KHENDREY'S POV Kinabukasan... matapos kong maghanda ay lumabas na ako sa kwarto. Kahapon nang makauwi sina Heart at Zhennie ay hindi ko na nagawa pang kausapin sila dahil naging abala na ako sa pagsasanay sa training area. May training area ako dito sa mansion at paminsan-minsan ay kasama ko si Zhennie o di kaya si Heart. Ngunit nanonood lang si Heart sa akin at laging pinipuri ang sarili ko, dahil magaling daw ako. Tsk! Maaga na rin akong nagpahinga kagabi at hindi ko na nagawang kumain ng hapunan. Kaya naman ngayon ay maaga akong nagising, upang makakain. Pababa na sana ako nang hagdan, nang makita kong bumukas ang pinto ng kwarto ni Heart. Nakita ko siyang lumabas at nakaayos na rin. Napatingin siya sa akin at bahagyang natigilan. Akala ko ay hindi na niya ako papansin, pero nagulat na

