Sa Progress house building, kung saan nakatakdang magkita-kita ang lahat ng mga miyembro ng organisasyon na siyang pinamumunuan ni Gaurav aka Helix ay halos nasa Fifty percent lang din ang mga dumalo ayon sa attendance nang tignan iyon ni Helix. Iyon ang pangalan ng building dahil ayon na rin sa pangalan nito, ay dito nila pinagdarausan ng pagtitipon ang progress ng samahan nila kung mayroon man. Hindi tulad ng namayapa niyang ama, hindi s'ya nakasuot ng pormal na naaayon sa protocol nila. Puno ng kompiyansa niyang ihaharap ang sarili n'ya sa harap ng mga naglalakihang mga miyembro na mula pa sa ibang bansa ang ilan, at ang iba naman ay pawang may mga matataas na katungkulan sa lipunan. Yes, this is how their organization was built and sustained. They are being patrionized by some elite m

