Ate Mhai calling….
Agad kong dinampot ang cellphone ko na nasa tabi ng laptop ko. Kasalukuyan akong nagtratransfer ng mga pictures na kinunan ko from my camera to my laptop sa ibabaw ng dining table sa kwartong inooccupy namin sa resort dito sa Bohol. Kakatapos lang ng photoshoot session ko for today.
"Hello, Ate Mhai." Masaya kong sagot sa Ate ko.
"Buti naman sinagot mo na ang call ko. Kanina pa ako tumatawag sayo." Pagtataray ni Ate Mhai sa kabilang linya na alam ko namang nagkukunwari lang ang aking beloved Ate Mhai. Expected ko na yun dahil nakita ko ang mga missed call niya during the photoshoot ko kanina.
"Sorry naman, my Beautiful Ate. May photoshoot kasi ako kanina dito sa Bohol. Ngayon ko lang nahawakan tong phone ko." Saad ko habang papasok ako sa kwartong inooccupy namin ni Kim na kinaroroonan din ni AJ.
"May photoshoot ka sa Bohol? Sino ang nag-aalaga kay AJ? Iniwan mo siya sa Siargao?" Nagaalalang tanong ni Ate Mhai.
"Si Yaya Kim ang nagaalaga kay AJ. Kasama ko sila. Nandito kami ngayon sa South Palms Resort dito sa Bohol." Ani ko. Si Kim ay ang yaya ni AJ. 20 years old na si Kim at single pa din. Dahil sa madami silang magkakapatid ay hindi siya nakapagtapos ng pagaaral niya. Dati siyang nagpapart time sa resort ni Mrs. Salazar bilang chambermaid pero bago pa ako nanganak ay kinuha ko na siya bilang kasambahay ko at naging yaya ni AJ ng manganak ako.
"Bohol? From Siargao ay ibyinahe mo na naman si AJ. Ano ka ba naman, Alec? Kaka-6 months pa lang ni AJ eh kung saan saan mo na siya dinadala. Ni hindi pa nga yata nabibinyagan yang si AJ." Sermon ni Ate Mhai.
"I miss you, Ate Mhai." Ani ko to pacify ang kapatid kong naguumpisa na naman sa pagsesermon sa akin.
"Naku, Alecxa Jean Ramirez. Hindi mo ako madadaan sa pamiss you miss you Ate mo na yan. Nung nakaraang buwan ang sabi mo sa text mo na nasa Cebu kayo then a week after naman eh nasa Bacolod kayo. Ngayon naman ay nasa Bohol kayo. Aba, Alec, baby pa lang eh nagiging layas na yang si AJ gaya mo ah." Dismayadong saad ni Ate Mhai.
"Tss, si Ate Mhai naman. Minsan na nga lang tayo makapagusap eh nagsesermon ka pa. Nabinyagan na si AJ noong 2 months pa lang siya kaya nga naisasama ko sila ni Kim sa mga photoshoot ko. Kesa naman iwan ko sila sa Siargao. Saka work related naman ang dahilan kaya layas ako. Hindi naman kalokohan. Saka kung hindi ako tatanggap ng bookings eh paano kami ni AJ? Ano gagastusin namin at ipapasahod ko kay Kim?" Pagpapaliwanag ko kay Ate Mhai.
Dalawa bale ang bookings ko this week dito sa Bohol. One is for the print ads ng resort and a wedding event sa Friday. Actually yung sa wedding lang talaga ang nakasched ko for this week pero nung nalaman nung mayari ng resort na ako ang photographer na kinuha ng ikakasal ay nagpasched din sila ng photoshoot para sa print ads ng resort kaya mas napaaga ang pagpunta namin dito sa Bohol. Kahapon pa kami dumating dito. Bukod sa professional fee ko ay free food, free lodging pati free airfare and land transport ay courtesy of the resort.
"Bakit kasi ayaw mong bawasan yung dinedeposit ko sa bank account mo na share mo sa mga rentang nakokolekta ko dito ha, Alec? Sobra sobra naman yun sa monthly expenses nyo ni AJ." Saad ni Ate Mhai.
"Inilalaan ko nga yun para sa pag-aaral ni AJ. Saka ko na babawasan yun pag wala na talaga akong natatanggap na bookings dito. As of now naman ay may mga booking pa naman ako. Huwag ka ng mahighblood sa akin. Please." Paglalambing ko kay Ate Mhai. Tama naman siya. Sobra-sobra naman talaga yung dinedeposit ni Ate Mhai sa account ko pero inilalaan ko nga yun para sa future ni AJ lalo na single parent ako. As much as possible ay gusto kong maibigay kay AJ kung ano man yung ibinigay sa amin ni Ate Mhai ng mga magulang namin. Gusto ko siyang makapag aral din sa magandang school pagdating ng panahon.
"Umayos ka kasi para hindi kita sinesermunan at hindi ako mahigh blood sayo." Paninita ulit ni Ate Mhai.
"Maayos naman ako, Ate Mhai. Hindi naman ako pasaway. Maayos naman kami ni AJ." Giit ko naman.
"Ewan ko sayo, Alecxa Jean.” Dismayadong saad ni Ate Mhai. “Sino ang mga naging Ninang at Ninong ni AJ nung bininyagan siya?" Urirat ni Ate Mhai.
"Kayong dalawa ni Kuya Marcus. Sina Mrs. Salazar at yung asawa niya. Inilagay ko din sina Neri at Nathan. Kakilala ko yung parish priest sa Siargao kaya pumayag siya na binyagan si AJ kahit wala pa yung birth certificate niya." Pagpapaliwanag ko kay Ate Mhai. "Teka lang nga, magvideo call nga tayo para makita mo si AJ." Ani ko pa.
"Sige para mawala ang init ng ulo ko sayo." Pagsangayon ni Ate Mhai.
Pinindot ko ang endcall. Kinuha ko muna si AJ na nakahiga sa kama katabi ni Kim na nanonood ng TV. Tumungo kami sa may dining table kung saan nakapatong ang laptop ko. Umupo ako sa harap ng laptop habang karga ko si AJ na naguumpisa ng antukin. Binuksan ko ang messaging app para makapagvideo call kay Ate gamit ang laptop ko.
Sa pangatlong ring inaccept ni Ate Mhai ang call ko.
"Say hi to Tita Mhai, Baby AJ." Ani ko habang ikinakaway ang maliit na kamay ni AJ kay Ate Mhai.
"Naku, ang gwapo talaga ng pamangkin ko. Kamukhang kamukha ng ama niya." Saad ni Ate Mhai.
"Si Ate Mhai talaga panira ka ng araw eh. Don't say bad words." Reklamo ko kay Ate Mhai.
"Bad words ka dyan. Totoo namang kamukha ni JJ yang anak ninyo. Tigilan mo ako, Alec. Alam ko namang mahal mo pa si JJ hanggang ngayon." Giit ni Ate Mhai. "Mahal mo pa si JJ dahil hanggang ngayon suot mo pa sa leeg mo yang kwintas na bigay niya sayo." Pagpapaalala sa akin ni Ate Mhai.
Napahawak ako sa kwintas na suot ko. "Oo na. Mahal ko pa. Mahal na mahal ko pa. Happy ka na?" Nakasimangot kong sagot kay Ate Mhai.
Tinawanan naman ako ni Ate Mhai.
"Kaya wag mo akong sasabihan na panira ako sa tuwing binabanggit ko si JJ dahil ikaw nga mismo eh hindi mo siya magawang kalimutan dahil habang suot mo yang kwintas na yan sa leeg mo e nakakatiyak ako na mahal mo pa si JJ. Siya lang amg minahal mo at patuloy na minamahal." Nanunuksong kantyaw ni Ate Mhai.
"Oo na. Panalo ka na naman. Tss." Himutok ko kay Ate Mhai.
"Nga pala napapabakunahan mo ba yang si AJ ha, Alec?" Saad ni Ate Mhai.
"Opo. Kumpleto siya sa bakuna. Di ba, Baby AJ ko." Ani ko sabay halik sa pisngi ng anak ko. "Kilala ako sa isla kaya friends kami ni Kapitana pati na ng mga tao sa barangay. Sila pa nga ang nagpapasundo sa amin ni AJ at Kim pag sched na ng bakuna ni AJ." Saad ko.
"Buti naman kung ganun. Bakit ba kasi ayaw mo pang bumalik dito? Bakit ayaw mo pang ipakilala kay JJ yang si AJ?" Giit ni Ate.
Haist. Eto na naman po kami. Sa tuwing nagkakausap kami ni Ate Mhai eh lagi niyang sinasabi yan.
"Si Ate Mhai naman parang hindi alam ang kwento. Need ko pa bang ikwento ulit sayo?" Pagpapaalala ko sa kanya.
"Oo nga. Alam ko naman my dear sister pero di ba nga ilang beses ko na ding sinasabi sayo na ilang beses ka ng tinatanong sa akin ni JJ. Pati nga sina Neri at Nathan eh ilang beses na niyang kasama na pumunta dito para alamin kung tumawag ka na ba sa akin. Na until now eh nakikibalita pa din siya kung kinontak mo na kamo. Pero dahil nga sa kapatid kita kaya nasa sayo ang loyalty ko. Pinili ko pa ding magkaila sa kanila. Hindi ko sinabi sa kanila na matagal ka na naming nakakausap at alam na namin ang totoo. Sus, papasa na nga for best actress award ang actingan ko pag kaharap ko sila. Pati nga si Kuya Marcus mo eh nakikiacting na din." Nakataas ang kilay na saad ni Ate Mhai.
"Thank you, Ate Mhai. Pakisabi kay Kuya Marcus na thank you din. Pasensya na dahil nasali pa kayo sa kumplikadong buhay ko." Saad ko.