Kabanata 3

1343 Words
“Tara na Sky—ohh, look who’s here, our beautiful Kaisha. What are you doing here?” takang tanong ni Lei at napatigil sa likod ni Sky. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Siguro napansin niya ang itsura ko ngayon na putikan dahil sa kagagawan ng kasama niya. “Anong nangyari sa’yo? Ba’t putikan ka?” “Itanong mo sa magaling mong kasama,” sarkastikong sagot ko at bumaling kay auntie na palipat-lipat ang tingin sa amin. “Dala ko na po ‘yung order niyong chicken pastil.” “Ah, oo… ipasok mo sa loob,” wika ni auntie. “Excuse me,” papasok na sana kami sa loob nang humarang si Sky. Inangat ko ang tingin sa kanya at sinamaan ito ng tingin. “Problema mo? Hindi pa ba sapat ang ginawa mo sa akin?” inis kong tanong dito. Nagsalubong ang kilay niya at humalukipkip na nakipagsukatan ng tingin sa akin. “Ginawa? Ano bang ginawa ko sa’yo?” Maang-maangan pa talaga siya. Sarap suntûkin. Eh siya ‘tong dahilan bakit maputik ako ngayon. Kung hindi sana niya pinaharurot ang sasakyan niya, hindi mangyayari sa akin ‘to. Humigpit ang pagkakahawak ko sa eco bag at huminga ng malalim. “Wala ho, kapitan. Makiraraan po sana,” kalmadong sabi ko at sinubukan pumasok ulit ngunit hinarang niya ang paa sa daan. Bwisit talaga! Malapit na akong mapuno sa kanya. Nagtitimpe lang talaga ako. “Kapitan… nakaharang ang paa mo.” “Masakit ang binti ko,” nahihimigan ko ang tuwa sa boses niya. I know he’s enjoying it. Kung wala lang si auntie dito, baka nasuntók ko na siya sa sobrang inis pero hangga’t maaari, pipilitin kong maging kalma. “Baka pwedeng hilutin mo?” Malapit na akong sumabóg, konti na lang, at uupakàn ko ‘to. He’s really enjoying teasing me! Asar talaga! “Hindi ba’t paalis na kayo?” mahinahong tanong ko sa kanya, hindi pinansin ang sinabi niya. “O ba’t hindi pa kayo umalis?” Gumuhit ang nakakalokong ngisi sa labi niya. “I change my mind,” tinapunan niya ng tingin si Lei na nakangisi rin ngayon at tila may binabalak na kalokohan. “Magkakape na lang muna kami.” “Tama ka dyan, pinsan.” Ah, magpinsan pala sila, no wonder, parehas may kalas ang utak. “Masarap magkape kapag umuulan.” Dagdag pa ni Lei at natawa nang magtama ang mata namin. Kailangan ko lang magtiis. Magkakape lang sila at aalis din agad. “O siya at pumasok na kayo sa loob. Malamig dito sa labas,” singit ni auntie. “Kaisha, ikaw na ang magtimpla ng kape para sa kanila. Ikukuha lang kita ng damit pamalit. Para kang basang sisiw sa itsura mo.” Napakamot ako ng buhok at pilit na ngumiti. “Sige po auntie,” sagot ko at palihim na sinipa ang paa ni Sky. “Pasok na tayo.” Baling ko sa kaibigan na tahimik lang sa tabi ko. Hinila ko na siya papasok sa loob at dumiretso sa kusina. “Gusto mo rin ba magkape?” tanong ko kay Chine nang hindi ito nililingon. “Ipagtitimpla kita. May gatas naman dito.” “Kahit ano, hindi naman ako maarte sa kape,” sagot nito at kinuha sa akin ang dala kong eco bag. “Yung dalawa kaya, anong kape ang gusto nila?” “Malay ko sa kanila. Aarte pa ba sila? Eh bisita lang naman sila ni auntie. Kapal naman ng mukha nila kung magde-demand pa sila.” Matabang kong sabi at kumuha ng limang baso mula sa lalagyan ng pinggan. “Asar na asar ka naman? Tuwang-tuwa tuloy si kapitan sa’yo,” natatawa siyang lumapit sa akin. “Nagka-kape naman yata sila ng kapeng barako pero may naisip ako, bakit hindi mo bawian?” sabay akbay niya sa akin. "Si kapitan?" Napatingin ako sa kanya at hindi ko gusto ang ngiti niya ngayon na para bang may binabalak. “Paano?” pero ito kinagat ko rin ang binabalak niya. Gusto ko lang makabawi sa pang-aasar sa akin ng kapitan na ‘yun. “Anong balak mo?” Ngisi-ngisi siyang kumindat sa akin. “Imbes na asukal ang ilagay mo sa kape niya, gawin mong asin. Pareho namang puti ‘di ba? Magdahilan ka na lang na napagpalit mo.” Nagningning ang mata ko sa sinabi niya. Ang galing ng naisip niya. “Sige, gagawin ko.” I was excited kasi finally makakabawi na rin ako sa asongot na kapitan na 'yun. Nagtimpala na ako ng kape gamit ‘yung asin. Hindi ko na nilagyan ‘yung kay Lei dahil mabait naman siya kumpara sa pinsan niyang bwisit. Nang matapos, nagkatinginan kami ni Chine at ngumisi ng nakakaloko. “Kaisha, may tinapay dyan!” sigaw ni auntie kaya hinanap ko agad. Hinain ko sa isang tray ang kape at tinapay na para sa kanila, at dali-daling bumalik sa sala. Nagpaiwan si Chine sa kusina dahil nasarapan sa tinapay kaya doon nilantakan. Nadatnan ko si auntie at Lei na nag-uusap sa kabilang bahagi ng sofa habang si Sky ay seryosong nags-scan ng mga papel na nakaipit sa isang clipboard. “Ito na ‘yung kape,” sabi ko nang makalapit sa kinaroroonan niya. Yumuko ako at inilapag ang tray sa lamesa. “Ilagay mo lang dyan,” walang kabuhay-buhay nitong sabi. “Salamat.” Pumintig ang tenga ko sa sinabi niya. Nagpasalamat ba siya? Hindi nga? Napatanga ako ng ilang segundo sa kanya at mukhang napansin niya dahil tumingin siya sa akin. “Anything else?” kunot-noo’ng tanong niya. Ganito ba siya kapag may tinatrabaho? Ang seryoso niya ha at ang sungit din! Nagbawi ako ng tingin. “Ah, wala, e-enjoy.” Mabilis akong tumayo at tumalikod. “Tss, woman. Di na lang aminin na nag-gwapuhan sa akin.” At ang kapal ng mukha niya para sabihin ‘yun. Aaminin kong gwapo siya pero hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya! Umikot ang mata ko at diretsong naglakad pabalik ng kusina. “Oh ba’t hindi maipinta ang mukha mo?” salubong sa akin ni Chine. “Inasar ka na naman ba?” Tumango-tango ako. “Lagi naman. Ang yabang pa.” Natawa siya. “Dyan nagsisimula.” Tumigil ako sa paglalakad at sinamaan siya ng tingin. “Pati ba naman ikaw, Chine? Give me a break please.” Inakbayan niya ako habang tumatawa ng mahina. “Biro lang. Tara sa sala nang makita natin ang reasksyon niya.” Aya niya. Napangisi ako. Nagtatalo ang kaba at excitement ko sa mangyayari. Handa na rin ako sa idadahilan ko. Bumalik kami sa sala at tumambay malapit sa bintana at pakunwaring nag-uusap habang nagkakape. “Kaisha, look…” nguso niya kaya agad kong nilingon ang tinutukoy niya. Napamaang ang bibig ko nang makita kong iinumin na ni Skyler ang kapeng ginawa ko para sa kanya. Ito na! Malapit na sa bibig niya! Ngunit nabura lahat ng excitement namin nang may tumayo sa harap namin. “Kung anuman ang nilagay niyo sa kape niya, hindi rin niya malalasahan,” sabay kaming napatingin ni Chine sa nagsalita at napalunok. Si Lei na seryosong nakatitig sa amin. “Wala siyang panlasa.” Mabilis kaming napaayos ng tayo at tarantang napa-iwas ng tingin. “W-Wala naman kaming nilagay,” defensive kong sabi. “Tara sa kusina, Chine?” “S-Sige… may ide-deliver pa naman tayo,” dahilan nito at naunang maglakad. “HA-HA-HA tumila na rin pala ang ulan.” Susunod na sana ako sa kanya nang biglang may humawak sa aking siko. “Bakit hindi mo tikman ang ginawa mong kape para sa akin?” Kabadong akong humarap sa nagsalita at si Skyler nga na madilim ang tingin sa akin. “Bakit ko titikman? Eh iyo naman ‘yan?” sinubukan kong bawiin sa kanya ang siko ko ngunit ang higpit ng pagkakahawak niya ro’n. “Kaisha, I’m warning you, anong nilagay mo sa kape ko?” tiim-bagang niyang tanong, nagbabaga ang mga mata sa galit na para bang napakalaking kasalanan ang ginawa ko. Shiit! Pwede bang tumalon sa bintana para tumakas?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD