Bakasyon, umuwi akong Manila. Para rin makasama ko ang aking pamilyang magdiwang ng aking kaarawan.
Inabala ko ang sarili sa pagtulong sa tea at coffee shop ng aking magulang, lumalawak na rin kasi ang shops na nabubuksan nila, mayroon na silang coffee and tea store sa dalawang mall dito sa Maynila, at iyong isa ay nasa isang Hotel ng mga Lezade.
Tinatangkilik iyon ng mga may sinasabi sa buhay, gusto kasi nila ang lasa non, ang supplier namin ay galing pa sa Don Salvador at Marcellano mula sa taniman ng mga kape roon.
My parents began purchasing coffee and tea estates in Visayas and Mindanao with the intention of exporting coffee and tea.
Nasa Davao nagpapari ngayon si Kuya Mauricio kaya doon kami nagbakasyon ng isang linggo kasama ang bunso naming si Merlion, sa aming magkakapatid sigurado akong ito lang ang magmamana ng lahat ng pamamahala sa munting negosyo namin.
Hindi mawawala sa uso ang kape kaya maayos naman ang takbo ng negosyo ng pamilya. Dahil sa mga negosyong ito nakapag-aral kami, dahil din sa negosyong ito ay hindi na namin kailangang magtrabaho at kumayod nang maigi para suportahan ang pamilya.
Masyadong makatao at makabayan ang magulang ko kahit na tumutol minsan ang mama ko sa aking napiling trabaho, iyon ay dahil napakabata kong umalis agad sa poder nila.
Merlion is currently in his second year of college and is majoring in Business Administration. In his younger years, he was a pleasant kid who, at times, exhibited an unpredictable grumpiness.
Mabait na anak at kapatid rin ito, pero medyo masungit nga lang talaga sa ibang tao. May lahing hapon ang aking ama kaya nadala nila ang pagkagiliw nito sa mga tsaa, noong ikinasal sila ay mas ginusto ng ina ko na dito sila tumira.
Sa pagtayo ng negosyo ay nakahanap sila ng magandang supplier na hindi na nila kailangang pumunta o magpadeliver ng beans mula sa Vietnam para kanilang coffee farm, masagana Don Salvador sa mga taniman ng kape.
"Kami naman ni Ate, papa... kayo na lang palagi, minsan na nga lang 'to umuwi e," reklamo ni Merlion.
Palaging si papa at mama kasi ang kasama ko sa litrato at siya ang tagakuha.
Tumawa ako. "Come here, Lion!"
Sinamaan niya ako ng titig, sa totoo lang kaugali niya ang isang leon, tahimik, mapagmasid, masungit at mabangis, ganoon ang ugali niya.
"Mama, let's take a photo here!" paanyaya ko.
Sa edad ng ina ko ay nagagawa niya pa ring panatilihin ang kanyang posturang pang-beauty queen.
A stunning woman, endowed with charisma and intelligence, won the man's affections.
My parents initially worked together in a modest firm, during which time they encountered many challenges and even declared bankruptcy on multiple occasions, but, despite this, they were still able to successfully run the company. Sometimes, a woman is the driving force behind a man's success.
Naniniwala ako sa kasabihang iyon. "Ikaw na lang talaga ang inaasahan kong magbibigay sa amin ng apo Marion, pero... pumunta ka agad sa probinsiya," biro ng aking ama.
"Merlion can do that," saad ko, habang nakangisi.
"He is too young, stop with the conversation with grandchild's, Aki," komento ni mama, napailing na lang kami dahil ayaw niyang makisabay sa aming biruan.
"Why, mama, is having a grandchild something you don't want? Because they have so much on their plates, Ate Marciana and Marionelia are unable to provide you with that, and it should come as no surprise that Kuya Mauricio also cannot... ako lang ang makakapagpasaya sa bahay natin." Ngumisi si Merlion para mas asarin ang ina namin.
"Son, you make me so proud. When you get your degree, would you consider giving us a grandchild?" That's possible, right?" pangagatong pang muli ng amin ama.
Natawa ako nang napairap na lang si mama, si ate Marciana ay twenty-eight years old na at mukhang wala pa nang balak na mag asawa pa, si kuya Mauricio dahil syempre pari, hindi na siya pwede... at dahil naiisip kokng bata pa ako sa bagay na iyon. Si Merlion na lang ang pag-asa, natawa ako sa naiisip ko dahil si Merlion ang bunso.
