Naabutan ni Heart si Khendrey, nang malapit na ito sa kotse. Hinawakan niya ito at pinaharap sa kanya. "‘Cous, what was that? Bakit ganoon ang sinabi mo sa kanila kanina?" nagtatakang tanong ni Heart kay Khendrey. Subalit imbes na sumagot ay tumalikod lang si Khendrey at binuksan ang pinto ng kotse. Pumasok agad siya at sumunod naman sa kanya si Heart. "Khen? Tell me what's wrong? Bakit ka nagkakaganyan?" muling tanong ni Heart dito. Iyon naman ang naabutan ni Zhennie sa kanilang dalawa. Bumaling si Khendrey kay Heart at tiningnan ito nang seryoso. "Kilala mo ako, kapag ayaw ko sa isang tao, ayaw ko talaga. Nais lang nilang makipaglapit sa atin dahil sa isang dahilan at hindi ko pa masasabi saiyo kung ano iyon. Kaya simula ngayon, huwag ka na munang lalapit sa kanila," seryosong sabi n

