Kunot ang noo na pinasadahan nang tingin ni Astrid ang lalaking bumati sa kan'ya sa kabilang mesa. Maayos naman ito manamit, baka isa ito sa mga empleyado sa tapat kung saan balita n'ya ay may isang notorious din na miyembro ng isang sindikato ang may negosyo roon. Tulad ng iba niyang mga nalalaman ay pulos tip lang naman din iyon at pawang walang mga proven proof na may katotohanan 'yon. Isa sa mga mahirap sa trabaho nila ay ang makahanap ng totoong witness. Narito s'ya ngayon sa café kung saan nagtatrabaho part time ang pinsan n'ya na si Dani para sana pasyalan n'ya ito at kamustahin na rin ang pakiramdam nito. Nagmadali kasi itong pumasok sa trabaho kahit na 'ba kakalabas lamang nito ng ospital at pinayuhan ito ng doktor na mag-bed rest muna sana. Nagtataka niyang binalingan nang su

