Hinigit muna ni Astrid ang hininga at sandali niyang pinakiramdaman ang ina kung nasa ayos na 'ba itong kalagayan at baka naman pupuwede n'ya na itong tanungin ng tungkol kay uncle n'ya na matagal na rin namang nababanggit nito at ng daddy n'ya noon. Tumikhim muna s'ya at nagpasiya muna siyang kumain muna sila nang magkasama bago n'ya ito kausapin mamaya. Palagi na lang sa tuwing kaharap n'ya ito ay naroon na lang ang pangamba na paano kung bigla na naman itong atakihin ng sakit nito? Mahal na mahal talaga ng nanay n'ya ang daddy n'ya at iyon ang isa sa mga nakikita n'yang dahilan kung bakit hindi s'ya dapat masyadong magpakontrol sa pag-ibig dahil ayaw n'yang tulad nito, ay hindi n'ya rin makayang harapin ang bukas kung saka-sakali mang bigla siyang iwan ng taong minamahal n'ya. Kinagat n

