Nang dumating na ang pagkain na in-order nila ay nagsimula na rin silang kumain. Habang si Jarryl naman ay nakamasid lang sa lalaking nasa labas. Mayamaya ay napansin niyang pumasok ito sa restaurant, kung nasaan sila. Nakita niyang umorder din ito ng pagkain at pasulyap-sulyap lang sa kinaroroonan nila. "Bakit pala hindi niyo kasama si Khendrey?" mayamaya ay tanong ni Cindy kay Heart. Napatingin naman si Jarryl dito at nakita kung paano napaismid si Heart. Napatitig tuloy siya dito at hindi maiwasang mapangiti, habang nakatingin dito. Kaya naman bahagyang napasulyap si Heart sa kanya, bago sumagot sa tanong ni Cindy. "Uhm, hindi kasi kami nagpapansinan at ayoko muna siyang makausap," sagot ni Heart at inalis ang tingin kay Jarryl. Napapailing na lang si Jarryl, habang sumusubo ng pagk

