CHAPTER 15

1055 Words
“Ikaw na ang magsabi sa Kuya Marcus mo. Sakto kakadating lang nya.” Tugon sa akin ni Ate Mhai sabay litaw ni Kuya Marcus at hinalikan nila ni Ate Mhai ang isa’t isa. "Hi, Hipag." Masayang bati sa akin ni Kuya Marcus. "Kumusta na kayo dyan sa Siargao?" Agad na tanong din ni Kuya Marcus. "Nasa Bohol sila." Ani ni Ate Mhai na tila dismayado pa din. "Hi, Kuya. Ok naman kami ni AJ at Yaya Kim." Nakangiti kong tugon kay Kuya Marcus. "Kelan ba kayo uuwi dito sa Bulacan?" Tanong ni Kuya Marcus. "Excited na kami ng Ate Mhai mo at ni Yaya Melda na makasama yang gwapo nating prinsipe. Pati si Emem eh sobrang miss ka na din at gusto na ding makita yang pinsan niya." Saad ni Kuya Marcus. "Ah eh…" Tila nagaalangan kong saad. "Aba teka. Bago ang sagot mo ngayon, Hipag." Nakangising saad ni Kuya Marcus. "Dati rati ang isinasagot mo agad sa amin ng Ate Mhai mo ay NEVER. Pero ngayon yata eh parang may slight chance na akong nararamdaman na gusto mo ng umuwi dito. Mukhang nagbago na yata ang isip mo. Gusto mo na bang makita at makipagreconcile sa the Man of your Life and the Father of AJ?" Nanunuksong tanong ni Kuya Marcus. Sabay pa silang dalawa na natawa ni Ate Mhai. "Hay naku, nagumpisa na naman kayong mag asawa. Pinagtutulungan nyo na naman akong dalawa." Nakasimangot kong saad sa kanila. "Hindi ba pwedeng I miss home na?" Saad ko pa. "And your home is JJ." Agad na sabat ni Ate Mhai. "Tss. Kayo ang home ko." Giit ko. "Sabi nga nila di ba, home is where your heart is." Saad ni Ate Mhai. "Parte man kami ng puso mo pero ang tunay na nagmamayari ng puso mo ay si JJ. Kaya JJ is now your home, my beautiful sister." Ani ni Ate Mhai. Sabay na naman silang tumawa ni Kuya Marcus. "Ang saya nyo talaga 'no pag kausap nyo ako." Sarcastic kong saad kina Ate Mhai at Kuya Marcus. "Namimiss ka lang naman namin, Hipag. Pero kidding aside, Hipag, as much as possible eh gusto lang naman namin ng Ate Mhai mo na nasa maayos kayong kalagayan ni AJ. Kung pwede nga lang na nasa malapit lang kayo sa amin para naaalalayan ka namin sa pagpapalaki mo kay AJ." Ani ni Kuya Marcus. "Alam ko naman yun, Kuya, and I really do appreciate it. Alam kong mahal nyo ako. Kami ni AJ pero hindi pa panahon para bumalik kami sa inyo dyan sa Bulacan." Saad ko. "Naiintindihan naman namim, Alec, pero I think it's about time na you should talk to JJ na. Magpakita ka na sa kanya." Ani ni Kuya Marcus. "Hindi man niya sabihin sa akin ng deretsahan pag nagkakausap kami pero sa palagay ko ay may something din siyang nararamdaman for you. Mahal ka din niya, my dearest Hipag." Giit ni Kuya Marcus. "Paano kung mali yang palagay mo, Kuya Marcus? Luhaan na naman ako kung sakali. Yaan na natin si JJ. Ayoko ng guluhin ang buhay niya. Kung talagang kami ni JJ, si Lord at pati si tadhana na ang magsasanib pwersa para gumawa ng paraan para magkrus ulit ang mga landas naming dalawa ni JJ. May kasabihan nga di ba na if it is meant to be, it will be." Ani ko. "Pero meron ding kasabihan na nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Kung hindi ka kikilos eh hindi ka tutulungan ni Lord na magkrus ulit ang landas nyo ni JJ." Kantyaw ni Kuya Marcus. "Tama. Lalo na hindi naman alam ni JJ kung nasaang lupalop ka ng mundo." Pagsangayon ni Ate Mhai. "Hay naku. Tumutupad lang naman ako sa usapan namin ni JJ na kahit anong mangyari, pag nabuntis niya ako eh hindi na ako magpapakita sa kanya. Sa inyong lahat. Na I would disappear from your lives. Kaso nga lang dahil sa kakulitan nyong dalawa at pangungunsensya nyong mag-asawa sa mga email na sinesend nyo sa akin eh hindi ko kayo natiis kaya sa inyo ko lang sinabi yung totoo at sa inyo lang ako nakikipagcommunicate." Pagpapaalala ko sa kanila. "May I remind you my dear sister na from the start naman eh hindi ka naman talaga tumupad sa agreement nyo ni JJ kaya sa umpisa pa lang ay null and void na ang agreement nyo. Nainlove ka kay JJ kahit na kasama sa agreement nyo na bawal kayong mainlove sa isa't isa or mas tamang sabihin na inlove ka na kay JJ bago pa mangyari yang agreement nyo na yan." Saad ni Ate Mhai. "Tama si Ate Mhai mo, Alec. Sa umpisa pa lang may breach of contract na kaya hindi na binding ang agreement nyo ni JJ." Pagsegunda ni Kuya Marcus. "Sige na, bye bye na. Nakatulog na si AJ. Call na lang ulit ako sa ibang araw." Ani ko nang makita kong nakatulog na si AJ na karga karga ko. "Saka need ko ng iemail yung mga pictures na kinunan ko today sa admin nitong resort." Dagdag ko pang saad bilang pagiwas sa kinapupuntahan ng usapan naming tatlo. "Ma, may umiiwas na naman." Ani ni Kuya Marcus. "Kaya nga, Pa. Pag nasusukol na, nagbababye na agad." Ani ni Ate Mhai kay Kuya Marcus. "Until when ba kayo dyan?" Tanong sa akin ni Ate Mhai. "Tss. Three days pa kami dito." Nakaismid kong sagot. "Tuesday ngayon so until Friday pa kayo dyan?" Tanong ni Kuya Marcus. "Ay four days pa pala. Saturday morning kami babalik ng Siargao. May wedding pa akong icocover dito sa Friday." Tugon ko. "Sige na. Bye Bye na. Ingat kayo dyan. Ikiss nyo na lang ako kay Emem at ikumusta nyo na lang ako kay Yaya Melda." Pagpapaalam ko. "Kayo ang magingat dyan." Ani ni Ate Mhai. "Opo, Nanay Mhai." Natatawa kong saad kay Ate Mhai. "Love you po. Bye Ate Mhai." "Bye, Hipag." Ani ni Kuya Marcus. "Bye, Kuya. Thanks ulit." Tugon ko kay Kuya Marcus. "Bye." Ani ko at saka ko clinick ang end call nang sabay kumaway sina Ate Mhai at Kuya Marcus sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at hinalikan sa noo ang natutulog kong anak na si AJ. I named him Acxel Jacob Ramirez. Tama si Ate Mhai. Habang tumatagal mas nagiging kamukha ng anak kong si Aj ang ama niyang si JJ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD