Two months na kaming nagsasama ni JJ nang malaman kong buntis ako. Nasa Singapore noon si JJ for a one week training sa isang client nila nang magdecide akong magpacheck up na sa isang OB Gyne. Ilang araw na kasing hindi maganda ang pakiramdam ko. Napapaghihilo ako at nagcrave ako ng mga pagkain na hindi ko naman kinakain dati. Bukod sa hindi na nga ako nagkakaroon ng monthly menstruation ko simula ng magsama kami ni JJ ay nakakaramdam din ako ng pangangasim ng sikmura ko tuwing umaga at para akong laging pagod saka inaantok. Hindi ko binanggit kay JJ yung mga nararamdaman ko bago pa siya umalis papuntang Singapore dahil ayokong magalala siya sa akin lalo na paalis siya that time.
Positive ang naging resulta ng pregnancy test na ginawa sa akin sa clinic ng pinuntahan kong doktora sa may Bocaue. I am six weeks pregnant according to the OB Gyne na nagcheck up sa akin. Hindi ko napigilang maiyak nang ipinarinig sa akin ang heartbeat ng baby ko at ipinakita din sa akin thru ultra sound ang baby ko ng OB Gyne. How I wish na kasama ko si JJ that time at hawak niya ang kamay ko habang nakahiga ako sa patient's bed during my check up. How I wish na narinig din nya ang heartbeat ng anak namin at nakita din niya ang anak namin.
In spite of all the fears and doubts na nasa isip at puso ko nung mga panahon na yon ay I am so grateful na buntis na ako. Thank you po, Lord. Ani ko sa isip ko.
And also at that moment, reality hits me na kailangan ko ng lumayo. Kailangan ko ng umalis. Kailangan ko ng iwan ang mga tao na mahal na mahal ko. I have to leave behind all the people whom I considered my home.
I love you, Baby ko. I'm sorry dahil hindi mo makikilala ang Daddy mo. We are leaving your Daddy soon, Baby ko. Ani ko sa isip ko habang ipinapakita ng OB Gyne sa akin ang ultrasound pictures ng baby ko.
Nung una, I was planning of telling JJ na buntis ako. Na iintayin ko siya sa pagbabalik niya from Singapore dahil iyon ang usapan namin. I did not promise him pero nag-OO ako sa kanya na iintayin ko siya sa pagbabalik niya dahil sabi nga niya maguusap kami about sa aming dalawa. Pero naunahan ako ng takot at ng doubts ko. Natakot ako na baka gusto ng tapusin ni JJ yung paglilive in namin kaya gusto niyang magusap kami. Natakot ako na marinig kay JJ na hindi niya ako mahal. Natakot akong sabihin ni JJ na may gusto na siyang ligawan na ibang babae. Nagpadala ako sa mga takot ko kaya I decided na ituloy ang agreement namin. Aalis ako kahit na mahal na mahal ko si JJ. Ang naisip ko kasi na never akong mamahalin ni JJ dahil it's part of our agreement despite sa mga sweet gestures na ginagawa niya for me which makes me feel special. My mind keeps on insisting about our agreement na we can not fall in love with each other. No strings attached. No commitments.
Kaya a day after my check up ay nagdecide ako na tuparin ang agreement namin ni JJ na pag nabuntis ako, I would disappear without a word. I deactivated all my social media accounts. Bumili na din ako ng simcard na ipapalit ko sa simcard na kasalukuyang gamit ko. Yung email account ko lang ang itinira kong active.
I reviewed my plan and my options kung saan ako pupunta. Dapitan, Palawan at Siargao ang naging choices ko noong una. But upon reviewing my plan, sa Siargao ko napiling pumunta dahil bukod sa familiar na ako sa lugar ay may naging client ako dati na may ari ng isang resort doon na nakaclose ko, si Mrs. Salazar. Ilang beses na akong nakarating sa Siargao dati and I fell in love sa ganda ng isla sa unang punta ko pa lang sa isla ng Siargao bukod sa friendly ang mga tao doon. Gaya din ni Mrs. Salazar ay mabait din ang pamilya niya kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na siya ang tawagan ko. Saka pag nasa Manila kasi si Mrs. Salazar ay she sees to it na nakikipagkita ako sa kanya over lunch or dinner. I contacted Mrs. Salazar and she was more than willing to let me stay sa isa sa mga paupahan niyang bahay sa isla lalo na ng malaman niya na buntis ako. I did not lie to her. Lahat sinabi ko sa kanya. Naaalala ko kasi si Yaya Melda kay Mrs. Salazar kaya hindi na ako nagatubiling sabihin sa kanya ang totoo.
The day na nagpabook ako ng flight papuntang Siargao ay ipinacourrier service ko na din papuntang Siargao yung ibang mga gamit ko sa pagshoshoot ko at mga damit ko sa address na binigay sa akin ni Mrs. Salazar para yung camera, laptop, ibang importante kong documents at gamit ko na lang ang bibitbitin ko during my flight to Siargao the next day. Malakas ang loob kong umalis dahil may pera naman ako. Bukod sa mga naipon kong pera mula sa mga photoshoot ko ay hindi ko naman nababawasan ang perang idinedeposit ni Ate Mhai na share ko sa mga rentang nakokolekta niya.
