Alas-diyes pa lang ng umaga ngunit kaliwa't kanan na ang naririnig na mga yabag ng mga paa sa malawak na sala ng mansyon nila Gaurav. Abala ang lahat dahil ngayong araw niya itinakda ang pinakaunang pagpupulong na kasali ang halos lahat ng representative ng organisasyon nila sa bawat rehiyon sa Pilipinas. Oo, tama ganoon na kalawak ang sakop ng organisasyon nila kung kaya't masasabi n'yang hindi talaga madali ang lahat lalo na kung para sa kagaya niyang puro pagpapasarap lang at pakikipag karera ang alam. "Brix? Come over here please." tawag n'ya sa tauhan nang dumaan itong minsan sa harapan n'ya habang kasalukuyan siyang nag-v-vape at ang nililikha niyang may karamihan ding usok ang siyang nagsisilbing tila fog sa loob ng malawak n'yang espasyo sa mansyon n'yang iyon. Sandali itong humi

