CHAPTER 7

1784 Words
Mayamaya ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Nakangiti pa din ako ng tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama ko at binuksan ang pinto ng kwarto ko. Wala akong pakialam kahit na hindi pa ako nagsusuklay. Nakapaghilamos at saka nakapagtoothbrush naman na ako kanina. Basta nakangiti ako at ramdam ko na masaya ang puso ko kahit na in denial pa ang isip ko. Hindi na ako nagulat ng si Ate Mhai ang nabungaran ko pagbukas ko ng pinto. Nakatayo sa tabi niya ang maganda kong pamangkin na si Martina Maxene or Emem na 4 years old na habang nakangiting nakatingin sa akin. "Emem!" Masaya kong sigaw. Agad kong kinarga si Emem at pinaghahalikan ko siya habang naglalakad akong karga ang pamangkin ko pabalik sa kama ko habang humahagikgik naman sa tuwa si Emem dahil nakikiliti siya sa paghalik ko sa kanya. Nakasunod naman sa amin si Ate Mhai. “Tita Ganda, where’s my pasalubong po?” Saad ni Emem nang ibaba ko siya sa kama ko. “Sorry, my pretty Emem. Wala akong pasalubong sayo ngayon dahil biglaan ang pag-uwi ko dito kagabi. Tulog ka na nga ng silipin kita sa kwarto mo pagdating ko kagabi. Ibibili na lang kita mamaya ng ice cream dyan sa tindahan o kaya magpapadeliver na lang ako ng paborito mong fries at sundae or kahit anong gusto mo. Ok ba sayo yun ha, my pretty Emem?” Nakangiti kong saad sa pamangkin kong maganda na mana sa akin.✌️? “Kahit ano po ok sa akin, Tita Ganda. Basta po galing sa inyo.” Nakangiting tugon ni Emem sa akin. "Ang bait talaga ng pamangkin ko at napakasweet. Buti na lang sa Mama mo ikaw nagmana. Hindi sa akin." Ani ko sabay yakap ng mahigpit kay Emem. "Mabait ka din naman po, Tita Ganda gaya ni Mama. Sweet ka din naman po sa amin nina Mama at Yaya Melda." Tugon ni Emem. "Aw. Thank you, Emem." Sagot ko at mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. “Anak, go to Yaya Melda muna. Mag-uusap lang kami ni Tita Ganda mo. Nasa kusina yata si Yaya Melda.” Malambing na utos ni Ate Mhai kay Emem. “Yung bilin ko ha, Em. Pag may naghanap kay Tita Ganda, sabihin nyo wala siya dito. Remind mo din si Yaya Melda ha, Anak, and wag ka ding lalabas. Dito ka lang maglaro sa loob ng house.” Bilin ni Ate Mhai kay Emem na palabas na ng kwarto ko. Si Yaya Melda ay yaya pa namin ni Ate Mhai noong mga bata pa kami. Hindi na siya nag-asawa at kami na ni Ate Mhai ang itinuring niyang pamilya kaya until now ay kasama siya nina Ate Mhai dito sa bahay at yaya naman ngayon ni Emem. “Yes po, Mommy. Bye bye po muna, Tita Ganda.” Ani pa ni Emem. “Later na lang ha, my Pretty Emem.” Ani ko kay Emem at nakangiti siyang tumango sa akin bago tuluyang lumabas ng pinto. “Andyan kanina yung mokong na Ex mo. Hinahanap ka.” Saad ni Ate Mhai nang kami na lang dalawa ang nasa kwarto ko. “Ano ang sinabi mo, Ate Mhai?” Tanong ko. “Syempre, ipinagkaila kita. Alangan namang papasukin ko pa yung Ex mo na yun after niyang lokohin ka. Hindi ako papayag na makita ka pa nung cheater na yun. Buti nga nasabihan ko agad si Yaya Melda kaninang pagkagising ko. Siya pa man din ang nagbukas ng gate. Ni hindi nga pinapasok ni Yaya Melda ng gate si Ashton. Hanggang doon lang siya sa may sidewalk. Sabi