CHAPTER 5

1886 Words
"Ikaw, JJ. Ikaw ang bubuntis sa akin." Saad ko kay JJ na halatang gulat na gulat sa sinabi ko. "Sira ka talaga, Alec. Magtigil ka nga dyan. Takot man ako sa commitment pero hindi naman ako yung tipo ng lalake na tatakbuhan ang responsibilidad ko kung sakaling may mabuntis akong babae." Ani ni JJ na seryosong nakatingin sa akin. "Wala ka namang tatakbuhan dahil wala ka namang magiging responsibilidad sa akin. Kumbaga magiging sperm donor lang kita. Kesa naman sa lalakeng hindi ko kilala ako makikipagsex at magpapabuntis. Mas gugustuhin ko na sa kakilala ko na pinagkakatiwalaan ko ang magiging ama ng magiging anak ko. And that's you, JJ." Saad ko. "Ewan ko sayo, Alec. Magtigil ka nga dyan sa mga iniisip mo. Sabi mo nga kanina, of all the places dito pa talaga sa harap ng simbahan mo sasabihin ang mga bagay na yan." Ani ni JJ na tila kinikilabutan sa naririnig niyang sinasabi ko. "Precisely. This is the best place para sabihin ko ito sayo. Saka nagpapakatotoo lang ako. Besides, sabi mo nga matagal na tayong magkabarkada so bakit pa ako magprepretend pa sa harap mo. Tss. Akala ko pa mandin kagaya kita. Hindi pala. Mapagmalinis ka pala." Ani ko sabay tawa. "Hindi ako nagmamalinis. Naninigurado lang ako na seryoso ka sa mga sinasabi mo at sa gusto mong mangyari. Yung ganyang topic kasi hindi dapat ginagawang biro." Giit ni JJ. "Sino ba ang may sabing nagbibiro ako? Seryoso ako sa gusto kong mangyari, JJ. Gusto kong ikaw ang bumuntis sa akin." Giit ko naman. "Bakit ako? Bakit hindi na lang yung latest mong ex-boyfriend?" Tila hindi makapaniwala pa ding saad ni JJ. Hays, mukhang hindi magiging madali ang pagkumbinsi ko sa kanya pero I would still try. "Kasi ikaw, wala kang feelings para sa akin, di ba. Tropa lang tayo. You don't believe in love and marriage just like me. Kung kay Ashton ako magpapabuntis eh tiyak na kukulitin niya akong magpakasal sa kanya. Knowing him, hindi siya papayag na magkaanak kami ng walang kasalan na nangyayari. Eh ayoko nga ng asawa di ba. Anak lang ang gusto ko. Saka put yourself into my shoes, gugustuhin mo bang makipagsex sa taong alam mong nagcheat na sayo?" Ani ko. "Of course not dahil malaki ang possibility na ulitin nya yun." Madiin na sagot ni JJ. "See, pareho tayo ng paniniwala. Kaya pumayag ka na sa naisip ko. Saka hello, hindi ka naman lugi sa akin." Ani ko sabay tayo sa harap ni JJ. Nagpose pose pa ako tulad ng mga models na kinukunan ko ng pictures. "Beauty and brains naman ako, Mr. John Jacob Dela Fuentes." Dagdag ko pa. Hindi naman sa pagmamayabang pero may napapalingon din naman sa akin na mga kalalakihan pag nakakasalubong ako dahil sa height ko na 5'7", balingkitan na katawan, makinis kong balat na morena at straight kong buhok na hanggang balikat. Arci Muñoz morena version nga daw ang dating ko. "Hindi ka din naman lugi sa akin, Ms. Alecxa Jean Ramirez. Heartthrob din naman ang dating ko." Ani ni JJ. Inilagay pa niya ang kamay niya sa ilalim ng baba niya na parang kagaya sa That's my boy. "Yummy din naman ako." Dagdag pa niya sabay pakita ng muscles niya sa braso. Which is true naman. Yumminess naman talaga si JJ. Fit ang pangangatawan. Clean cut. Mabango. Kahawig naman siya ni Paulo Avelino pero moreno version. "Precisely. Magiging gwapo or maganda at matalino ang magiging anak ko pag yung genes mo at yung genes ko ang pinagsama. Saka kilala kita, JJ. I know that you are indeed a good person by heart. Wala ka din namang bisyo. So what do you think? Is it a YES?" Nakangisi kong tanong kay JJ habang naka-thumbs up pa ang dalawang kamay ko. Daig ko pa si Luis Manzano sa game show niya na Deal or No Deal habang nagtatanong sa contestant niya sa harap ni JJ. "It would still be a BIG NO, Alec." Mariing tugon ni JJ. Hays, kainis naman pero hindi pa din ako titigil. Kukulitin ko pa din si JJ. "But why?" Tanong ko sa kanya. "It would be very complicated, Alec. Hindi lang ngayon kundi sa future." Tugon ni JJ sa akin. "Paanong magiging complicated?" Tanong ko kahit alam ko naman ang sagot. Beyond complicated pa nga eh. Ako lang ang makulit. "Huwag mo kasing iconsider lang ang present. You should think ahead. Foresee kung ano ang magiging epekto sayo, sa akin at lalo na sa bata." Paliwanag ni JJ which is the same as what I have foreseen. "Epekto like?" Maang maangan kong tanong. Pashunga effect lang dahil gusto kong marinig ang mga sasabihin ni JJ. "Kaya mo bang harapin ang mga sasabihin ng mga tao about you? Ang panghuhusga nila sayo? Pati na sa anak mo?" Sunod sunod na tanong ni JJ. "Oo. Kilala mo ako. I never care sa mga sinasabi ng ibang tao about sa akin." Full of confidence kong tugon. "Oo nga pero as your child grows, magiging curious siya kung sino ang tatay niya." Saad ni JJ. "My child would not know about you. Sa palagay mo ba hindi ko naisip yang mga sinasabi mo? I have it all planned. Ang kulang na nga lang is kung kaninong lalake ako makikipagsex at magpapabuntis." Pagpopoint out ko sa kanya. "Paano naman ako?" Ani ni JJ. "Anong paano ka?" Tanong ko naman pero expected ko na na ibrobrought up niya yung aspect na yun dahil kilala ko si JJ. Matalino siya. Bago siya magdesisyon, pinagaaralan muna niya ang mga pros and cons. Hindi siya impulsive na kagaya ko. "Sabi mo nga maraming possibilities ang pwedeng mangyari. Paano kung may nameet ako na gusto kong makasama habang buhay. Tapos hindi niya matanggap ang anak ko sayo." Saad niya. Tama na naman siya sa sinabi niya. May personal siyang buhay na maaapektuhan pag pumayag siya sa gusto ko. "You don't have to tell her. Saka if ever naman na pumayag ka at mabuntis mo ako, you won't see me anymore. Ako na mismo ang lalayo sa'yo. Sa inyong lahat." Paninigurado ko naman sa kanya. Isa yun sa option na naisip ko dati pa while planning sa gusto kong mangyari. "Saan ka naman pupunta?" Tila may pagaalala akong napansin sa tono ng pagtatanong ni JJ. "You don't have to know. Once na mabuntis mo ako, I would just disappear from all of you. From your sight. From your lives." Ani ko. Part ng plano ko yun na as in magpapakalayo layo ako. Na ni anino ko ay hindi na nila makikita. "Are you out of your mind ha, Alec?" Tila dismayadong saad ni JJ. Hindi ko mawari kung galit ba siya or naiinis or nalulungkot sa mga gagawin ko. "The last time I check nasa tamang katinuan pa naman ako." Nakangiti kong tugon sa kanya. "Paano si Ate Mhai? Si Neri? Si Yaya Melda?" Tanong na naman ni JJ. "I will be calling them from time to time pero hindi ako magpapakita sa kanila. They will not know about my child or even my exact location." Tugon ko. "What if they insist na bumalik ka?" Panibagong tanong na naman niya. "I won't give in unless it's a matter of life and death. Saka hindi naman ako kawalan sa kanila. They both have a family of their own na nagmamahal sa kanila at masaya nilang kasama. A home where they belong. Ako, I don't have anyone. I just have myself. Kaya please, JJ, anakan mo ako. Have s*x with me. Give me a child who would be my home." Tila nakikiusap kong saad kay JJ. "You're impossible, Alec." Tila disappointed na saad ni JJ. Napahawak pa siya sa noo niya. "Call me anything you want to call me, JJ. Kahit tawagin mo pa akong desperada, baliw or kahit ano but never a puta dahil hindi naman ako nakipaglandian or nagalaw ng kahit na sinong lalake. Wala na akong pakialam basta pumayag ka lang." Wala naman na talaga akong pakialam kahit ano pa ang isipin ni JJ tungkol sa akin. Buo na ang loob ko. Buo na ang pasya ko na magpabuntis sa kanya. "Ewan ko sayo, Alec. Kung ibang lalake siguro ang aalukin mo baka kanina pa kayo nasa motel. Pero ako, kaibigan mo ako. Tropa tayo." Giit ni JJ. "Kaya nga ikaw ang napili ko dahil alam kong you will never take advantage of me. You would not abuse me or blackmail me in the future if ever. Hindi mo ako guguluhin. I would have a peaceful life with my child if ever. Hindi gaya pag sa kung sinong lalake lang dyan ako magpapabuntis. Pagisipan mo, JJ. Hindi ka naman ngayon agad magdedecide. I'm going to give you a month from now to decide and whatever decision you would make, I will accept it. Hindi na kita kukulitin kahit kelan if ever na iturn down mo yung offer ko." Ani ko. "If ever pumayag ako, paano magiging set up natin para mabuntis ka?" Tanong ni JJ. No emotions ang mukha niya kaya it's hard for me to determine kung nacoconvince ko na ba siya. Pero in my heart, parang may spark of hope akong nararamdaman. Hindi naman kasi siya magtatanong kung hindi siya interesado. "We have to spend time together. Live together for a month siguro or more, until you get me pregnant. Tutal nagiisa lang naman ako sa townhouse, doon na lang tayo magstay. Tayo lang ang makakaalam na nagsasama tayo. Kahit si Neri or si Nathan, dapat hindi nila malaman. Maski sina Ate Mhai at Kuya Marcus. Pag nabuntis ako, I would just disappear without a word." Saad ko. "So it means na pag nawala ka, buntis ka na. Na ni ha, ni ho wala kang sasabihin sa akin. Understood na yon?" Tanong ni JJ. Nakatingin kami sa isa't isa. Mata sa mata. "Yes." Ani ko. "No strings attached?" Tanong niya ulit. "Yes, no strings attached." Tugon ko naman. "Bawal tayong ma-inlove sa isa't isa?" Tanong na naman ulit ni JJ. "Absolutely. No falling in love." Full of vindication kong sagot. "As in live together as a couple tayo pero no strings attached and no love involved?" Naniniguradong tanong ni JJ. "Yes pero we have to inform each other kung nasaan tayo habang nagsasama tayo. Saka no dating or flirting with someone else for you muna. We are exclusive for each other habang nagsasama tayo." Ani ko. "Bakit ako lang ang bawal? Ikaw hindi?" Nakakunot ang noong tanong ni JJ. "Kakabreak ko lang di ba. Saka you know me. Lukaluka man ako. Desperada man ako pero hindi ako flirt. Never akong nakipaglandian. Sabi nyo nga ni Nathan di ba, may pagkatomboy ako at modern day Maria Clara." Pagpapaalala ko sa kanya. "Kunsabagay." Matipid na saad ni JJ. "If you want, bago tayo magsama eh pumunta muna tayo sa OB Gyne para masigurado mo na virgin pa nga talaga ako at hindi pa ako nakipagsex kahit kanino saka para maassure ka na hindi ako buntis bago tayo magsama." Alok ko sa kanya. "That's not necessary." Ani ni JJ. "May tiwala ako sayo, Alec." Nakakunot pa din ang noo ni JJ habang nakatingin sa akin. Halatang pinagiisipan niya ang mga sinabi ko sa kanya. Oh, God, sana po pumayag si JJ kahit na may pagkadesperado yung plano ko at gusto kong mangyari. Oh, please po, Lord.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD