"My Pretty Emem, nag-enjoy ka ba?" Tanong ko sa pamangkin ko habang kumakain siya ng inorder niyang ice cream sundae.
"Opo, Tita Ganda, nagenjoy po ako. Ang ganda po nung movie. Thank you din po sa binili mong dress at doll para sa akin." Nakangiting tugon sa akin ni Emem.
Andito kami ngayon sa loob ng favorite restaurant ni Ate Mhai na Ginalingan's sa isang mall dito sa Malolos. As planned, dito kami nagdinner after naming manood ng sine at maglaro sa arcade. Ibinili ko din si Emem ng dress at doll niya bukod sa ipinaggrocery ko na din sila tutal one week naman akong magstay sa ancestral house namin. Kasama namin si Kuya Marcus at si Yaya Melda.
Simula kahapon ng tanghali ay wala na akong nareceive na text or calls galing kay Ashton. Napagod na siguro dahil ni hindi ako nagtext back sa kanya at lagi kong nirereject ang calls niya.
Sumaglit ako kina Neri nung bandang hapon. Isinama ko si Emem para may makalaro si N2 habang nagchichikahan kami ni Neri. Nagcommute lang kami ni Emem dahil ayaw pumayag si Ate Mhai na iangkas ko si Emem sa motor ko kahit na may helmet naman si Emem na suot.
Si JJ naman ay tumawag kagabi. Nangamusta lang sandali at nagpaalam na din. Maaga daw kasi silang pupunta ng Laguna today ni Nathan dahil sa isang meeting with a prospective client na sa Sta. Rosa, Laguna ang office.
"Ang dami mo namang binili para sa supplies sa bahay, Alec." Ani ni Kuya Marcus.
"Sus. Minsan lang naman yan, Kuya Marcus. Saka magstay naman ako sa bahay nyo ng one week." Tugon ko.
"Bahay natin." Pagcocorrect sa akin ni Kuya Marcus. Nagpeace sign ako sa kanya.
"Oo nga, Alec. Sobra sobra to. Baka wala ka ng natirang panggastos mo hanggang sa next booking mo." Saad naman ni Ate Mhai.
"Don't worry, Ate Mhai. Hindi ko naman nababawasan yung idinedeposit mo sa account ko na share ko sa mga renta. Pwede namang doon ako kumuha ng panggastos ko if ever. Besides, may booking naman ako sa Tuesday. Pre-nup shoot sa Baliwag. Then sa Thursday and Friday eh for print ads naman ng isang resort sa San Rafael. Baka gusto mong mag-assistant muna sa akin, Ate Mhai? Hindi available yung nagpapart time sa akin." Alok ko kay Ate Mhai. Nakita kong tumingin siya kay Kuya Marcus kaya tinanong ko na agad si Kuya Marcus. "Pwede bang mahiram ko muna si Ate Mhai, Kuya Marcus?" Malambing kong tanong kay Kuya Marcus.
"Pwede ba, Pa?" Tanong din ni Ate Mhai kay Kuya Marcus. Hands on wife and mother si Ate Mhai simula ng ipanganak niya si Emem though nagonline selling din naman siya ng mga damit. Paminsan minsan ay kinukuha ko din siyang assistant ko pag may mga bookings ako na hindi available yung ibang nagpapart time sa akin.
"Oo naman, Ma. Minsan naman eh makalabas ka ng bahay at ng Malolos." Tugon ni Kuya Marcus.
"Thank you, Pa." Masayang saad ni Ate Mhai sabay halik sa pisngi ni Kuya Marcus
"Yes! Thank you, Kuya." Masaya ko ding saad. "Bukas kukunin ko sa townhouse yung kotse ko para after ng shoot natin eh ipapasyal kita sa Baliwag." Ani ko pa.
"Basta walang inuman ha, Alec. No alcoholic drinks." Bilin ni Kuya Marcus.
"Opo, Kuya. Don't you worry. Kelan ba ako naging bad influence sa aking Ate Mhailyn?" Paninigurado ko kay Kuya Marcus.
"Never naman kaya nga panatag ako pag magkasama kayo ng Ate mo. Saka alam ko namang miss nyo na ng Ate mo ang isa't isa. Miss nyo na ding lumakad ng kayong dalawa lang." Nakangiting tugon ni Kuya Marcus.
"Di bale, mas dadalasan ko ang uwi sa inyo habang hindi pa ako nagkakaanak." Nakangisi kong saad.
"Nagkakaanak? Di ba dapat nagkakaasawa muna?' Nakakunot ang noo na tanong sa akin ni Kuya Marcus.
"Anak lang gusto ko, Kuya Marcus. Never mind the asawa." Giit ko.
"Emem, cover muna your ears, Anak." Ani ni Ate Mhai na ikinatawa namin nina Kuya Marcus at Yaya Melda. Si Emem naman ay tila nagtataka sa sinabi ng Mama niya pero sumunod pa din naman sa pinagagawa sa kanya ng Mama niya.
"Sinabihan ko nga yan, Pa. Basta kako wag lang siyang mapapahamak sa gusto niyang gawin, suportado ko siya kung talagang anak lang ang gusto niya without a husband." Saad ni Ate Mhai.
"Aba e, oo naman. Nakasuporta kami sayo sa kung ano man ang gusto mong gawin sa buhay mo, Alec. It's your life kaya it's your call. It's your shot. Nandito lang kami lagi para sayo basta ipangako mo sa amin na walang mangyayaring masama sayo at hindi ka malalagay sa kapahamakan. Kabisado mo naman kami lalo na ang Ate Mhai mo na kami ang mas nasasaktan pag nasasaktan ka." Paalala ni Kuya Marcus.
"Nasa tamang edad ka naman na, Alec. Alam mo na kung ano ang tama at mas makakabuti sayo. Gaya din ng Ate Mhai mo at ng Kuya Marcus mo, andito lang din ako para sayo." Saad naman ni Yaya Melda.
"Promise, hindi ako gagawa ng isang bagay na ikakapahamak ko." Ani ko at nagcross my heart pa ako sa kanila. "Thank you ng marami at love ko din talaga kayo. Mwah mwah." Dagdag ko pa.
"Can I uncover my ears now?" Tanong ni Emem.
Nag-thumbs up ako kay Emem. "Yes, my pretty pamangkin." Ani ko sabay halik sa pisngi ni Emem. "I love you, pretty Emem."
"I love you din po, Tita Ganda." Tugon naman ni Emem at yumakap siya sa akin.
"Kung gusto mo, Kuya Marcus, eh sumama na din kayo ni Yaya Melda at ni Emem sa photoshoot ko sa Thursday para makapagswimming kayo sa resort habang nagwowork kami ni Ate Mhai." Alok ko kay Kuya Marcus. Nakita kong naexcite hindi lang si Emem sa sinabi ko kundi pati si Yaya Melda. "Makakahingi naman ako ng complimentary entry passes dun sa client ko. Pwede ding magovernight na tayo doon kesa bumalik pa kami ni Ate Mhai the next day. What do you think, Kuya Marcus?" Dagdag ko pa.
"Pwede naman tutal wala pa namang bawas yung vacation leave ko sa opisina. Sige para family bonding na din natin yan." Masayang tugon ni Kuya Marcus.
"Yehey." Magkakasabay pa naming saad with palakpak pa nina Ate Mhai, Emem at Yaya Melda.
"We're going swimming, my Pretty Emem." Ani ko at niyakap ko ulit si Emem.
"Excited na po ako, Tita Ganda." Ani naman ni Emem.
Nakayakap pa ako kay Emem ng bigla akong sagiin sa paa ni Ate Mhai kaya napatingin agad ako sa kanya. Nakita kong tumaas ang isang kilay niya at biglang iginalaw pakaliwa ang ulo niya. It's a sign na kailangan kong tumingin sa bandang kanan ko which I did. Paglingon ko nga sa kanan ko ay nakita kong papasok si Ashton sa restaurant na nakaakbay sa isang babae habang nakahawak naman sa bewang ni Ashton yung babae. Ibang babae na naman ang kasama niya. Hindi iyon ang kahalikan niya nung isang gabi. Aba, ang bilis talagang makamove on ng mokong na to. Kaya pala tumigil na sa pagtext at pagtawag sa akin dahil may iba na agad siyang kalandian. Potek! May ibang reserba pa pala ang mokong. Not that I care pero atleast this is another evidence na tama ang decision ko na wag pansinin ang mga text at calls niya.
Nagtama ang mga mata namin ni Ashton. Halatang nagulat siya na makita kami sa restaurant. Hindi ako umiwas ng tingin sa kanya. Tinaasan ko pa siya ng isang kilay ko. Sigurado din ako na nakatingin si Ate Mhai kay Ashton na nakataas din ang isang kilay at si Kuya Marcus na nakakunot ang noo. Nakita kong bumulong si Ashton sa babaeng kasama niya nang umiwas siya ng tingin sa direksyon namin. Nagaalala namang tinignan ng babae si Ashton na ngayon ay nakahawak na sa tiyan niya. Mayamaya ay nagmamadaling lumabas ng restaurant si Ashton at yung babae.
Natawa kami pareho ni Ate Mhai. "Nakakasakit pala ng tiyan yung tingin natin, Alec." Ani ni Ate Mhai habang tumatawa.
"Maski ako si Ashton eh talagang may biglang sasakit sa katawan ko pag nakita kong masama ang tingin nyo sa aking magkapatid pati na ang pagkunot ng noo ko. Idagdag pa ang masamang tingin ni Yaya Melda." Natatawang saad ni Kuya Marcus. "Kawawang Ashton, nabalis natin." Dagdag pa niya sabay tawa.
"Hindi mo siya kawalan, Alec." Ani ni Ate Mhai.
"Ay, Oo naman, Mhai. Mas maganda si Alec dun sa babae na yon. Wala sa kalingkingan yun ni Alec." Saad naman ni Yaya Melda.
"Kaya loves din po kita, Yaya Melda." Ani ko kay Yaya Melda.
"Walang katulad sa ganda kayong mga alaga ko." Dagdag pa ni Yaya Melda.
"Kayo na ang magaganda." Nakangising saad ni Kuya Marcus.
"Gwapo ka din naman, Pa. Di ba, Alec at Yaya Melda?" Ani ni Ate Mhai.
"Ay, OO naman. Gwapo at ubod pa ng bait." Tugon ni Yaya Melda.
"True. No need to ask. Gwapo ka naman talaga, Kuya Marcus, at loves mo kaming apat na mga babae sa buhay mo." Pagsangayon ko naman.
"Huwag nyo na akong utuin. Mahal ko naman kayong lahat kahit na hindi nyo ako sabihan na gwapo ako." Ani ni Kuya Marcus. "Anyway, kung sa pagandahan lang din naman, walang panama sayo, Hipag, yung kasama nung tukmol na Ashton na yon. Kunwaring hinahanap ka pa kahapon eh naglipat araw lang may kaakbay ng iba. Sarap sapakin nung ungas na yon." Nanggigil na saad ni Kuya Marcus.
"Yaan na natin siya. Huwag nating sirain ang gabi natin sa isang tulad niya." Ani ko.
"Kunsabagay. He's not worth our time and lalong he is not worthy of my sister." Saad naman ni Ate Mhai at naghigh five pa kaming magkapatid.
Tama sila Ate Mhai, Kuya Marcus at Yaya Melda. Hindi worthy si Ashton sa akin. Dalawang magkaibang babae sa magkaibang araw. Letsugas! Akala mo kung sinong gwapo ah.
Hay, JJ, ikaw na lang talaga ang makakatulong sa akin para matupad ang gusto kong magkaanak. Sana pumayag ka na. Ani ko sa isip ko.