"Partner, may shoot ka ba bukas?" Bungad na tanong ni JJ sa akin pagpasok niya ng front door. Dinatnan niya akong nakaupo sa sofa na nanonood ng TV. Hinalikan niya ako sa pisngi ko at sa noo ko gaya ng nakasanayan niyang gawin pag dumadating siya sa gabi galing sa office nila nina Nathan at Neri.
"Wala naman, Partner." Ani ko. Hinalikan ko din siya sa pisngi niya nang tumabi na siyang umupo sa akin. Agad siyang humiga at umunan sa hita ko.
"Roadtrip tayo bukas." Nakangiting aya niya sa akin. "Pero yung SUV ko ang gamitin natin."
"Bakit hindi na lang tayo magmotor?" Tanong ko habang hinahagod ko yung buhok niya. Automatic na kasi na pag umunan siya sa hita ko ay gusto niyang masahihin ko yung ulo niya. Malamang sumasakit na naman ang ulo ni JJ dahil sa maghapon na nakatutok sa computer.
"Matatagtag ka. Malay natin kung buntis ka na pala, Partner. Saka malayo yung pupuntahan natin." Sagot ni JJ. Hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan niya.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Gusto kong itry yung bagong camping site sa Tanay. Yung tinitignan mo nung isang araw sa internet." Tugon ni JJ.
Nakita pala niya yung chinecheck ko sa internet na camping site sa Tanay. Doon kasi yung balak nung isang client ko na magshoot kami ng pre-nup nila ng fiancee nya two weeks from now.
"Dapat pala ngayon na tayo umalis para makita natin bukas ng umaga yung sea of clouds na sinasabi nilang maganda doon." Ani ko. Sabado kasi today at bukas lang walang pasok si JJ.
"Magoovernight naman tayo kaya Monday morning at saka sa Tuesday eh makikita natin yon." Saad ni JJ.
"Wala kang pasok sa Monday at sa Tuesday?" Tanong ko sa kanya.
"Meron pero nagsabi na ako kina Nathan at Neri na hindi ako papasok sa Monday at sa Tuesday. Sabi ko may aasikasuhin ako sa Tanay." Nakangising saad ni JJ. "Saka wala naman kaming kailangang tapusin na project sa office. Natapos ko na yung nakaassign sa akin. Ikaw ba wala kang booking hanggang sa Tuesday or ibang lakad?" Tanong ni JJ.
"Wala naman. Sa Thursday pa yung booking ko hanggang Sabado." Nakangiti kong saad.
"Tamang tama pala. Atleast marerecharge ka bago ka sumabak sa magkakasunod na araw na photoshoot mo." Nakangisi namang tugon ni JJ.
"Marerecharge nga ba? Mukhang papagudin mo ako base dyan sa ngisi mo, Partner." Nakataas ang isang kilay kong tanong kay JJ. Kunwari lang na nagtataray ako pero ang totoo ay naeexcite na ako sa lakad namin. Bukod sa first time naming magroad trip outside Bulacan ni JJ ng kaming dalawa lang. Sa Monday ay one month na kaming naglilive in ni JJ.
"Oo naman, Partner. Ichacharge kita. Este marerecharge ka pala." Ani ni JJ at tumawa pa siya ng malakas.
"Magbobook na ako kung ganoon." Saad ko.
"All done na, Partner. Nakapagpabook na ako kanina sa office nung umalis sina Nathan at Neri. Inassume ko na na wala kang booking." Nakangiting tugon ni JJ.
"Aba, planado mo na naman pala ang lakad natin, Partner." Kantyaw ko kay JJ.
"Oo naman. Ako pa ba, Partner. Yung gamit na lang natin ang need nating iayos." Ani ni JJ. Hinalikan pa niya ang kamay ko.
"Aba eh magdinner na tayo para makapag ayos na tayo ng gamit. Anong oras ba tayo aalis bukas?" Pag-aya ko kay JJ.
"Mga alas singko sana, Partner, eh alis na tayo. Balak kong dumaan muna ng Antipolo para makapagsimba tayo. Alas onse pa naman need natin magcheck in sa camping site sa Tanay." Saad ni JJ.
"Ay gusto ko yan. Matagal na akong hindi nakasimba sa Antipolo. Last time kong napunta doon kasama namin ni Ate Mhai sina Nanay at Tatay. Dalaga pa si Ate Mhai noon." Excited kong sagot kay JJ.
"Matagal na nga kung ganoon kasi di ba a year after nating grumaduate ng college noong naulila kayo ni Ate Mhai." Saad ni JJ na tinugunan ko ng pagtango.
Unang namatay si Tatay. Heart attack. Then 2 years after ay sumunod naman si Nanay. Heart attack din. Sabi ko nga noon na sinigurado lang ni Nanay na nasa maayos na kaming kalagayan ni Ate Mhai ng iwan nila kami. Isang taon ng kasal noon sina Ate Mhai at Kuya Marcus ng mamatay si Tatay. Isang taon palang akong nakakagraduate sa college at naguumpisa nang makilala sa larangan ng photography ng mamatay naman si Nanay.