"Masyado pa akong bata papa, when I turn twenty-two or three, let's talk about this again." Ngumisi si Merlion.
Naging masaya ang bakasyon namin, pagbalik namin ng bahay ay nagkataong nakita ko si- Caen, oh! My forgotten ex.
"Hi tito, hi tita," bati nito, mayroong napakatamis na ngiti.
Paanong hindi kami magkikita e, pareho lang naman kami ng subdivision na tinitirhan.
"Hi Shian, nakauwi ka pala ngayon?" tanong niya nang bumaling sa akin.
Wow? First ever words after the breakup, huh? Dati magkakasalubong kami pero kahit 'Hi' di magawa, umaasa nga akong baka sa mensahe ay magawa niya, pero hindi.
"Oo, pero pabalik na rin akong Guimaras," sagot ko.
Lalabas kami ngayong pamilya para sa isang family lunch.
Dumaan kasi siya sa gate na nakabukas para palabasin ang sasakyan namin na si Merlion ang nagmamaneho. Kaya nakita niya kaming nakatayo sa gilid ng garahe.
"Ow!" Tumango ito mayroon pa sana itong itatanong ngunit kinausap siya ni papa ako naman ay si mama ang kinausap ko.
Maayos naman ang naging hiwalayan namin. He told me he had fallen out of love with me and that I had to set him free. How could I force him to stay in a failing relationship? He found a new girl after two months, and I was going to start my second year of college that year.
Kaya noong kuhaan na ng majorship, doon ko nalamang English major ang ipinalit niya sa akin, kaya naging bitter ako at iba ang major na aking kinuha.
Naging bitter ako, pero sobrang mahal ko siya na hindi ko kayang hindi ko siya makita sa escuelahan, tatlong taon bago ko naisip na napakatagal kong magmove-on.
Mabilis lang ang naging bakasyon ko dahil kailangan na naman naming pumasok para sa preparasyon sa panibagong school year na ito. At ngayong nandito na ulit ako ay naalala ko naman siya.
'Kamusta na kaya ang batang 'yon? Tapos na kaya siya sa phase ng buhay niyang minsang nagka-crush sa teacher niya?'
He once told me he loved me. But what does a seventeen-year-old know about love?
Maybe he only mistook admiration for affection.
Love is too deep a word.
You dive in and you drown.
It's not something that comes easy or early.
Love is a deep word, so deep that when you dive through it, you can't get back up. Love is a lovely emotion that will drown you, love is not an easy term, love does not come earlier in our lives.
Kung sa tingin ko na umibig ako sa batang edad tulad niya noon, hindi iyon pag-ibig. Iba ang pag-ibig sa paghanga at pagkakagusto. Maaaring ang nararamdaman ko kay Caen ay hindi pa maaring matatawag na 'pag-ibig'. May nararamdaman ako sa kanya, mapait, malalim at matindi na hindi ko kayang makita siyang may bago ngunit handa akong masaktan masilayan lamang siya.
Pag-ibig na ba ang nararamdaman ko sa kanya?
May pagkakaiba ba ang pag-ibig sa pagmamahal? Pano ko masasagot iyon?
Sa preparasyon, may brigada escuela, kasama na rin sa preparasyon doon ang pagpapaenroll ng mga estudyante, sa panahong iyon ay mas marami akong nakilala, iyong mga kamag-anak at kaibigan ng mga estudyante at ng mga co-teachers ko.
Mayroon itong mga binata at lalaking nagpasaring lalo na iyong dati kong nakilala pa noong Disyembre na kamag-anak at nakilala ko sa piyesta nang ipinasyal ako ng mga estudyante at atleta ko. Pero hindi ko iyon sineryoso mukhang mga biro lang naman ang nga iyon, masyado akong abala sa mga gawain.
Ang naging malapit kong co-teacher ay si Ma'am Kara Locob, sir Makoy at Sir Salvadico, nakilala ko rin ang asawa niyang dating teacher sa Guimaras pero naging housewife na ngayon at nag-aalaga sa grocery store nila sa bayan.
