Helix stood up straight and held his chin up with confidence. Lahat ng mga mata ng mga taong nasa loob ng malawak at malamig na kuwartong iyon ay sa kan'ya lahat nakatuon. Hindi n'ya na inintindi ang mga bulungan na naririnig n'ya sa paligid na nagsimulang umugong nang marating n'ya nang tuluyan ang maliit na entablado roon at sandali siyang tumikhim at hinintay na matapos ang mga nagbubulungan. Alam niyang ang ilan sa mga ito ay pawang mga puppet lang naman ng ama n'ya noon ngunit hindi s'ya nakasisiguro sa katapatan ng mga ito sa kan'ya. Walang ano man datos na i-di-discuss sa mga ito ay alam naman n'ya kung bakit sila ngayon naroroon. Pormal na niyang ipakikilala ang sarili n'ya bilang pinakabatang pinuno ng samahan nilang iyon. "Everyone may I have your attention please.." umpisa n'ya