Umalis ako ng Bulacan a day before ng scheduled flight ni JJ pabalik ng Pilipinas. Buti na lang kay Nathan siya nagpasundo sa airport. Ni ha, ni ho ay wala akong sinabi kina Neri at Ate Mhai. Umalis ako without any plans of going back sa bayang sinilangan ko. Isinend ko din ang huling text ko kay JJ as I boarded the plane going to Siargao gamit ang papalitan kong sim card which is THANK YOU SO MUCH, PARTNER. PLEASE ALWAYS TAKE CARE OF YOURSELF.
Nang makarating ako ng Siargao at nakapagsettle na sa bahay na uupahan ko ay kinausap ako ni Mrs. Salazar. She offered to help me in earning a living sa isla which I gladly accepted. Ako ang naging official photographer pag may mga ginaganap na events sa resort nila. Inirecommend din niya ako sa ibang mga resort owners sa Siargao. Ipinakilala din niya ako sa mga business organizations na kinabibilangan niya. Sabi nga nila na the best form of advertisement is through word of mouth na napatunayan kong totoo. Paunti-unti ay nakilala na ako sa Siargao pati na sa mga karatig bayan gaya ng Cebu, Bacolod at dito nga sa Bohol kaya kahit noong malaki na ang tiyan ko dahil sa pagbubuntis ko ay tumatanggap pa din ako ng photoshoot bookings para sa mga events or for print ads purposes na mostly ay mga resort. Kahit na included sa package ko na sasagutin ng client ang transportation ko to and from Siargao either through air, land or water ay inaaccept pa din ng mga prospective clients ko sa mga kalapit lugar ang services ko. Para din hindi ako matrace nina JJ ay AJR na lang ang ibinibilin kong ilagay na name ko imbes na Alec Ramirez na usually pinalalagay ko sa mga print ads bilang photographer.
Two months na akong nasa Siargao when I decided to check my email account. Yung email sa akin ni Ate Mhai at ni Kuya Marcus lang ang binasa ko tutal sila lang naman talaga ang immediate family ko. May mga email din akong natanggap galing kina Neri, Nathan at JJ pero I did not bother to open them though I feel guilty everytime na dinedelete ko ang emails nila sa akin.
As expected ay nagaalala sa akin sina Ate Mhai, Kuya Marcus at Yaya Melda dahil sa biglaan kong pagdidisappear. Nalaman lang daw nila na nawawala ako ng pumunta si JJ sa bahay namin sa Malolos looking for me. Sanay na kasi sila Ate Mhai na hindi ako pumupunta sa bahay namin ng ilang linggo. Nakikibalita daw si JJ kung tumawag na daw ba ako kina Ate Mhai para sabihin kung nasaan ako.
Noong una ay natiis ko pang huwag tawagan si Ate Mhai pero nang lumaon ay mas nakakakunsensya na ang mga email niya. Pati sina Nanay at Tatay ay idinamay na niya sa email. Na kesyo ano na lang daw ang sasabihin sa kanya ng mga magulang namin pag nakaharap niya sina Nanay at Tatay sa kabilang buhay. Na pinabayaan niya ako. Na dadalawa na nga lang daw kami ay iniwan ko pa siya. Ni hindi man lang daw niya alam kung nasaan ako at kung ano na nangyari sa akin. Nakakatulog daw ako ng mahimbing samantalang sila daw eh hindi na nila malaman ni Kuya Marcus at ni Yaya Melda kung saan ako hahanapin. Kung ano ang laman ng email ni Ate Mhai ay ganoon din ang laman ng email ni Kuya Marcus na pangungunsensya sa akin. Plus nagkakaroon na naman daw ng nervous breakdown si Ate Mhai dahil sa sobrang pagaalala nila sa akin. Na pati si Yaya Melda daw ay hindi na din daw nakakatulog ng maayos dahil sa pagaalala sa akin. Hays! Kaya dahil sa guilt feelings na nararamdaman ko ay eventually I decided to call them. Nakipagvideo call ako kina Ate Mhai, Kuya Marcus at Yaya Melda. Sa umpisa pa lang ay umiiyak na kami nina Ate Mhai at Yaya Melda. Tinanong nila ako kung bakit daw ako umalis? Kung nasaan daw ba ako? Bakit daw ako hinahanap ni JJ? Hindi lang daw kasi isang beses nagpunta sa kanila si JJ. Wala naman daw sinabi si JJ kundi nakikibalita lang daw siya tungkol sa akin. Wala na akong nagawa kundi sabihin na sa kanila ang lahat tungkol sa amin ni JJ at pati ang pagbubuntis ko. Hindi naman sila nagalit sa akin. Ang gusto nga nila ay umuwi na ako sa Bulacan para daw maalagaan ako ni Ate Mhai at ni Yaya Melda saka para daw maalalayan nila ako sa pagbubuntis ko. Pero hindi ako pumayag. I stood firm sa desisyon ko to stay far from there. Another option naman na naisip ni Ate Mhai is pupunta daw sila sa Siargao para masamahan ako lalo na pag malapit na akong manganak. Pero ipinagpilitan ko pa rin na wag na. Kaya ko naman kako at andito naman sila Mrs. Salazar na nakasuporta sa akin. Saka sa March pa naman kako ako manganganak.
Tinanong nila ako kung mahal ko daw ba si JJ. Hindi na ako nagkaila sa kanila dahil bukod sa pamilya ko sila na maiintindihan ako eh mahal ko naman talaga si JJ. Mahal na mahal ko si JJ. Napatunayan ko yun habang nagsasama kami.