The classes started in the second week of June. Sa taon ding ito ay nakilala ko na ang bagong nurse na si Cathy, galing siyang Ilo-Ilo, maganda at medyo mataray dahil nagpaparinigan sila ni Kara, parehong mataray.
Buong Hunyo at Hulyo hindi pumasok si Axis, ang alam ko ay nag-enroll siya ngayon pero hindi siya pumasok, sa ikatlong linggo ng Agusto na siya pumasok at ang dami niyang dapat na habulin.
Hindi naman porke mayaman at may kaugnayan siya at ang kamag-anak niya sa escuelahan ay may special treatment dapat sa kanya. Sinusuma ko sa isip ko kung ilang buwan lang ba ang dumaan at bakit parang ang laki na naman agad ng ipinagbago niya?
His aura changed. Mas palakaibigan at palangiti na siya ngayon. Hindi ko na siya nakikitaang nagsusungit o nag-iisa, palagi na siyang may kasama at hindi lang mga lalaki, pati rin babae.
Magkaibigan na sila ni Caspian, pati iyong mga nasa higher level ay kabigan niya na, kahit anong baitang ata na nakakakilala sa kanya ay binabati niya na.
Malaki ang ipinagbago niya, isa na roon ang tuluyang pag-iwas niya sa akin.
Dapat matuwa ako, pero may parte sa isip ko na hindi.
Tahimik lang siya sa klase ko, iilangin niya lang ako sa mga titig niya pero hindi niya na ako lalapitan pa.
Kung noon ay nakikipag-agawan pa siya sa mga dadalhin ko pabalik ng clinic, ngayon ay hindi na.
Kakaiba nga lang ang araw na ito, pagpasok ko ng clinic ay mga hagikhik ni ma'am Cathy ang narinig ko habang nakapatong ang mga siko niya sa mesa at nakadungaw kay Axis.
Sobrang lapit nila sa isa't-isa, at kaunti na lang ay sisilip na ang cleavage ni ma'am Cathy sa suot niyang polo shirt na nakabukas ang tatlong butones.
Tumikhim ako, pero hindi nila ako pinansin. Nilingon ako ni ma'am Cathy.
"Dito muna si Axis, masakit daw ang ulo niya," sabi nito at tumayo upang alalayan ang siko ni Axis.
Medyo magkalapit ang mesa naming dalawa, kaya nakikita ko kung paano silang dumaan sa harap ko para alalayan si Axis sa kama.
I shook my head, the alibi was so familiar, might he try something different this time? Well, I'm almost certain that I'm correct, he's a kid, his feelings can change, and it was too superficial.
Bawal itong ginagawa ni ma'am Cathy sa halos araw-araw niyang pinapanatili si Axis sa lunch break namin, bawal na bawal iyong halatang may kung anong mayroon silang dalawa.
"Ma'am, I don't wanna intrude, but..." Natahimik ako at naisip kong ibahin ang sasabihin ko. "P'wede po bang 'wag tayong magpapasok ng estudyante kapag lunch break?"
Tinawanan ako ni ma'am Cathy. "Ma'am, ang estudyante kapag nagkasakit walang pinipiling oras." Ngumiti siya.
Napatango ako dahil tama siya, siya naman ang bahala sa mga estudyante na iyon.
I really don't like it when they appear to be having an affair in the clinic... It looks painful.
Buong linggo, iwas ako nang iwas.
At tila siya rin.
Parang may pader na biglang itinayo sa pagitan naming dalawa.
Pag dumadaan ako sa corridor, lumilihis siya ng tingin.
Pag nagkakasalubong kami sa school park, nagkukunwari siyang may hinahanap sa cellphone.
At pag tinatawag ko siya sa recitation, saglit lang tumitingin, tapos mabilis na nagsasalita, parang gusto na agad matapos.
Nagtataka ako kung may nagawa ba akong mali. O baka nga, totoo 'yung sabi nila — that people outgrow their emotions when they finally learn what boundaries mean.
Pero kahit anong tanggi ko sa sarili ko, ramdam kong may mali. May malamig sa pagitan namin, na hindi ko alam kung dapat bang ikagalak o ikalungkot.
Gabi na, uwian na ng mga estudyante. Ako naman, gaya ng dati, naglakad papunta sa paborito kong lugar... yung rock formation sa likod ng apartment, tanaw ang dagat.
