Nang makarating kami sa school at mai-park ni Zhennie ang kotse ay sabay na kaming naglakad tatlo. "Oonga pala ‘cous, nag chat sa akin iyong isang kaklase natin. Sinabi niya sa akin na subrang nainis raw saiyo si Clarise. Tsk! Siya na nga itong itinulak ka sa pool siya pa ang galit? Hanep di ba?" napapailing na sabi ni Heart sa akin. "Gano'n ba? Hays, bahala siya kung ano ang gagawin niya," tanging sabi ko. "Naku, huwag munang patulan, dagdag stress lang iyan saiyo," saad naman sa akin ni Zhennie. "Basta wala siyang gagawin, walang magiging problema," tanging sabi ko sa kanila. Napatingin naman sila sa akin at napailing na lang. Panay ang usapan namin, ngunit napahinto ako nang madaanan namin ang bulletin board at muli kong nakita ang mukha ng babaeng sinasabing ina ni Izyll. Napaka