ko kay Ashton na hindi ka pa umuuwi dito. Tinanong ko pa nga kung may problema ba kayo? Sabi niya wala naman daw. Hindi ka lang daw niya kasi macontact. Sabi ko pa nga na hindi mo ugali yung hindi ka sumasagot pag tinatawagan ka unless may atraso sayo at ayaw mong kausapin yung tumatawag sayo. Kaya ayun nagmamadaling nagpaalam yung mokong na yun ng marinig yung sinabi ko. Sa loob loob ko, gagawa gawa ka ng milagro tapos hahanapin mo kapatid ko. Maghanap ka sa Bundok ng Tralala. Ang sama nga ng tingin ni Yaya Melda sa mokong na yon kanina. Akala ko pagsasaraduhan ng gate ni Yaya Melda sa mukha niya yung mokong na yon kanina.” Saad ni Ate Mhai at pareho pa kaming natawa. “Thank you, Ate Mhai. The best Ate ka talaga. The best talaga kayo ni Yaya Melda.” Ani ko sabay yakap pa sa kanya. “Ako lang naman ang nag-iisang Ate mo kaya paanong hindi pa ako ang magiging the best Ate mo. Saka nangako tayo kina Nanay at Tatay di ba na hindi natin papabayaan ang isa't isa. Nangako kami ni Yaya Melda sa kanila na kami ang bahala sayo.” Tugon ni Ate Mhai. Hinagod pa niya ako sa buhok ko. "Kahit naman hindi ako nangako kina Nanay at Tatay, hindi naman talaga kita papabayaan kahit anong mangyari." Dagdag na saad pa ni Ate Mhai. “Kaya nga maraming salamat po dahil kahit na matanda na ako at pasaway pa eh hindi mo ako itinatakwil.” Natatawa kong tugon kay Ate Mhai. “Sus, dadalawa na nga lang tayo, itatakwil pa ba kita." Ani ni Ate Mhai. “Pareho lang din naman tayo na hindi maswerte sa pag-ibig dati. Mas masahol pa nga ako sayo kasi ikaw hindi mo iniiyakan ang mga ex mo samantalang ako, hay naku. Buti nga hindi mo ako itinakwil nung mga panahon na halos magkaroon ako ng emotional breakdown dahil sa mga maling lalake sa buhay ko. You stayed by my side until sa narealize ko na all those years nasa harap ko lang pala yung lalakeng tunay na nagmamahal sa akin. Saka hindi ka naman pasaway. Hindi mo pa lang talaga nakikilala yung makakapagpatibok ng puso mo kaya ganyan ang lovelife mo. Hindi naman ikaw ang may problema. Sila ang may problema kasi hindi nila kayang sakyan yung gusto mo. Kung talagang mahal ka nila eh they should wait for you until mag-open up yung puso mo sa kanila. Kaso wala silang patience. Mas gusto nila yung mairaos agad yung init ng katawan nila sa ibang babae kaya sorry na lang sila. Hindi sila worthy na mapasakanila ang maganda kong sister.” Ani ni Ate Mhai. “Pareho tayong maganda, Ate Mhai.” Pagsangayon ko sa sinabi niya. “Syempre naman. Magkapatid tayo di ba.” Nakangiting tugon ni Ate Mhai. “Basta tandaan mo ha, Alec, na kahit may times na mabunganga ako sayo eh mahal na mahal kita. Gusto ko lang na maging maayos ka. At kahit ano pwede mong sabihin sa akin. Maiintindihan kita. Iintindihin kita dahil kapatid kita.” Naluluhang saad ni Ate Mhai. Ako din ay naluha din. “Ano ba yan, Ate Mhai? Masyado tayong madrama ngayon.” Biro ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luha ko. “Namiss lang kasi kita. Dadalasan mo kasi ang paguwi mo dito. Bahay mo pa din naman ito. Tandaan mo yan ha. We are your home.” Saad ni Ate Mhai na tinugunan ko ng pagtango sa kanya. “Mahal na mahal din kita, Ate Mhai. Nagpapasalamat nga ako dahil ikaw ang naging ate ko.” Ani ko at mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. “Di bale Ate Mhai, magstay ako dito ng one week para makabonding ko kayo ni Emem tutal within Bulacan lang naman ang mga booking ko ngayong week na papasok. Bukas mag-mall tayo.” Excited kong saad kay Ate Mhai. “Ay gusto ko yan. Ililibre mo kami ha.” Paglalambing ni Ate Mhai. “Oo naman. Yun lang pala. Kumita kaya ako sa last photoshoot ko.” Tugon ko. "Kung gusto mo ngayon na. Maligo na tayo para mag-lunch out na tayo sa paborito mong restaurant." Aya ko kay Ate Mhai ko. "Bukas na lang para makasama si Kuya Marcus mo. May site visit kasi siya today." Saad ni Ate Mhai. "Sige bukas na lang. Manood tuloy tayo ng sine. Pati si Yaya Melda, isama natin." Ani ko. "Aba mukhang malaki nga ang kinita mo ah. Galante ka ngayon." Masayang saad ni Ate Mhai. "Oo. Nagustuhan nung client ko yung mga shots ko kaya ayun may pabonus." Nakangiti kong saad. "Saka kanino ko pa ba gagastusin yung kinikita ko bukod sa sarili ko kundi sa inyo tutal wala pa naman akong anak. Kaya sulitin nyo na hanggat hindi pa ako nagkakaanak." Dagdag ko pa. "Bakit anak lang?" Gulat na tanong ni Ate Mhai. "Gusto ko anak lang. Ayaw ko ng asawa." Nakangisi kong sagot. "Luka-luka. Paano ka magkakaanak ng wala kang asawa? Boyfriend nga wala ka." Paalala ni Ate Mhai. "Basta, Ate Mhai. Ako na bahala dun." Nakangisi kong tugon kay Ate Mhai na nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa akin. "Alecxa Jean, siguraduhin mo lang sa akin na hindi ka mapapahamak dyan sa mga binabalak mo. Ako, ok lang sa akin kung gusto mong magkaanak ng walang asawa. Pero kung paano ka magkakaanak, siguraduhin mo na walang mangyayari sayong masama." Paalala ni Ate Mhai. "Opo, Ate Mhailyn. Huwag kang magalala sa akin. Yakang yaka ko toits." Ani ko at niyakap ko ulit si Ate Mhai. "Ano ba almusal natin ngayon?" "Syempre ano pa ba kundi ang paborito mong sinangag, pritong tuyo na may kamatis, longganisang bawang at ang paborito mong kape. Maaga kong pinasaglit sa palengke si Yaya Melda para bumili ng mga paborito mo. Minsan ka na nga lang umuwi dito kaya dapat lang na mga paborito mong pagkain ang ihahanda namin ni Yaya Melda." Proud na saad ni Ate Mhai. "The best talaga kayo ni Yaya Melda. Spoiled ako pag andito ako kaya gustong gusto kong umuuwi dito. Love you so much, Ate Mhai." Ani ko at niyakap ko siya ng mas mahigpit. "Magsuklay ka na ng makapagalmusal na tayo. Dali na. Sumunod ka na sa akin sa ibaba." Bilin niya habang tumatayo siya mula sa pagkakaupo niya sa kama ko. "Opo. Susunod na po ako, Nanay Mhai." Ani ko at nagtatakbo na ako papunta sa CR na nasa loob ng kwarto ko. Hay, ang sarap ng may pamilyang inuuwian. Thank you po, Lord, that I have a family that I can call my home. Kahit wala na sina Nanay at Tatay ay may Ate Mhai pa din po ako na uuwian ko at totoong nagmamahal sa akin bukod sa mahal na mahal ko din. May pabonus pang Kuya Marcus, Emem at Yaya Melda. They are my family and my home. Sorry po dahil mali yung sinabi ko kay JJ kagabi na I only have myself coz I have them who loves me so much.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD