Kinabukasan, hindi pa rin nagsasalita si Heart. Kinakausap naman siya ni Zhennie, ngunit tumatango lang ito bilang tugon. Ngunit si Khendrey ay hindi niya magawang tingnan o pansinin man lang. Nang araw na iyon ay nakita ni Khendrey na nakaayos si Heart. Kaya naman nilapitan niya ito upang kausapin. "May lakad ka?" tanong niya dito. "Yes," tugon ni Heart na hindi man lang tumingin sa kanya at deretso lang ang lakad palabas ng Mansion. Akmang susundan niya ito, nang pinigilan siya ni Zhennie. "Hayaan mo na, ako nang bahala sa kanya," nakangiting sabi ni Zhennie at tumango sa kanya. Napabuntong-hininga na lang si Khendrey at tumango kay Zhennie. Sinundan na lamang niya nang tingin ang mga ito. Naglakad siya patungo sa may upuan at umupo doon. Nanatili siyang ganoon, habang napapaisip s

