CHAPTER9

1334 Words
"Hi, Ma. Hi, my beautiful sister." Masayang bati ko sa Mama ko at kay Jen na inabutan kong kumakain ng breakfast. Nagmano muna ako at humalik sa pisngi ni Mama bago ko guluhin ang buhok ni Jen. It's a Saturday. Maaga akong nagtungo sa bahay nina Mama dahil gusto kong may mapagsabihan ng saloobin ko na ilang linggo ko na ding pinagiisipan tungkol sa proposal ni Alecxa Jean Ramirez. "Ma, si Kuya JJ nga." Sumbong ni Jen sa Mama namin after kong guluhin ang buhok nya at binelatan ko pa. "Si Papa Jerry po, Ma?" Tanong ko sa Mama ko. Si Papa Jerry ang naging partner ni Mama after nilang maghiwalay ni Papa when I was just 6 years old. Incomparable differences daw pero ang totoo ay hindi na kayang tiisin ni Mama ang pagiging chick boy ng ama ko. I stayed with Mama until I was 12 years old kaya naging close ako kay Papa Jerry. Si Jen naman ang naging anak nila. Hinihiram lang ako ni Papa noon tuwing weekends. Nang maghigh school ako ay may times na palipat lipat ako sa poder ni Mama at ni Papa. Though mas madalas ako kay Mama nagstay kasi nga di gaya ni Mama na si Papa Jerry lang ang naging partner mula ng maghiwalay sila ng ama ko, si Papa on the other hand ay parang nagpapalit lang ng damit. Paiba iba ng partner. Kaya nagdecide ang Lola ko sa side ni Papa na kay Mama na lang ako magstay tutal mabait naman sa akin si Papa Jerry. Pantay ang turing ni Papa Jerry sa amin ni Jen. Dumadalaw na lang ako kay Papa pag weekends o kaya ay tinetext ako ni Papa pag gusto nyang magkita kami. Kahit naman chick boy ang Papa ko ay hindi naman siya nagkulang sa akin bilang ama. He would still come pag may mga event ako sa school. Currently ay 5 years ng kasama ni Papa ang partner niya na si Tita Marlyn pero until now ay hindi pa sila nagkaanak ni Tita Marlyn. Then when I graduated college at nagboom yung itinayong business namin ni Neri at ni Nathan ay bumili agad ako ng house and lot sa isang subdivision sa Balagtas. Ilang taon na din na I have been living on my own. "Maagang umalis ang Papa Jerry mo, Anak. Pumunta ng Quezon para icheck yung lupa nya dun. Dapat nga kasama niya kami ni Jen eh kaso madami daw kailangang tapusin na school projects yang kapatid mo kaya di na kami sumama. Bukas pa ang uwi nya. May kailangan ka ba, Anak, sa Papa Jerry mo?" Tanong ni Mama sa akin. "Wala naman po, Ma. Nanibago lang po ako kasi hindi nyo po siya kasabay kumain ngayon." Tugon ko kay Mama. "Kumuha ka na ng plato mo at sumabay ka na sa amin ng kapatid mo na kumain." Saad sa akin ni Mama. "Hindi na po, Ma. Tapos na po akong magbreakfast sa bahay. Dumaan lang po ako just to tell you something." Nakangiti kong saad. "Ano yun, Anak?" Tanong ni Mama habang nginunguya ang kanin at ulam na kinakain niya. "I might be getting married 2 to 3 months from now po, Ma." Nakangisi kong tugon kay Mama. "Weh di nga?!?" Pakantyaw na saad ni Jen na halata sa mukha niya na hindi siya naniniwala sa sinabi ko. "Imposible yan, Kuya." Dagdag pang saad ni Jen. "At bakit naman imposible, mahal kong kapatid?" Nakakunot ang noo kong tanong kay Jen. "Kasi po, Kuya JJ, ikaw ay isang torpe. Kung hindi ka pa ligawan ng babae e hindi ka magkakaroon ng girlfriend. Unless, you have gained enough confidence na para magsabi na mahal na mahal mo siya sa nagiisang babae na matagal ng tinitibok ng puso mo na si Ate Alec." Tugon ni Jen na totoo naman ang sinasabi. "Ang dami mong alam." Tugon ko naman. "Ako pa ba. May I remind you po, my dearest Kuya na I am your only sister whom you share your secrets with." Pagpapaalala sa akin ni Jen na totoo din naman dahil bukod sa Mama namin ay si Jen ang nakaalam ng lihim kong pagtingin kay Alec. "Oo na. Sige na. Panalo ka na. Torpe na nga ang Kuya mo pero gwapo naman." Pagsurrender ko. “Yun ang hindi ko kokontrahin. Gwapo ka naman talaga.” Pagsangayon ni Jen. "So si Alec ba yang sinasabi mo na mapapangasawa mo?” Tanong ni Mama sa akin na tinugunan ko ng pagtango habang nakangiti na halos lagpas tenga. “Nagsabi ka na ba kay Alec tungkol sa pagibig mo sa kanya, Anak?" Dagdag na tanong ni Mama. "Hindi pa po, Ma.” Tugon ko. “Eh paano mo mapapangasawa, Kuya JJ, si Ate Alec kung hindi ka pa pala umaamin kay Ate Alec tungkol sa totooong nararamdaman mo para sa kanya.” Dismayadong saad ni Jen. Napahawak pa siya sa noo nya. “Oo nga naman, Anak. Tama ang kapatid mo. Paano mangyayari yang sinasabi mo?” Urirat ni Mama. “Dahil po, Ma, the love of my life all along, Alecxa Jean Ramirez, offered me a proposal na gusto kong tanggapin para magamit ko na pagkakataon para maging kami." Tugon ko kay Mama. "Anong proposal, Kuya?" Urirat ni Jen. "Saka ko na sasabihin sa inyo ni Mama dahil baka sabihan nyo ako na isa akong oportunista." Saad ko. "I decided to accept yung proposal ni Alec kahit na magmukha akong opportunista bago pa nya maisipan na sa iba pa niya i-offer yun. But I assure you na I will make Alecxa Jean Ramirez fall in love with me at papayag siyang magpakasal sa akin pagkatapos naming gawin yung gusto nyang mangyari." Paninigurado ko kay Mama at Jen. "Sabihin mo na kasi, Kuya, kung ano yon? Pasuspense ka pa eh." Reklamo ni Jen. "Hindi nga pwede." Giit ko. "Sabihin mo na, Kuya. Please!!!" Tila nagmamakaawang saad ni Jen. "Ma, si Jen nga. Nangungulit." Kunwari kong sumbong kay Mama. "Hayaan na lang muna natin ang Kuya mo, Jen, kung gusto niyang ilihim yung sinasabi niyang proposal ng Ate Alec mo. Ang mahalaga e umaaksyon na ang Kuya mo sa nagiisang babae na minamahal nya all along." Saad ni Mama kay Jen. "Ikaw naman, JJ. Alam mo ang pinagdaanan ko sa Papa mo kaya siguraduhin mo lang sa akin na kung anuman yang proposal ni Alec na sinasabi mo eh hindi mo masasaktan si Alec. Hindi mo siya lolokohin at papaiyakin. Siguraduhin mo na magkakatotoo yang sinasabi mo sa amin ng kapatid mo na si Alec ang mapapangasawa mo. Alam mo namang gusto ko si Alec para sayo. Bukod pa doon, aba e gusto ko ng magkaroon ng apo baka akala mo." Naniniguradong saad sa akin ni Mama. "Opo, Ma. Sinisigurado ko po sa inyo ni Jen na hindi ko po sasaktan si Alec at magiging Mrs. John Jacob Dela Fuentes si Alecxa Jean Ramirez. Never ko pong ipaparanas kay Alec ang ginawa sayo ng Papa ko. Magiging masaya po si Alec sa piling ko and I would be her home. We would be each other's home." Confident kong tugon kay Mama. Tumayo pa ako sa kinauupuan ko at yumakap sa leeg ni Mama. "Don't worry po, Ma. Good boy po ang panganay nyo." Ani ko pa. "Siguraduhin mo yan, Kuya, ha. Dahil sa lahat ng mga naging girlfriend mo ay ni isa wala akong nagustuhan dahil si Ate Alec lang ang gusto ko para sayo, Kuya." Saad naman ni Jen. "Opo, Nanay Jen." Pabiro kong tugon sa kapatid ko na binelatan naman ako. “Takot ko lang sa inyo ni Mama.” Dagdag ko pang saad. Huwag kang mainip, aking Alecxa dahil tutuparin ko ang gusto mo ng magkaroon ng anak at ang nais ng puso ko na maging Mrs. John Jacob Dela Fuentes ka. Ani ko sa isip ko habang nakatunghay ako sa Mama ko at kay Jen na halata sa mga mukha ang kasiyahan na alam ko sa sarili ko na ang dahilan ay ang sinabi ko kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD