Thirteen months earlier….
Me: Saan ka?
Ang text na isinend ko kay JJ dahil nabanggit sa akin ni Neri na nagundertime daw si JJ kanina. Andito ako sa office nila. After kasi ng photoshoot ko ng kasal sa Barasoain Church kanina ay dumaan muna ako kina Ate Mhai then dumiretso na ako dito sa opisina nila JJ para kako sabay na kaming umuwi para hindi na siya magcommute tutal kako malapit naman ng mag-alas singko naman na ng hapon.
After a few minutes ay nagreply sa akin si JJ.
JJ: Dito na ako sa townhouse. Not feeling well. Got fever.
Saad ng reply ni JJ sa akin kaya agad akong nagpaalam kay Neri ng mabasa ko ang text ni JJ. Nagdahilan na lang ako na may biglaan akong meeting with a prospective client. Worried wife lang ang peg.
Two weeks na kaming naglilive in ni JJ today. Dumaan muna ako ng drugstore para bumili ng gamot na pwedeng inumin ni JJ at thermometer to monitor his temperature. Bumili na din ako ng lugaw at lutong ulam para hindi na ako magluto ng hapunan namin.
Buti na lang hindi traffic from Malolos hanggang sa Guiguinto kaya wala pang 30 minutes ay nakarating na ako sa subdivision kung saan located ang townhouse ko. Nang buksan ko ang front door ay bumungad sa akin si JJ na nakahiga sa sofa. Natutulog siya at nakabaluktot na tila ginaw na ginaw. Naawa naman ako sa itsura niya. Hays bakit kasi dito siya nahiga? Dapat sa kwarto na para nakapagkumot siya.
Dumiretso muna ako sa kitchen para ibaba ang mga bitbit kong pagkain at para makapaghugas muna ako ng kamay. Nang makapagpunas na ako ng kamay ay agad akong lumapit kay JJ at sinalat ang noo niya. Naku mainit siya. May lagnat nga siya. Kailangan niyang kumain muna para makainom ng gamot.
Bumalik ako sa kusina para ihanda yung lugaw na binili ko. Mainit pa naman kaya hindi ko na kailangang initin pa. Pagkatapos kong maihanda ang pagkain sa dining table ay binalikan ko si JJ sa sala.
"Partner. Partner." Ani ko habang marahan ko siyang tinatapik sa balikat niya.
"Umm." Ungol ni JJ.
"Nilalagnat ka. Tumayo ka na muna dyan para makakain ka at para makainom ka ng gamot." Ani ko.
"Mamaya na, Partner. Gusto ko lang matulog." Ani ni JJ. Nakapikit pa din siya.
"Tumayo ka na muna dyan. Huwag ng matigas ang ulo. Tara na muna sa kitchen. Kailangan mo munang kumain tapos iinom ka ng gamot." Giit ko.
"Mamaya na lang." Giit naman ni JJ. Hindi pa din siya dumidilat. Halatang masama ang pakiramdam niya at inaantok siya.
"Hays. Kailangan mo na nga munang kumain. Matulog ka na lang ulit pagkatapos mong uminom ng gamot." Giit ko ulit.
"Kiss mo muna ako." Saad niya. Nakapikit pa din siya.
"Hay naku ka naman talaga. May sakit ka na nga eh kiss pa din ang nasa isip mo, Partner." Reklamo ko sa kanya pero kunwari lang yun dahil ang totoo ay kinikilig ako sa kanya.
"Sige na, Partner, kiss mo muna ako. Please." Pakiusap ni JJ.
Hays, maysakit na nga siya pero kiss ko pa din ang gusto niya. Naku, JJ, lalong lumalambot ang puso ko sayo.
"Sa pisngi lang." Ani ko. Kunwaring ayaw ko pa pero gusto ko din naman. Ang lantud lang, Alecxa. Hahaha.
"Oo." Ungot ni JJ.
Yumuko na ako para halikan siya sa pisngi niya pero biglang gumalaw si JJ at humarap sa akin kaya nahalikan ko si JJ sa mga labi niya imbes na sa pisngi nya. Agad din niya akong niyakap kaya nabuwal ako sa ibabaw niya. Naging matagal ang paghalik namin sa isa't isa.
"Ikaw talaga, Partner. Mahahawa ako sayo sa ginagawa mo. May photoshoot pa man din ako bukas." Ani ko ng tumigil na ako sa pagtugon sa mga halik niya. "Tumayo ka na dyan. Lalamig yung lugaw." Paalala ko.
"May itlog yung lugaw?" Nakangiting tanong ni JJ. Nakadilat na ang mga mata niya.
"Opo. Tokneneng po yung binili ko sayo saka tokwa't baboy kaya tumayo ka na dyan para makainom ka na ng gamot pagkakain mo." Ani ko.
"Alam mo na talaga ang mga paborito ko, Partner." Saad niya.
"Sus matagal ko ng alam ang mga paborito mo kaya tara na." Pag-aya ko kay JJ.
"Paano ako tatayo, Partner, eh nakadagan ka pa sa akin." Nakangising tugon sa akin ni JJ.
"Bitiwan mo kaya ako para makatayo ako." Nakataas ang isang kilay kong tugon sa kanya.
Natawa siya sa sinabi ko at bumitaw sa pagkakayakap sa akin saka nagpeace sign. "Ayan na po. Tinataasan mo na naman ako ng isang kilay mo. Nasisindak na naman ako." Ani pa niya.
Inalalayan pa niya akong tumayo at saka tumayo na din siya. Inakbayan pa niya ako habang papunta kami sa kusina.
"Ang init mo. Bakit ka ba kasi nilagnat?" Tanong ko sa kanya ng makaupo na kami sa dining table.
"Di ba naulanan ako kagabi." Paalala niya sa akin.
"Ay oo nga pala. Hindi ka kasi naligo agad. Kung ano ano pa kasi ang kinalikot mo sa kwarto kaya ayan, nilagnat tuloy ang Baby Boy. Kawawa naman." Kantyaw ko sa kanya.
"Tss. Baby Boy ka dyan. Natapatan lang ako dahil basa ako ng pawis kahapon nung naulanan ako." Tugon ni JJ.
"Naku, mahina pala ang pulmon ni Baby Boy. Lalagyan ko ng vaporub mamaya yang likod mo." Pang-aasar ko kay JJ. "Gusto mo bang iinit ko pa yang lugaw mo?"
"Hindi na. Ok na sa akin to." Ani niya. "Subuan mo na lang ako, Partner." Paglalambing sa akin ni JJ.
"Sus, naglalambing si Baby Boy." Panunukso ko sa kanya.
"Huwag na nga." Nakasimangot na saad ni JJ.
"Naku, ang bilis namang magtampo ni Baby Boy. Eto na susubuan na kita. Nganga na po Baby Boy." Natatawa kong saad habang itinatapat sa bibig ni JJ yung hawak kong kutsara na may lamang lugaw.
"Salamat ha, Alec, sa pagaasikaso mo sa akin." Ani ni JJ nang malunok na niya yung isinubo ko sa kanya.
"Wala naman akong choice di ba. Nag live in tayo kaya dapat lang na asikasuhin kita." Tugon ko.
"Yun lang ba dahilan? Hindi mo ba ako loves?" Nakangising tanong ni JJ sa akin.
"Bakit? Ako ba loves mo?" Balik kong tanong sa kanya.
"Oo naman. Loves kita kasi kaibigan kita." Tugon ni JJ.
Aray ko. Kaibigan lang pala talaga.
"Loves din po kita kasi nga tropa tayo." Ani ko sabay punas sa bibig niya pagkatapos ko siyang subuan.
"Sweet ka naman pala at maasikaso, Alec. Pero bakit hindi mo ipinapakita sa mga ex mo yang side mo na yan?" Tanong sa akin ni JJ.
Potek! Pwede ko bang sabihin na mahal kasi kita, JJ?
"Ewan. Di ko din alam. Pero siguro kasi from the start ng relationship namin eh pakiramdam ko na parang may wall na nakaharang sa gitna namin. Saka para bang nakukuryente ako pag hinahawakan nila ako or pag nahahawakan ko sila." Saad ko. Totoo naman na yun ang nararamdaman ko dati sa mga naging boyfriend ko.
"Bakit?" Tanong na naman niya after ko siyang subuan.
"Siguro dahil hindi ko sila mahal?" Patanong na tugon ko naman.
"Bakit sa akin sweet at maasikaso ka, Alec?" Tanong na naman niya.
Gusto ko na talagang isagot kay JJ na kasi nga mahal kita pero I decided not to. "Kasi may strong foundation na tayo as friends. Samantalang sila eh ni friendship ay wala kami." Ani ko na lang. "Tama na nga muna yang mga tanong mo. Tapusin mo na muna yang pagkain mo para makainom ka ng gamot. Ayan pinagpapawisan ka na. May bimpo ka ba?" Tanong ko sa kanya after kong punasan yung noo niya na may pawis gamit ang bimpo ko.
