Nagising si Gaurav na pawis na pawis s'ya at hinahabol n'ya halos ang hininga n'ya. Sa muling pagkakataon ay dinalaw siyang muli ng isang panaginip na noon ay inakala niyang hindi na siya muling dadalawin sa balintataw n'ya. Itinuturing n'ya itong parte na ng pagkatao n'ya dahil sa palagay n'ya ay may kinalaman ang panaginip n'yang iyon sa mga nawawala n'yang parte ng pagkatao at alaala n'ya. Sa panaginip n'ya ay hinahabol sila ng mga armadong kalalakihan at isinasakay s'ya sa isang sasakyan. May kasama s'ya ngunit hindi malinaw sa kan'ya kung sino ito at kung saan sila dinala ng mga ito ay hindi n'ya rin alam. Basta ang alam n'ya ay takot na takot s'ya. Sa parteng iyon ng panaginip n'ya ay saka naman s'ya magigising na. "Buwisit! Ano 'ba talaga ang ibig sabihin ng panaginip na 'yon? Ano

