pag yan malintikan ni senku kawawa yan." Sabi ni Fourth kay Third at tinapon sa sahig ang sigarilyong hawak bago inapakan. "Sus baka si Senku pa ang malintikan dahil sa babaeng yan? hahahaha. Tara nanga manghunting paako ng chikas." natatawang sabi ni Third bago naglakad paalis. Nagtaka ma'y sumunod nalang si Fourth. --- "HOY WYNONAAAAAA! LUMABAS KA SA LUNGA MO AT HARAPIN MO KAMI!" napatakip nalang ng tenga si Trisha at Klaire sa lakas ng sigaw ni Klea. "Pota hinaan moyang sigaw mo Klea, sampalin kita ng dos por dos e." banta ni Trisha na ikinatawa ni Klea at nag peace sign. "Tao pooo!" tawag ni Klaire. Maya maya Lang din naman ay lumabas ang kapatid ni Wyn na may hawak pang barbie. "Po?" sabi ng bata ng makita sila. "San ate mo? ilabas mo yun kung ayaw niyang pasabugin ko bahay nyo." banta ni Trisha na ikinalaki ng mata nilang tatlo. "Gaga kaba? Tinakot mo yung bata buang ka talaga." sabi ni Klaire, tumawa lang naman si Klea at naiiyak na tumakbo papasok yung batang kapatid ni Wyn. Nagkibit balikat nalang si Trisha at napatingin sa pintuan ng bahay nila Wyn nang lumabas ang hinahanap nila na nakatuwalya pa sa buhok. "Potaccayo sino nagpaiyak sa bata? suntukan nalang oh!" sabi ni Wyn, tinuro naman nung dalawa si Trisha na ikinangisi ni Wyn at nagpeace sign. "Dejoke lang, kunin mona yung bike nasa likod lang dun." bawi ni Wyn at tinuro kay Trisha kung san nakalagay ang bike na pag mamay ari nito. "San kanga pala pupunta Trish?" tanung ni Klea kay Trisha na ngayon ay naglakad na papunta sa likuran para kunin ang bisikleta. "Ah may inutos lang si Delo--AT wag kayo sumama." Banta ni Trisha na ikinatawa at tango nila. Alam na nga kasi niya mga iniisip ng mga ito. "Naks alam na alam, sige na umalis kana chupi! Tinatakot mo nalang lagi kapatid ko pag pumupunta ka dito e." Sabi ni Wyn na ikinatawa ni Trisha at kinindatan ang kapatid ni Wyn na ngayo'y nakadungaw sa pintuan nila. "Babush Shang, taraaaa Klaireee makikain tayo dito kila Wyn." Klea. "HOY! Wao ha kung makapasok sa bahay parang pagmamay ar---" sigaw ni Wyn at wala ng nagawa ng makapasok na ang dalawa. "May pandesal Kleaaa! dalii,timplahan mo kami ng kape Wyn mwah thanks." rinig ni Trisha na sigaw ni Klaire na ikinatawa niya. Napailing nalang si Trisha at agad na pumunta sa likod para kunin ang bike. Nang makuha ay sumakay na ito bago pumadyak paalis. Dire diretso lang siya sa daan at di pinapansin ang mga matang nakatutok sakanya. Sikat si Trisha sa bayan nila dahil sa angking ganda, kaangasan at arogante nitong ugali kaya lagi nalang may tumatawag, nanliligaw at napapatingin sakanya kapag dumadaan siya kahit san man sya pumupunta. "Triiii! saktong sakto lang dating mo girl!" biglang sabi ng isang seksing babae na medyo matanda sakanya ng tatlong taon pagkarating niya sa kanyang destinasyon. "San na Rei?" tanung agad ni Trisha sa babae na nagngangalang Rei. "Eto nanga teka langs, hindi manlang nangangamusta oh ikaw nanga nangungutang e hmpf." irap na sabi ng babae at may kinuhang pera sa dibdib nya. Di naman ito pinansin ni Trisha at naiinip na hinintay ito. "O ayan 30,000. Sa katapusan ng buwan moyan bayaran ulit! Kung hindi mo yan mababayaran sa katapusan iinteresan ko yan ng dyismil." masungit na sabi ni Rei at binigay kay Trisha ang pera na ngayon ay ngumisi lang. "Maasahan ka talaga Rei, yung usapan natin ah wag mo kalimutan." sagot ni Trisha at binilang pa muna ang pera bago tinanguan ang babae tsaka umalis. "Naku2, mana ka talaga sa ama mo. Dipa nagthank you hmp!" maktol na bulong ni Rei at irap na tumalikod sa umaalis na ngayong si Trisha. -- Nilagay ni Trisha ang pera sa bulsa at plano na sanang umuwi kaso napatigil nalang sya ng makitang madadaanan niya ang abandonadong bahay na kanina lang ay pinag usapan nila. "May nakatira nanga.." isip niya ng makitang may nakabukas na ilaw sa loob ng bahay nito at nagpatuloy din sa pagpadyak. Malapit na niyang malagpasan ang bahay ng bigla nalang may pagewang gewang na sasakyan ang papalapit sa direksyon niya. Napamura siya sa bilis ng pangyayari at nanlaki nalang ang mata niya sa gulat dahil alam niyang huli na para umiwas pa. Dahil nga biglaan iyon ay nanigas na lamang sya sakanyang kinauupuan at ilang sandali lang ay bigla nalang siyang natumba at tumilapon dun sa may damuhan. "Ahh potangina." bulong na mura nya ng makitang may malaking gasgas siya sa braso. "Okay kalang?" isang malalim na boses ang nagsalita sa gilid niya, nakaekis ang kilay na napatingin sya dito at hindi agad nagsalita. Hindi pamilyar sakanya ang lalaki at di din naman siya marunong kumilala ng mga mukha na nakatira sa bayan nila kaya di niya nalang ito pinansin at kinuha iyong panyo niya sa bulsa para itali sa sugat. "Damn." rinig niyang bulong sa lalaking kaharap bago tumalikod. *Dugsh* Napalingon sila ng sabay sa narinig at napangiwi ng makita iyong kaninang sasakyan na pagewang gewang ay bumangga sa isang poste. Lumabas dun si manong pogs na duguan at pagewang gewang na tumatawa habang may dalang bote ng alak. Napakuyom nalang si Trisha sa asta ng matanda at dahan dahang tumayo. "Gago to ah, may gana pa siyang tumawa e muntik na siyang makasagasa!" galit niyang isip at handa na sanang sugurin ang matanda ngunit napatigil nalang siya ng may humawak sakanyang pulsuhan. "Wag mo nang patulan pa, parating na ang mga pulis. Umuwi kana." mahinahon na sabi ng lalaki, galit na iniwakli niya lang ang braso nito at sinamaan ng tingin bago tinignan ang matanda na ngayo'y nakahiga na sa damuhan at wala ng malay. Maya maya din lang ay dumating nadin ang police at ambulansya. Napasaltak nalang si Trisha bago tinalikuran ang lahat at sumakay na sa bisikletang dala. "Kaya mo ba?" biglang tanung nung lalaki na di nanaman niya ulit pinansin. "Ang sungit naman nito." nakangiting isip nung lalaki at magsasalita pa sana kaso agad na tumalilis paalis na si Trisha ng di manlang nagpasalamat o sumagot manlang sa lalaki. ---------------------

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.2K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.3K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook