As I take in the island's splendor, I am reminded of how inextricably linked we are to its enchanting power. I have a deep and profound respect for this location. The beauty lies in the harmonious details. This is the kind of area where one might find peace and renewal after having given up hope due to the overwhelming pressures of everyday life.
Belleza Maria is more than simply an island... it's a vast paradise filled with brilliantly hued gems. I can't believe I've been living under a rock and haven't heard of this hidden gem. The city's atmosphere will remain the same; it was merely improved upon.
In the middle of the island's settlement, which consists mostly of tiny shops and restaurants and a port, is an oasis of tranquility and affection.
It's exciting and novel, albeit exhausting, to celebrate my birthday this summer while also having workshops and seminars.
I'm preparing for the school year.
Sa magiging taon ko pa lang ay nakikita ko na kung gaano kahirap ang gawain ng isang public teacher.
Lalo na sa aking biyahe pa ng bangka dahil nakatira ako sa bahay ng Auntie ko na nasa Maria Averia ang bahay. Malapit doon ang sakayan patawid sa isla ng Belleza Maria.
Kaya noong kalagitnaan ng taon ay kailangan kong kumuha ng apartment na malapit sa escuelahan.
It's a wooden apartment similar to an old Spanish house; may tatlong palapag ito. At halos ganito ang itsura ng ibang bahay rito, presko dahil nga kahoy ang madalas na material na gamit.
Mula sa bintana ng aking kwarto at makikita ang napakalawak at ang kagandahan ng isla Belleza Maria. Tanaw ko ang malilit na burol na pinupuno ng natatanging kulay luntian gawa ng mga puno't halaman, habang nababanaag ko sa likuran ng burol sa malayo ang asul na karagatan, napakaswerte ko dahil nasa ikatlong palapag ako.
Malawak ang nasasakop ng aking natatanaw madalas maberde at mabundok ang nakikita ko sa bintana ng aking kwarto na siyang likuran ng apartment, ang harapan naman nito'y kalasada at iba pang kabahayan. Mabango ang hangin sa lugar na ito, masasabi kong napakalusog nang ganitong lugar.
Magkakalayo ang mga kabahayan dito na kalaunan ay nakasanayan ko.
I'm taking my master's studies in Jordan every weekend. I have been doing enormous things, but I really do love what I'm doing.
This year too, surprising news spread like a wildflower. A popular transfer student has been the talk of the town for almost a week.
Para bang isang artista kung pag-usapan.
Surprising indeed, because it was that boy who demeaned my attitude and now sits in my class with those very insulting eyes.
Napapailing na lamang ako nang magsimula na akong mag-discuss.
I don't have an advisory. I am a floating teacher. I'm teaching MAPEH, though the only sport I know is dancing, specifically ballet.
My first choice of major was mathematics. Ngunit nandoon ang babaeng ipinalit ng ex ko, kaya lumipat ako. Napakababaw at nakakatawang dahilan para sa isang tulad kong pinlano na ang kinabukasan, mula sa kursong kukunin at sa trabahong gugustuhin.
That was, I guess, the most rebellious thing I did in my entire life.
Nakakatawang isipin na minsan akong napunta sa sitwasyon kung saan kailangan ko pang lumipat ng ibang majorship na imbes lumipat ng school ay kinuha ko ang kursong Secondary Education major in Kinesiology.
Dahil lamang sa rason na habang iniiwasan ang girlfriend ng ex ko masisilayan ko naman ang aking ex na kinababaliwan ko ng ilang taon.
And I can tell I still like him.
At hanggang ngayon umaasa akong isang araw, papadalhan niya ako ng mensahe, o kahit man lang kamustahin ako.
I don't anticipate spending much time in Belleza Maria. Although it has all the makings of a paradise, this location seems too cramped for my expectations. Although I probably seem negative, this is a great location to build your resume and get some real-world experience.
Pagkatapos ng apat na taon ay susundan ko ang ginagawa ng kapatid. Mag-apply ako bilang mobile teacher na kung saan maari akong magpupunta sa kung saan-saang lugar para magturo. At upang maaari na rin akong maging guro sa United Nations Organization.
"Do you need anything?" tanong Ko.
Ilang linggo na ang lumipas nang magsimula ang bagong quarter.
Nagsilabasan na ang lahat ng estudyante matapos ko na i-dimiss ang class, pero siya ay nandirito pa rin. Oo, iyong binatang tingin pa lang ay parang binabastos na ako, na para bang mas mababa akong nilalang kaysa sa kanya.
Niyaya na nga siya ng mga kaibigan niyang sabay na kumain ng lunch ngunit pinauna niya ito.
"You are the coach? How can I join the team?" tanong agad ng binatang may tunog pagmamataas. Oh, this kid! How can he gain so much courage to belittle someone who's older than him?
Napataas ang kilay ko at napapailing na lang sa pag-uugali niya. Talagang iba siya kung mang-approach. Hindi ko gusto kung paano niya akong kausapin, walang galang.
"You ask Sir Salvadico. Hindi ako ang coach ng basketball team," sabi kong nagliligpit na ng gamit. Dahil ayaw kong kausapin ang ganitong batang may pangit na pag-uugali.
"I'm planning to join the swimming team," sabi nito kasabay pa nang paglapag ng palad niya sa aking mesa. Kaagad kong napansin ang mahahaba niyang daliri.
Umiling na lang ako sa sinabi niya dahil ayaw kong mag-aksaya ng energy sa isang tulad nito.
"Come on, Miss, where's your tongue?" Saad nito na kahit hindi ko siya tinitignan alam kong napatawa siya bilang pang-iinsulto sa akin.
"Sayang ang height mo, sa basketball team ka na lang nang maipanalo naman nila next year ang school natin at makapasok pa ng Palarong pambansa," ani ko sa walang kalatoy-latoy na sagot.
"Odd, height is an advantage in swimming too, don't you know that?" aniya, na akala niya hindi ko alam.
Alam ko, ayaw lang kita maging atleta sa team ko!
Nang mailigpit ko na ang mga gamit ay lumabas na ako.
"May gagawin pa ako," sabi ko.
Mabilis ang paga-yos niya ng tayo at kinuha ang dala kong laptop, libro, at mga papel na ipinasa nila kanina.
Wow! Sa isang linggo niya sa paglipat sa quarter na ito ay ngayon niya lang naisipang maging mabait na estudyante.
Kaya ang dala ko na lang ay iyong 'big book' na ipinagawa kong project sa kanila tungkol sa mga health issues at mga maaring gamot.
Dahil nga may background ako sa Red Cross kaya clinic ang naging faculty ko at dahil rin may kinalaman sa Health ang majorship na aking natapos.
Iyong matandang nurse ang kasama ko sa clinic at madalas, wala siya lalo na't napapadalas na rin ang pagkakasakit niya ngayon, naghahanap na rin ang escuelahan ng bagong nurse.
Pero dahil nga napakalayo at dagat ang tatawirin para marating ang lugar na ito, kaya hanggang ngayon wala pa ring nag-aapply.
"You think I fit in the basketball team and not in your team? Why?" muling niyang tanong habang naglalakad kami papuntang clinic.
Napapansin ko ang mga mata ng bawat studyante nadadaanan namin na matapos akong batiin ay mas napapatitig sila sa kasama ko.
Napapakamot ako sa aking sentido sa kanyang sinabi, hindi pa rin siya tapos sa usaping 'yon? Hindi ko na siya sinagot hanggang sa makarating kaming clinic.
Again, I don't want to waste my reserved energy; I still need to comply with a lot of things today.
Nailagay niya na lahat ang mga gamit ko sa aking mesa, matapos akong mauna sa kanya sa loob ng clinic.
"Miss, come on, when are you planning to answer me?" tanong nitong napapansin ko na ang pagkainis niya.
Well, kung sana umalis na lang siya baka pwede ko nang sagutin ang tanong niya, hindi sa ngayon, ayaw kong mainis.
"Oo. Matangkad ka—"
"Your team needs tall athletes too," saad niya.
"Jalandon," sabi kong humalukipkip. "Ikaw ang bahala kung saan mo gustong sumali." Tinanguan ko siya at tinakip ang balikat niya, bilang patunay na nais ko na siyang umalis riot.
"So, where do you think I fit in, then? Basketball or swimming?" muli niyang tanong, ang kulit na bata.
"Basketball," saad ko matapos kong bumuntong-hininga.
Gusto ko nang tapusin ang usapan namin at may mga gagawin pa ako. "Mag lunch ka na," pagdi-dismiss kong muli sa kanya.
"Masakit ang ulo ko. I want to rest." Tumingin siya sa kama ng clinic nang sabihin niyang magpapahinga siya.
One of the good things in this school is that they have almost complete facilities in the clinic aside from being extra-curricular friendly.
May tatlong clinic beds, tatlong wheelchairs, and dalawang dental chair at mga gamot. Wala nga lang physician o nurse dahil pahirapan makakuha na magtatrabaho sa ganitong lugar.
Nanghihina na ang nurse ng school na ito. Hindi rin naman ako pwede dahil nagtuturo ako, kaya'y minsan naiiwan ang clinic ng walang tao.
"Kumain ka muna bibigyan kita ng gamot, mag-sulat ka sa log book," utos ko.
"I'm not going to take any med gusto ko lang magpahinga," sabi nito.
Tinitigan ko siya nang nanunukat dahil sa sinabi niya. Mukha kasing hindi ako kumbinsido na masakit ulo niya, mukhang gusto niya lang talaga ata na magcutting.
"Hindi ako magka-cutting, magpapahinga lang ako," aniya na para bang nababasa niya ang iniisip ko.
"Kaya nga uminom ka ng gamot—"
"Oh, please, miss, shut up; you eat your lunch instead," saad niya, na akala mo boss ko siya.
Napanganga ako, he told me to shut up and commanded me as if he were older than me.
"Nakakalimutan mo atang rumespeto, Jalandon," sabi kong nagtaas ng kilay.
Hindi por que kamag-anak siya ng mayor at mayaman ang apelyido niya ay matatakot din ako sa kanya tulad ng ibang teachers dito.
"And you also forgot how to respect a student, Miss Denieste. I said... I want to rest." Pulido at maangas niyang sagot.
Ayaw kong sisihin ang magulang niya kung bakit ganito ito kung umasta, pero bakit ganito siya umasta?
"Kaya nga pinapakain kita para makainom ka ng gamot dahil may klase ka pa mamaya, Wow? Hindi ako makapaniwalang mababastos ako dahil lang concern ako—"
"Concern ka?" tanong niya at hinarap sa'kin ang buong katawan na kanina lang ay naglilibot ang paningin kung saan-saan.
"Malamang kasi studyante kita," sabi kong napapailing.
"Your student." He smirked and that confused me more. "I'll buy food, do you want anything?"
Napapakunot na talaga ang noo ko sa mga inaasta niya, hindi na bago sa akin na may ugaling nakakainis talaga ito, pero ang bilhan ako ng pagkain, para saan? Suhol, dahil magka-cutting siya?
"Kumain ka na lang, may pag—" hindi niya na ako hinintay na magsalita dahil nakalabas na siya ng clinic.
Pagbalik niya ay may dala na siyang mga pagkain na siguradong hindi ko mauubos.
"Ubusin niyo yan, Miss," sabi nito.
At nagsulat na ng pangalan sa log book matapos kong mabigyan ng gamot.
Napailing na lang talaga ako nang lumabas siya.
Tinanguan niya ako na para bang tropa kami. Hindi lang naman siya ang ganoon, pero mas malala lang talaga siya kung makipag-usap sa akin, para bang magk-aedad kami.
Wala siyang galang.