Nang makauwi sa amin, tahimik kami habang paakyat ng hagdan. Pero ramdam ko, hindi niya ako bibitawan hanggang hindi malinaw ang lahat. Pagpasok namin sa kwarto ko, ako na mismo ang nag-lock ng pinto. Sumandal ako sa likod ng pinto, pinikit sandali ang mga mata. “Rogue...” basag ang boses ko. “Sabihin mo ulit sa akin. Bakit?” Huminga siya nang malalim, pinisil ang sinturon niya, pero hindi ako tiningnan agad. “Hindi ko ginusto ang paghalik niya sa akin. Hindi ko pinlano. Hindi ko hinanap. Hindi kami nagkabalikan. It just happened, Alonna." Tumingin siya sa akin. Diretso, ang mga mata parang nangungusap. “Alonna, wala na siyang halaga sa akin. I-Ikaw, ikaw ang gusto ko." At sa pagitan ng galit, sakit, at bigat sa dibdib ko, may parte pa rin ng puso ko na lumambot sa sinabi niya. Da

