CHAPTER 6

1265 Words
Pasado alas dyes na ng gabi ng maghiwalay kami ni JJ kagabi. After ko siyang kulitin about sa offer ko sa kanya na buntisin ako ay nagpaalam siya sandali para bumili ng makakain namin sa isang fast food na malapit sa Cathedral. Gutom lang daw siguro ako kaya kung ano ano ang sinasabi ko. Totoo namang gutom ako pero seryoso ako sa sinasabi ko. Saka alam ko namang gusto lang niyang iwasan yung pangungulit ko sa kanya. Nag-star gazing kami habang kinakain ang burger, fries at sundae na binili niya with softdrinks sa ilalim pa din ng malaking Krus sa loob ng patio. Binili din niya si Manong Ed ng makakain na ikinatuwa ng matanda. Sa totoo lang, ako lang yata yung sa tuwing nakikipagbreak eh nageenjoy at hindi umiiyak right after ng pinagdaanang break up. I owe it again to JJ dahil sinamahan na naman niya ako gaya dati. Nilibang na naman niya ako sa mga kwento niya at mga jokes niya. Hindi ko na naisip yung nangyari sa amin ni Ashton. Kunsabagay kahit naman bully si JJ eh magkasundo naman talaga kami dati pa. Lagi siyang nakasuporta sa akin. Instead na umuwi ako sa townhouse ko sa Guiguinto eh I decided na kina Ate Mhai ako matulog tutal naman hindi naman pinakialamanan nina Ate Mhai yung kwarto ko sa ancestral house namin para daw anytime na gusto kong umuwi sa kanila eh I still have a space na akin talaga kung saan pwede akong magstay. May mga damit at personal things din naman ako sa room ko doon kaya anytime kahit wala akong dalang gamit, pwede akong umuwi kina Ate Mhai. Inihatid pa nga ako ni JJ sa ancestral house namin. Ang sabi ko nga kay JJ ay wag na but still he insisted. Baka daw kasi nakaabang yung tukmol kong ex na si Ashton kaya mabuti pang ihatid na niya ako. Feeling girl naman ako at mahaba ang hair dahil may naghatid sa akin kahit na pareho kaming nakamotor. Hahaha. Feeling may manliligaw lang ang peg. Inaya ko nga si JJ na pumasok muna sa bahay para makapagkape pero sabi niya nakakahiya naman daw kina Ate Mhai dahil gabi na. Baka daw nagpapahinga na sila lalo na si Yaya Melda. Ayaw na daw niyang makaistorbo pa. Kunsabagay hindi din naman ako sigurado kung may kape sina Ate Mhai dahil hindi naman sila umiinom ng kape nina Kuya Marcus at Yaya Melda. Ako lang naman ang mahilig uminom ng kape sa umaga. Bago ako pumasok at maglock sa room ko ay nakipagkwentuhan muna sa akin sina Ate Mhai at Kuya Marcus na parehong gising pa pala or mas tamang sabihin na hinintay talaga nila ang pagdating ko. Nagtext kasi ako kay Ate Mhai earlier na doon ako matutulog. Kumustahan to the max kasi nga hindi ako masyadong nauuwi dito sa bahay nila these past few months. Halos outside Bulacan kasi ang mga events na nacover ko. Meron pa nga sa Baler nung nakaraan. Naikwento ko na din sa kanila yung nangyaring breakup ko kay Ashton at binilinan ko din sila na if ever mapadaan bukas dito si Ashton ay sabihin nila na wala ako tutal sa likod ng bahay ko naman ipinarada yung big bike ko. Ininform ko din sila na magstay muna ako dito for a few days dahil tiyak na pupuntahan ako sa townhouse ni Ashton. Hindi na ako nagulat ng tignan ko ang cellphone ko this morning na maraming missed calls at text messages galing kay Ashton. Kagabi pa naka-silent mode ang cellphone ko noong nasa Cathedral pa lang ako with JJ. Merong LET'S TALK. WHERE ARE YOU? PLEASE ACCEPT MY CALLS. ANDITO AKO SA LABAS NG TOWNHOUSE MO. PLEASE GIVE ME ANOTHER CHANCE. BLAH BLAH BLAH. Paulit ulit lang na text. Manigas ka. Ang kapal ng mukhang humingi ng another chance. Wala akong balak na kausapin ka pa. Ani ko sa isip ko habang dinedelete ko ang mga text niya sa akin. May text din galing kay Neri na nireplyan ko agad. Neri: Hope you're feeling better, Mare. Andito lang ako lagi for you. Mwah mwah.