Mula sa 'di kalayuan ay nakamasid lamang sa dalawang kampo na nag-uusap ang isang estranghero at tila naliligayahan ito sa mga nakikitang tagpong iyon. Bakas sa mga mukha nito ang isang nakakalokong ngiti habang kinukuhanan na rin nito ng litrato mula sa 'di kalayuan ang pag-uusap ng dalawang nakatatandang mga pinuno ng sindikato. Minsan kapag sinusuwerte ka nga naman. Ang Akala ng mga ito sa kan'ya ay tanga s'ya at walang sinabi kung kaya't madalas s'ya ng mga itong baliwalain kahit na 'ba sa kabila pa ng mga pakinabang na idinudulot n'ya sa Bluefox ngunit noon lang iyon. Ngayon ay tila nakahanap s'ya ng dahilan para pabagsakin na ang mga ito. "Taro Lorie..kung inaakala mong ikaw lang ang magaling at tinitingala ng lahat ay nagkakamali ka..pababagsakin kita at kasama ng ama mo ay ako nam

