"Ano ang gusto mong ipadeliver natin na food?" Tanong sa akin ni JJ. Nakaupo na siya sa kama ko. Kakatapos lang naming ilagay yung mga damit niya sa isang cabinet na walang laman after naming magbihis. Medyo natagalan kami sa paliligo namin kanina dahil nga may ginawa pa kami sa loob ng CR.
As expected ay pinaligaya na naman niya ako. May standing position habang nagshoshower kami at may sitting position din habang nakaupo siya sa monoblock chair na nasa loob ng CR na nakakandong ako na nakaharap sa kanya. He is really driving me crazy talaga sa pinaggagagawa namin. My gosh! Nakakapagod palang makipagsex pero sulit naman ang pagod mo dahil masarap siya. Hindi lang masarap. Nakakaloka siya sa sarap. Abot abot nga ang ungol ko habang salitan na sinisipsip ni JJ ang mga dibdib ko, sa tuwing nilalaro ng dila niya ang p********e ko at lalong lalo na pag naglalabas pasok ang pagkalalake ni JJ sa p********e ko. Hindi ko lalong mapigilan na makagat sa balikat niya si JJ o kaya maidiin ang kuko ng mga daliri ko sa balat niya pag naabot na naming pareho yung climax ng pagsesex namin at pag nilalabasan na kami pareho. s**t! Hindi na ako virgin. Wala na si Modern Day Maria Clara. Ilang beses ng naangkin ni John Jacob Dela Fuentes si Alecxa Jean Ramirez beyond what and how I imagined having s*x with a man is. Grabe si JJ. He is truly a MAN.
"Ikaw ano ba gusto mong kainin?" Balik kong tanong sa kanya. Umupo na din ako sa tabi niya nang mailagay ko ang huling piraso ng damit niya sa cabinet.
Mas lumapit siya sa akin at bumulong sa tenga ko. "Ikaw ang gusto kong kainin." Bulong sa akin ni JJ with his sexy voice.
"Siraulo." Ani ko sa kanya sabay hampas sa balikat niya. "Nagugutom na ako, JJ. Mamaya naman yang iniisip mo. Pakainin mo muna ako ng tunay na pagkain para naman may energy ako pantapat sa energy mo." Saad ko.
Natawa si JJ sa sinagot ko sa kanya.
"Yung favorite na lang nating pareho. Pizza saka lasagna na lang ang oorderin ko sa Mediterranean Pizza. Ok ba sayo yon?." Ani ni JJ.
"Oo, pwede na yon tutal yun ang pinakamalapit na fast food dito sa bahay. Agad madedeliver yon." Ani ko.
"Yun din ang naisip ko." Ani niya. "Order sent na po, Boss." Nakangiting saad ni JJ pagkatapos ng ilang minuto na nagpipipindot siya sa cellphone niya.
"Boss ka diyan." Ani ko sabay belat kay JJ.
"Nagdagdag din ako ng fries, sundae at softdrinks." Saad niya.
"Wow, mabubusog ako niyan at maeenergize. How much?" Tanong ko.
"Ako na ang bahala sa bill natin." Ani ni JJ.
"Dapat hati tayo." Giit ko.
"Bukas na lang tayo magstart na maghati sa expenses natin gaya sa food natin, sa mga supplies at sa utilities natin dito sa bahay. Maggrocery nga pala tayo mamaya.” Saad ni JJ.
“Kakagrocery ko lang kahapon pero icheck mo mamaya yung laman ng ref kasi baka hindi mo gusto yung mga pagkain na nandyan.” Tugon ko kay JJ.
“Hindi na kailangan dahil halos lahat naman ng gusto mo ay gusto ko din. Kaya malamang na yung laman ng ref mo ay mga kinakain ko din. If ever man na hindi eh may nakita naman akong nagtitinda ng lutong ulam dyan sa kanto at lechon manok. Bibili na lang ako.” Saad ni JJ.
“Kunsabagay, masarap naman yung mga lutong ulam sa kanto. Kasing sarap ng luto ni Yaya Melda. Kaya nga pag tinatamad akong magluto eh bumibili na lang ako doon pati ng kanin.” Ani ko kay JJ.
"Nga pala, ano ba gusto mong itawag natin sa isa't isa pag tayong dalawa lang? Terms of endearment natin kumbaga." Nakangiting saad ni JJ. Inakbayan pa niya ako at hinila pahiga sa kama.
“Terms of endearment ka dyan. Need pa ba natin ng ganoon?” Nakakunot ang noo kong tanong kay JJ. Nakaunan ako sa isang braso ni JJ habang nakaharap kami sa isa’t isa. Yung isang kamay naman niya ay nakayakap sa akin. Sa ilang oras na magkasama kami, naging mas kampante na kami sa isa’t isa. Parang naging sweet at showy na kami pareho. Kunsabagay, ilang beses na nga kaming nagsex kanina kaya bakit pa kami mahihiyang yumakap or umakbay sa isa’t isa.
“Syempre dapat may ganoon. Naglilive in na nga tayo di ba. Alangan namang HOY o kaya UY ang itawag natin sa isa’t isa.” Giit ni JJ.
“Hmm.” Ani ko habang nagiisip ako ng swak na magiging tawagan namin ni JJ. “Ah, alam ko na. Partner na lang tutal partners naman tayo sa pagbubuntis ko.” Nakangiti kong saad.
“Ano ba yan? Hindi man lang sweet.” Reklamo ni JJ.
“Hindi man sweet pero safe naman yung Partner para kahit may ibang tao eh pwede nating itawag sa isa’t isa yon ng hindi tayo makwekwestyon.” Paliwanag ko kay JJ.
“Kunsabagay. Tama ka. Ang talino mo talaga, Partner.” Nakangiting saad ni JJ. Mas lumapit pa siya sa akin at mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin.
“Beauty and brains nga ako di ba.” Tila nagyayabang kong saad.
“OO, Partner, beauty and brains ka nga. Hindi lang ugali at mukha mo ang beautiful pati na katawan mo.” Bulong sa akin ni JJ.
“May iniisip ka na namang gawin. Sabi ng kumain muna tayo bago natin gawin yang iniisip mo.” Giit ko sa kanya sabay kurot sa braso niya.
“Aray, Partner. Nakakarami ka na ng markang iniiwan mo sa katawan ko samantalang ako isa lang ang iniwan kong marka sayo.” Nakangising saad ni JJ habang hinihimas yung braso niya na kinurot ko.
“Ha? Meron ba? Saan?” Nagaalala kong tanong.
“Secret.” Tatawa tawang panunukso sa akin ni JJ.
“Saan nga? Nakakainis ka, JJ.” Nanggigigil kong saad.
“Secret nga. Hanapin mo.” Nakangising kantyaw sa akin ni JJ.
“Ehhhh. Bakit hindi ko naramdaman yun?” Tila batang nagmamaktol kong saad.
“Busy ka kasi sa kakaungol mo.” Ani ni JJ at tumawa pa siya ng malakas.
“Humanda ka sa akin pag nakita ko yun. Gagantihan din kita.” Pananakot ko sa kanya.
“Iyon eh kung makikita mo.” Nangangantyaw na tugon ni JJ. Tumunog ang cellphone niya na nasa ulunan namin kaya agad niyang chineck yun. “Diyan ka na muna, Partner. Malapit na yung order natin. Sasalubungin ko lang.” Ani ni JJ habang marahan niyang inangat yung ulo ko para maialis yung braso niya at saka siya tumayo.
"Sasama na din ako sa ibaba." Saad ko.
"Sige." Ani ni JJ at inabot niya sa akin ang kamay niya para maalalayan niya akong tumayo. Inakbayan niya ako agad nang makatayo ako. Inihapit pa niya ang braso ko sa bewang niya at saka kami lumabas ng kwarto.
Ang sarap pala sa pakiramdam na may kasama ka na hindi ka naiilang. Yung walang pretensions. Yung pwede kang kumilos ng hindi mo iniintindi kung ano ang sasabihin ng kasama mo. Yung panatag ka. Habang bumababa kami ng hagdan ni JJ na nakaakbay si JJ sa akin at nakahapit ako sa bewang niya ay yun yung narealize ko. Yun ang naramdaman ko. Thank you po, Lord, for JJ.