❤️ Me: Thanks, Mare. I know you got my back as I got yours. Love u too. ? May text din galing kay Nathan na nireplyan ko din agad. Nathan: Hanap na lang ulit ng iba. Hindi siya worthy sa kagandahan mo, Marekoy.? Me: Ay, oo naman. Sa ganda kong ito, hindi siya kawalan. Hahaha. Thanks, Parekoy. And lastly, may text din galing kay JJ. JJ: I enjoyed our time together last night. Sa uulitin pero sana hindi dahil sa nakipagbreak ka na naman. Bonding ulit tayo. Road trip if you want. Somewhere outside Malolos. Just the two of us. Only me and you. Ay may ganun, JJ. Bakit parang kinilig ako? s**t! Alecxa Jean Ramirez, bakit nga ba may kilig? First time to na kinilig ka sa text na nareceive mo galing sa isang lalake at kay JJ pa. What's happening, Girl? Anyare sayo, Puso? Why beating so fast? Letsugas! Naguguluhan man ako sa nararamdaman ko ay nagreply pa din ako kay JJ dahil ramdam ko sa sarili ko na gusto kong magreply kay JJ. Me: Thanks for being with me again on my 3rd breakup. Hopefully, last breakup ko na yon. Looking forward sa bonding time natin na sinasabi mo. Sabi mo nga only me and you. Let's go. Outside Malolos would be great. Hope it would be soon. Thank you so much again. ?❤️ Nakangiti ako ng isinend ko ang reply ko na may smiley at heart emoji pa kay JJ. Humiga ulit ako at niyakap ang aking stuffed toy na aso na all these years ay katabi ko sa pagtulog dito sa ancestral house namin. Potek! Kinikilig talaga ako. Naeexcite ako na hindi ko mawari. Pati si puso ko ay tumatalon talon. Ano bang nangyayari sa akin? Mayamaya ay tumunog ang message alert tone ng cellphone ko ng dalawang beses na ng itap ko ay text galing kay JJ at kay Neri. Unang binasa ko yung kay Neri. Neri: Saan ka ngayon? Me: Dito kina Ate Mhai. Magstay ako dito for a week. Reply ko kay Neri. Next ko namang binasa ay ang text ni JJ after kong magreply kay Neri. JJ: Soon, Alec. Magroad trip tayo. Me and you on our big bikes. If you want, DRT or Norzagaray or kaya both. Aba, may place na agad siya in his mind. Gusto ko yang balak niya. Agad ko siyang nireplyan. Me: Sige, ipush natin yan. Gusto ko both. Nature tripping sa Garay at DRT would be great.? Gaya ng emoji sa text ko, pakiramdam ko ay ganoon din ang ngiti ko ng maisend ko ang reply ko kay JJ. Tumunog ulit ang message alert tone ng cellphone ko. Nang makita kong galing kay Neri ang text ay parang nadisappoint ako kasi ang iniexpect ko ay galing kay JJ. Neri: Pag wala kang magawa dyan kina Ate Mhai, punta ka dito sa bahay. Hindi ako pumasok today. Wala din akong lakad. Nagreply din agad ako kay Neri. Me: Text kita pag makakapunta ako mamaya. Nang maisend ko ang reply ko kay Neri ay tumunog ulit ang cellphone ko. Galing kay JJ ang text. Naramdaman kong automatic na napangiti ako. JJ: Excited na akong makasama ka for our us time. Work muna ako. Text you again later. Me and you. Excited na akong makasama ka for our us time. Paulit ulit sa isip ko ang text ni JJ na yon habang may kilig akong nararamdaman sa puso ko. Potek naman talaga. Ano ba nangyayari sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD