"May beer dyan sa ref, Partner, baka gusto mo?" Alok ko kay JJ habang kumakain kami ng inorder niyang pizza, lasagna, fries at sundae. Magkatabi kaming nakaupo sa harap ng dining table.
"Pass muna ako, Partner. Ayokong paghaluin yung sundae, softdrinks at beer. Baka sumakit ang tiyan ko. May lakad pa man din tayo bukas. Saka kakainom lang natin kagabi. Baka sumumpong yung acid ko." Tugon ko kay JJ.
"Ha? Saan ang lakad natin, Partner?" Gulat kong tanong.
"Nakalimutan mo na, Partner? Di ba magroad trip tayo. Nature tripping tayo sa Garay at DRT. Our us time together. You and me." Ani ni JJ. Sinubuan pa niya ako ng fries at ng sundae niya.
"Bukas na ba yon?" Tanong ko ulit. Pilit kong itinago ang excitement na naramdaman ko.
"Oo. Magroad trip na tayo at ienjoy na natin yung time natin together habang hindi ka pa buntis. Bawal ka ng magmotor pag nagbuntis ka na dahil matatagtag ka." Saad ni JJ. Why so thoughtful, JJ? Ani ng puso ko na kinikilig.
"Ok sige. What time tayo aalis?" Tanong ko na naman.
"Bago mag alas kwatro ng madaling araw eh alis na tayo. Then Monday ng hapon na tayo uuwi. Nakapagpabook na ako ng tutuluyan natin sa DRT kanina." Nakangiting tugon ni JJ.
"Aba nakapagplano ka na pala." Ani ko. My gosh, prepared ang JJ.
Nakangiting tumango si JJ. "Ok lang ba sayo? Sabi mo kasi kagabi na wala ka naman kamong booking hanggang next week." Saad niya.
"Ok na ok. Matagal ko ng gustong pumunta ng Garay at DRT. Kaso wala ka bang pasok sa Monday?" Ani ko. Kakaexcite naman.
"Magtetext na lang ako sa Monday ng umaga kay Nathan at Neri na hindi ako makakapasok. Magdadahilan na lang ako." Saad ni JJ.
"Pasaway ka." Kantyaw ko sa kanya.
"Pasaway agad. Hindi ba pwedeng gusto ko lang makasama ka at gusto ko lang ding ipahinga ang mga mata ko. Nadadalas na naman kasing sumasakit ang ulo ko dahil sa maghapong nakatutok sa monitor ng computer. Saka I just want to refresh my brain. Nakakatuyot din ng utak yung maghapong nasa office." Ani ni JJ.
"Sorry naman po. Hindi mo naman kasi agad sinabi na gusto mo palang magrecharge." Nagpeace sign pa ako kay JJ. "Matagal ka na kasi naming sinasabihan na magsalamin ka na pero ayaw mo." Ani ko pa.
"Hassle sa pagmomotor ang salamin. Kaya nga nakakainggit ka, Partner, kasi buti ka pa nga hawak mo ang oras mo. Hindi nakakadrain yang trabaho mo." Saad ni JJ
"From the start naman kasi ayokong matali sa office work. I took up BS Business Management para lang masabi na degree holder ako. Alam mo naman ang kwento ng pagiging photographer ko." Tugon ko kay JJ.
"Kaya nga bilib ako sayo kasi talagang ipinaglaban mo kay Nanay yung kagustuhan mong maging photographer." Ani ni JJ. Nanay at Tatay na din kasi ang nakasanayan nilang tatlo nina Nathan at Neri na itawag sa parents ko noon pa man. "Naalala ko pa noon na hindi ka nagmemerienda dahil pinagiipunan mo yung pambili ng una mong camera at yung ibang mga gamit na kailangan mo para maging photographer ka. Ayaw mong humingi kay Nanay ng pambili kasi nga ayaw ni Nanay na maging photographer ka. Ang lakas pa ng loob mo dahil itinuloy mo yang passion mo sa photography kahit na pinagbabawalan ka noon ni Nanay. Nang makabili ka na ng mga gamit mo eh nagpaskil ka naman ng contact number mo sa mga bulletin board sa loob ng university natin offering your services as a photographer pati na sa mga fast food na kinakainan natin. Kahit wala kang formal training eh nagawa mo pa ding maganda ang mga shots mo just by watching videos online kasi nga you love what you are doing and you really have the talent naman talaga. Naalala ko pa na tumatakas ka pa noon pag may booking ka within Malolos. Idinadahilan mo kay Nanay na either may group project kang gagawin o kaya may lakad tayo nina Neri at Nathan. Then nung first shoot mo outside Bulacan eh umiiyak ka sa amin noon nina Neri at Nathan dahil ayaw kang payagan ni Nanay. Pero eventually pinayagan ka na din ni Nanay nung sinabi ni Ate Mhai at ni Kuya Marcus na sasamahan ka nila. Sila yung naging assistant mo. Hindi pa nga tayo graduate noon ng college pero kumikita ka na at after ng every photoshoot mo ay inililibre mo kaming tatlo nina Neri at Nathan. Naguumpisa ka na ding makilala as one of the aspiring photographers ng Bulacan. Yung dating hobby mo lang eh naging main source of income mo na bukod sa you can go places dahil sa pagiging photographer mo." Pagkwekwento ni JJ.
Oh my gulay, naalala pa niya yon. Kakakilig naman. “Nakaka-amaze ka, Partner, kasi naaalala mo pa yung mga pinaggagagawa ko noong naguumpisa pa lang ako sa passion ko. Hindi lang naman sina Ate Mhai at Kuya Marcus noon ang sumuporta sa akin. Kayo din naman nina Nathan at Neri. Sinuportahan nyo ako nung naguumpisa pa lang ako. Kayo yung mga unang models ko sa photoshoot ko para magkaroon ng laman yung portfolio ko at webpage ko na ginawa nyo. Saka di ba nga sinamahan mo pa ako nung may photoshoot ako sa Pamarawan. Hindi kasi pwede noon sina Ate Mhai at Kuya Marcus kaya ikaw yung nagprisinta kay Nanay na sasama sa akin nung nalaman mo na ayaw akong payagan ni Nanay kung wala akong kasama papunta sa Pamarawan.” Saad ko.
“Oo, yun yung muntik pang tumaob yung bangkang sinasakyan natin. Imbes na mag-alala tayo sa safety nating dalawa eh yung camera mo at yung mga gamit mo sa photography ang inintindi natin.” Ani ni JJ na ikinatawa naming pareho.
"Ikaw din naman di ba. You love what you are doing. You get to go places din because of your work. International pa nga ang napupuntahan mo samantalang ako within the Philippines lang. Yun nga lang kasi yung napili mong profession eh nakatali ka sa harap ng computer the whole day. Pero atleast malaki ang kinikita mo. Sobra sobra pa nga. Ako, yung kita ko sobra lang." Ani ko sabay tawa.
"Maniwala akong sobra lang ang kinikita mo. Hindi ka makakabili ng big bike at kotse kung sobra lang ang kita mo. Sobra sobra din yun. Ayaw mo lang umamin." Giit ni JJ.
"Slight lang pero syempre mas sobra pa din yung sayo." Tugon ko sabay belat ko kay JJ na ikinatawa ni JJ.
"Looking back, ang layo na ng narating natin professionally pati na ang friendship natin." Ani ni JJ.
"Kaya nga di ba na tama ako sa pagpili sayo na maging ama ng magiging anak ko." Nakangiting saad ko kay JJ. Tumango sa akin si JJ na nakangiti din. "Thank you po ulit." Dagdag ko pa at hinalikan ko siya sa pisngi.
"Bakit sa pisngi lang? Dapat sa lips." Nakangising saad ni JJ at ininguso pa niya ang lips niya sa akin.
"Ay, wait lang po. Nagmamadali naman." Ani ko at hinalikan ko siya sa lips. Oh my gosh, ang sarap talagang halikan ng lips ni JJ. Ang lambot. Fresh breath pa siya kahit na kumain siya ng sibuyas na nasa pizza. Hindi lang lips ang masarap sa kanya kundi ang lahat sa kanya ay masarap. Oh la la. Nuknukan ng sarap.
Sorry po, Lord, kung nagiging mahalay ako. Nagpapakatotoo lang po. ✌️
As planned ay nagroad trip kami the next day using our big bikes. Pati sa pagmomotor namin ay gentleman si JJ. Siya lagi yung nasa hazard side. Hindi din siya pumapayag na nauuna siya sa akin. It's either nasa likod ko siya or nasa tapat ko pag walang gaanong sasakyan kaming nakakasabay.
Nagsimba muna kami sa Shrine of St. Andrew Kim Tae-Gon sa Bocaue bago kami dumiretso sa road trip namin. First mass yung nasimbahan namin kaya hindi pa masyadong maraming tao ang nagsimba. Halos mga nagtratrabaho sa palengke ang mga nakasabay naming nagsimba. Kunsabagay alaa kwatro y medya pa lang ng madaling araw tapos Sunday pa ngayon. Karamihan ng mga tao ngayon sa oras na 'to lalo na yung mga nagoopisina ay mga natutulog pa sa mga bahay nila. Bumabawi ng tulog.
After naming magsimba ay kumain muna kami ng almusal sa isang tapsilugan na nadaanan namin ni JJ sa Bocaue. Halos mga kagaya din naming riders ang nakasabay naming kumain.
"Pag gusto mo pang kumain, Partner, umorder ka pa ng kahit anong gusto mo. Medyo malayo yung byahe natin." Saad ni JJ ng iserve sa amin yung inorder namin. Liemposilog ang inorder ko. Siya naman ay tapsilog.
"Ok na sa akin to, Partner. Mahirap magbyahe ng sobrang busog. Mahirap maghanap ng CR pag sumumpong yung tiyan natin. Mamaya na lang sa dinner siguro ako babawi ng kain." Ani ko. "Gusto mo?" Alok ko kay JJ.
"Subuan mo ako." Nakangiting tugon sa akin ni JJ na ginawa ko naman. Sinubuan ko siya ng pagkain ko. Pinunasan ko pa ang gilid ng bibig niya dahil may bakas ng gravy.
"Ang sweet naman. Sana ganito na lang tayo lagi, Partner." Nakangising saad ni JJ.
Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko. Letsugas naman kasi. Bakit may ganoon ka pa kasing side comment, JJ? Ani ng isip ko.
"Kumain ka na dyan. Kung ano ano ang sinasabi mo." Ani ko. Nagkunwari akong nalaglag ang bimpo ko para makayuko ako at nang hindi makita ni JJ na nagblush ako.
Nang makakain kami ay itinuloy na namin ang pagmomotor papuntang Norzagaray. Halos alas nwebe na ng umaga nang makarating kami sa Ipo Dam View Deck. Nakakapagod man ang byahe pero sulit naman. Buti na nga lang makulimlim ang panahon kaya hindi mainit. Sa Ipo Dam View Deck ay may man-made nest, swing, kubo at ibang wooden structures na pwede kang magpicture picture. Syempre dala ko ang camera ko kaya nakapagpicture picture ako ng mga magagandang view pati na kami ni JJ. May solo pictures kami at meron ding magkasama. Nakisuyo kami sa ibang riders na andoon para kunan kaming magkasama ni JJ.
Next stop ay sa Bitbit Bridge at Bakas River kung saan nagtampisaw kami sandali sa ilog ni JJ. Para kaming mga bata na binabasa ang isa't isa. Once in awhile din ay niyayakap ako ni JJ at hinahalik-halikan habang nakalusong kami sa ilog. Ang saya lang. Nang magtatanghalian na ay napagpasyahan naming umahon muna para kainin yung binili naming kanin at barbeque kanina sa isa sa mga nadaanan naming kainan. Marami namang mga kainan sa gilid ng kalsada papunta dito sa Bakas River at budget friendly lang din ang presyo. Sumilong muna kami sa kubo na nirentahan namin. Nakakamay lang kaming kumain at nagsusubuan.
"Partner, anong lugar dito sa Pilipinas ang hindi mo pa napupuntahan na gusto mong puntahan?" Tanong ni JJ habang kumakain kami.
"Actually, Partner, madami pa pero ang gusto kong puntahan ay Batanes at Dapitan." Ani ko.
"Nasa magkabilang dulo ng Pilipinas yon ah." Saad ni JJ.
Tumango ako. "Hindi ko man mapuntahan yung dalawang lugar na yon dahil sa photoshoot ko eg sisiguraduhin kong sasadyain ko yun." Puno ng kasiguraduhan kong tugon kay JJ.
"Sasamahan kitang pumunta doon." Nakangiting saad ni JJ.
"Sige. Isched natin yan, Partner." Ani ko at ipinagpatuloy ko na ang pagkain ko. Sana nga, JJ. Ikaw ang kasama ko pag pumunta ako sa mga lugar na hindi ko pa napupuntahan, ani ko sa isip ko habang nakatingin kay JJ. Napahawak pa ako sa tapat ng puso ko. Kalma ka lang, Puso. Huwag umasa para hindi madisappoint. Hay, realidad.
"Partner, mga alas tres tayo umalis mamaya papuntang DRT tutal alas singko naman yung sinabi ko doon sa inupahan kong transient house na magcheck in tayo." Saad ni JJ. Nailigpit na namin yung pinagkainan namin.
"OK, Partner. Mayamaya magshower na ako. Gusto kong umidlip muna. Inaantok ako." Ani ko at napahikab pa ako.
"Ako din gusto kong umidlip muna. Sabay na tayong magshower." Nakangising saad ni JJ. Yung ngisi nya na mukhang may binabalak siyang isakatuparan na naman.
"Yang ngisi mo, Partner, iba ang gustong ipahiwatig. Siguraduhin mong secured yang shower room bago ka magbalak niyang iniisip mo." Nakataas ang isang kilay kong saad sa kanya.
"Don't worry. Nacheck ko na kanina, Partner. Secured siya. We can do what's on my mind." Ani ni JJ. "Ready ka na ba, Partner?"
"May choice ba ako?" Tila nagsusungit kong saad pero ang totoo ready na ako. Oh la la.
"Wala kang ibang choice kundi ang pumayag sa gusto ko kaya tara na." Ani ni JJ at hinila na niya ako papunta sa loob ng kubo kung nasaan ang shower room. Oh my gosh. Papaligayahin na naman niya ako. How exciting. Kinikilig kong saad sa isip ko.