KABANATA 25 DIRE-DIRETSONG naglakad si Senyorito Raphael sa loob ng lugar, hindi alintana ang maraming mga matang nakatutok sa kaniya, at nang mahanap ang akin ay hindi pa nakaligtas sa ‘king paningin ang lalong pagdidilim ng mga mata nito. “Oh! My! Gosh!” OA na tinakpan ni Teresa ng kaniyang palad ang kaniyang bibig saka nanlalaki ang mga matang nilingon ako. Si Marceline naman ay panay na ang sipa ng binti ko sa ilalim ng mesa. “Uy! Nandito talaga siya! Tumupad si Senyorito sa usapan!” Nagkabiruan si Archie at ang mga kaibigan niya sa gilid, hindi ko narinig kung anong sinabi niya pero naghiyawan habang nakangisi ang mga kaibigan niyang puro siraulo saka kaniya-kaniyang nag-apiran sa isa’t-isa na parang umaayon sa gusto nila ang mga nangyayari. “Tangina, exciting!” Dinig kong dugton