Hinugot ni JJ sa bulsa ng pantalon niya yung bimpo niya na agad ko ding kinuha para ilagay sa likod niyo. "Basa ka na ng pawis. Pagkainom mo ng gamot eh umakyat ka na sa kwarto para makapagpalit ka ng damit." Ani ko.
"Opo, Mommy Alec. Gumaan gaan na nga ang pakiramdam ko. Nawala na yung ginaw na naramdaman ko kanina." Tugon ni JJ.
"Mommy Alec ka dyan." Nakasimangot kong saad pero kilig overload naman si puso ko na pati tenga ko ay tila pumapalakpak. Hahaha.
"Ano nga pala ang kakainin mo, Partner? Naubos ko na tong lugaw?" Tila nagaalalang tanong sa akin ni JJ.
"Para sayo naman talaga yan. Hindi naman ako mahilig sa lugaw pati na sa tokneneng at sa tokwa't baboy." Ani ko.
"Magluluto ka pa ng dinner natin? Magpadeliver na lang tayo para di ka na magluto." Saad niya.
"Bumili na ako ng lutong ulam para magluluto na lang ako ng kanin mamaya. Adobong pusit ang binili ko para sa akin tapos sisig naman ang para sayo if gusto mong kumain ulit mamaya. Hindi ka naman kasi mahilig sa pusit. Mahina ang tiyan mo sa pusit di ba." Ani ko. Paborito ko ang pusit na nakakapagpasakit naman sa tiyan ni JJ pag kumain siya nito.
"Alam na alam mo na talaga ang mga hindi pwede sa akin at yung mga gusto ko." Ani ni JJ. Tumayo pa siya at niyakap ako mula sa likod ko saka hinalik-halikan ako sa batok.
"Kung anuman yang binabalak mo, Mr. Dela Fuentes, stop it. Umakyat ka na muna sa kwarto para magpalit ng damit mo. Basa ka na sa pawis. Magpahinga ka na muna sa kwarto habang nag-aayos ako dito sa ibaba." Giit ko kay JJ.
"I want to stay here with you." Malambing na tugon ni JJ habang patuloy pa din sa paghalik sa batok ko.
"Bumaba ka na lang ulit pagkapalit mo ng damit. Magdala ka ng bimpo pag bumaba ka para isapin ko sa likod mo. Kunin mo na din yung vaporub sa medicine cabinet sa CR. Lalagyan kita sa likod mo. Dali na. Bitaw na." Ani ko.
"Ang swerte naman talaga ng anak ko sa Mommy niya. Beauty and brains na eh sobra pang maasikaso." Saad ni JJ.
"Huwag mo na akong utuin. Sige na. Magpalit ka na ng damit. Kukunin ko pa yung camera ko sa kotse. Pakibaba mo na din pala yung laptop ko." Pakisuyo ko kay JJ.
"Bukas mo na itransfer yung mga pictures mo, Partner. Maaga na tayong magpahinga. Hindi din ako makakatulog pag hindi kita katabi. Nasanay na akong nakayakap sayo pag natutulog ako." Paglalambing ni JJ.
Juice colored. Lumalambot ang tuhod ko sa yakap mo JJ.
"Magdodownload lang ako ng mga picture habang hinihintay kong maluto yung kanin hanggang sa makaligpit ako ng pinagkainan natin. After that ay magpapahinga na tayo." Tugon ko.
"Bukas na lang, please." Pakiusap ni JJ. "Gusto kong nakaunan ako sayo sa sofa habang iniintay nating maluto yung kanin." Dagdag pa niya.
"Sige na. Oo na. Bukas na ako magwowork. Magbihis ka na. Dali na. Tumataas na ang kilay ko, JJ." Nagkunwari akong naiinis na.
"Eto na nga po. Aakyat na ako." Ani ni JJ sabay halik sa pisngi ko at saka mabilis na naglakad paakyat ng hagdan habang nakangisi. Tila isang bata na napagbigyan ang gustong mangyari. Kinindatan pa niya ako ng makita niyang nakatingin ako sa kanya. Naiiling na lang ako. Hay naku, lalo kitang minamahal Mr. John Jacob Dela Fuentes sa bawat araw na kasama kita. Bulong ng puso ko.