Doon ako madalas magpahinga tuwing gusto kong tumahimik.
Nang mga oras na iyon, kalmado ang alon, at ang araw ay dahan-dahang lumulubog sa dagat, nag-iiwan ng mga gintong pilas ng liwanag sa ibabaw ng tubig.
Hinugot ko ang earphones ko, pinatugtog ang Vivaldi's "Four Seasons", Summer – Adagio.
Ilang sandali lang, nakalubog na ako sa musika.
May kakaibang lungkot sa kombinasyong iyon, ang tunog ng biyolin, ang alon, at ang amoy ng alat sa hangin.
Parang nagkakaisa silang tatlo para ipaalala sa akin kung gaano kabilis lumilipas ang mga sandaling hindi na maibabalik.
Tahimik akong nakatingin sa abot-tanaw nang biglang may marinig akong kaluskos sa likod.
Akala ko'y hangin lang.
Pero nang tumingin ako sa gilid, may umupo sa tabi ko.
At halos tumigil ang t***k ng puso ko.
"Miss," mahina niyang sabi.
Si Axis.
Naka-white shirt lang siya, at mukhang galing sa practice.
Ang buhok niya'y medyo basa, at sa gilid ng mukha niya, tinatamaan ng huling sinag ng araw.
Tila mas mature siya ngayong tinitigan ko... pero sa mata, may lungkot pa ring hindi ko mabasa.
"Hi." Ang tanging nasabi ko, pilit na kalmado.
"Hindi bawa umupo rito?" Ngumiti siya nang pilit, parang sinusubukang gawing biro ang tensyon.
"Hindi naman," sagot ko. "Tahimik lang kasi rito, gusto kong magpahinga."
Tumango siya, at ilang segundo ang lumipas.
Naririnig ko ang click-click ng earphones ko habang tumutugtog pa rin si Vivaldi, pero hindi ko alam kung itutuloy ko ba o tatanggalin.
Kaya tinanggal ko rin, at ipinatong sa hita ko.
"Miss, can I be honest?" bigla niyang sabi, at sa tono ng boses niya, parang may laman.
"Hmm?"
"Nagtatampo ako."
Napalingon ako sa kanya. "Ha?"
"Nagtatampo ako kasi... hindi mo man lang ako binati nung birthday ko." Tumingin siya sa dagat, hindi sa akin.
"Wala man lang text. Kahit simpleng "HBD," sana... kahit ganun lang." May ngiti siya pero ramdam ko 'yung kurot sa tono. "I waited, Miss. I really did."
Natigilan ako.
Hindi ko alam kung ano'ng isasagot.
Totoo naman, alam ko birthday niya noon.
Pero pinili kong manahimik. Kasi... ayokong masanay siya.
Ayokong masanay ako.
"Axis..." mahinahon kong sabi. "I'm sorry. Alam kong mahalaga sa'yo 'yon, pero..." Napahinga ako nang malalim, hinahanap ang tamang salita. "...minsan kasi, kailangan kong maglagay ng linya. Alam mo 'yung line na 'pag nilampasan natin, hindi na makakablik sa dati?"
Tahimik siya. Nakayuko, tahimik lang nakikinig.
"You're still too young, Axis. You deserve to experience things your age. Hindi ka pwedeng maging bahagi ng mga bagay na baka pagsisihan mo balang araw."
"But it wasn't like that, Miss," mahinang sabi niya, halos pabulong. "It wasn't like that for me. I just wanted you to remember. Kahit sandali lang."
Ang mga salitang iyon, parang mga alon na dumarampi sa buhangin... mahina, pero may bigat.
Ngumiti ako iyong sinserong ngiti ngunit tipid. "I did remember. I just chose not to say it."
Tumingin ako sa kanya, diretso sa mga matang minsan ko ring pinaniwalaang maamo at totoo.
"Happy birthday, Axis. Late na nga lang."
Tahimik lamang siya.
At sa pagitan ng mga sandaling iyon, narinig ko ulit ang musika ni Vivaldi, sumasabay sa ihip ng hangin.
Pareho kaming tumingin sa papalubog na araw.
Sa kalangitan, naghalo ang kahel at bughaw, parang dalawang damdaming pilit nagsasama pero hindi kailanman magtatagpo.
"Thank you, miss."