KABANATA 26 NANGINGINIG pa rin ako sa nerbyos kahit na noong natapos na ang gulo sa loob ng beerhouse kung saan kami inimbitahan ni Archie sa selebrasyon daw ng kaarawan niya. Hindi ko naman inasahang ganoon ang mangyayari, alam kong siraulo si Archie pero hindi ko alam na sasagarin niya pala ang pasensya naming lahat ngayong gabi. Pinanood kong kumaway ang mga kaibigan ko nang maibaba na sila ni Senyorito Raphael sa harap mismo ng mga bahay nila kung saan sila inihatid pauwi. Nang buhayin niya na ulit ang makina ng sasakyan ay humarap ulit ako sa kaniya mula rito sa kinauupuan kong passenger’s seat. “Paumanhin talaga, Senyorito, kasalanan kong nadawit ka pa sa gulo—“ Pinutol niya ang sinasabi ko nang mag-angat siya ng kamay sa direksyon ko at senyasan akong tumigil muna saglit, saka n

