
📌 Warning: This content is not suitable for young readers; it contains matured suggestive content and is rated R+18 ⚠️
Gumuho ang mundo ni Kaisha nang matuklasan niyang may malaking pinagkakautangan ang namayapa niyang mga magulang—utang na lalong lumaki dahil noon sa pagbagsak nilang negosyo at sa paulit-ulit na pagpapaospital sa kanyang may sakit na kapatid.
Kailangan niyang makalikom ng dalawang milyon para mabayaran ang isang misteryosong lalaki na nagpapadala ng kanyang sekretarya para maningil. Wala siyang ideya kung saan kukuha ng ganoong kalaking halaga, lalo pa’t halos magsara na ang maliit niyang karinderya malapit sa sabungan dahil sa patuloy na pagbili ng oxygen para sa kapatid.
Hanggang saan siya dadalhin ng paghahanap niya ng malaking pera? Paano kung wala ng tumulong sa kanya? Ang sarili na lang ba ang ibabayad niya sa misteryosong lalaki?
Sikat si Skyler Silvena bilang kuripot at mahigpit na kapitan ng Barangay Sinakulo. Kalkulado niya lahat, maging ang mga proyekto ng mga kagawad at SK members. Kailangan naka-resibo lahat pagdating sa paggamit ng pondo ng barangay. Maingat rin siya sa pag-apruba ng mga proyekto, tinitiyak na pangmatagalan ang pakinabang nito sa mga tao. Dahil sa pagiging mahigpit nito, walang nangangahas na mandaya sa kanyang pamumuno.
Ngunit paano kung isang araw lapitan siya ni Kaisha para humingi ng tulong dito? Pagbigyan niya kaya ito? O sisingilin din agad ngunit hindi na pera ang kapalit kundi ang pakasalan siya. Pumayag kaya ang dalaga?
Itutuloy...