Napabuntong hininga ako ng maalala ko sina Nanay at Tatay. Sana po wag kayong magalit sa akin, Nay at Tay, sa ginagawa ko ngayong pakikipaglive in ko kay JJ para magkaanak ako. Kilala nyo naman po si JJ. Alam nyo naman pong mabuti siyang tao. Ani ko sa isip ko.
Mukhang napansin ni JJ ang pagbuntong hininga ko dahil bigla siyang tumayo mula sa pagkakahiga niya. Umupo siya sa tabi ko at niyakap niya ako. "Miss mo na sila, Partner?" Ani niya. Tumango ako bilang tugon sa tanong niya. "Nakakatiyak ako na lagi naman silang nakabantay sa inyo ni Ate Mhai mula sa langit. Masaya silang magkasama na nakikita kayong magkapatid na nasa maayos na kalagayan. Si Ate Mhai kasama si Kuya Marcus at si Emem. Ikaw naman kasama mo ako habang iniintay ang pagdating ng magiging anak natin." Pagcoconsole ni JJ sa akin.
Ikaw naman kasama mo ako habang iniintay ang pagdating ng magiging anak natin. Paulit ulit na nageecho sa isip ko yung sinabi ni JJ. Ang sarap sa pakiramdam na marinig yung sinabi ni JJ.
"Thank you, Partner." Ani ko. Yun na lang ang nasabi ko kahit na nagtatatalon ang puso ko sa sinabi ni JJ. "Tara kumain na tayo para maiready ko na yung mga gamit natin para sa lakad natin bukas." Pag-aya ko kay JJ.
"Ano ba ulam natin, Partner?" Tanong ni JJ.
"Humba na pata, Partner, ang niluto ko." Nakangiti kong saad ni JJ. Alam kong paborito niya yung humbang pata.
"Wow, my favorite. Namiss ko tuloy yung luto ni Nanay noon pag pumupunta kami sa bahay nyo." Nakangiting saad ni JJ. Madalas kasi silang pumunta noon sa bahay namin. Nakaclose din nila ni Nathan gaya ni Neri sina Nanay at Tatay ko ng maging kabarkada ko sila noong college kami.
"Pareho kayo ni Tatay na paborito yung humba. Harinawa kahit paano ay kalasa ng luto ni Nanay at ni Yaya Melda yung pagkakaluto ko nung humba." Saad ko. "Napressure naman tuloy akong bigla." Pabiro ko pang saad.
"Kahit ano pa ang lasa nyan, Partner, kakainin ko pa rin yan. Bukod sa paborito ko ang humba eh basta luto mo ay pasadong pasado sa akin. Ang sarap mo kayang magluto. Bukod sa magiging choosy pa ba ako samantalang inaalagaan mo na nga ako since day 1 na nagsama tayo." Ani ni JJ. Hinalikan pa niya ako sa pisngi ko at inakbayan pa niya ako habang papunta kami sa kusina.
"Gusto mo bang magluto ako ng adobo para may baon na tayong ulam bukas saka yung matitira nating humba ngayon?" Tanong ko kay JJ habang naghahain kami sa dining table.
"Pwede din naman para atleast may back up tayong ulam in case na hindi natin gusto yung food doon sa campsite na kasama sa booking natin." Tugon ni JJ.
"Sige, ilalabas ko na yung manok at liempo na nasa ref para lutuin ko mamaya. Pwede ba tayong magdala ng rice cooker?" Tanong ko.
"Pwede naman daw magdala ng mga lutuan saka may grilling station din doon. May libreng charcoal din daw sila sabi nung nakausap ko kanina." Saad ni JJ.
"Sakto pala dahil nagmarinate ako ng liempo at manok kanina. Balak ko kasing magbarbeque tayo bukas. Dalin na lang natin yun saka yung hotdog na nasa ref. Bili na lang tayo ng ice cubes para mailagay sa cooler. May cooler ako dyan." Tugon ko.
"Alam mo, Partner, kung sakali talaga na magaasawa ka eh ang swerte ng magiging asawa mo. Bukod sa beauty and brains ka na eh marunong ka din sa buhay." Nakangiting saad ni JJ.
Pwede bang ikaw na lang ang maging asawa ko, JJ? Ani ng puso ko. Ang lantud lang! Hahaha.
"Tinuruan kasi kami ni Nanay saka ni Yaya Melda ng mga gawaing bahay. Tinuruan din nila kami ni Ate Mhai na mamalengke para daw hindi kami kahiyahiya sa magiging asawa namin lalo na sa magiging byenan namin at para hindi din daw kami maisauli sa kanila ng mga magiging asawa namin kung sakali." Natatawa kong saad habang nagsasandok ng kanin at ulam. Si JJ naman ang naglalagay ng plato, baso, kutsara at tinidor na gagamitin namin.
"Kung pareho lang tayo na naniniwala sa love at ikaw ang magiging asawa ko eh never kitang isasauli kina Ate Mhai at.Yaya Melda, Partner. Kahit na wala kang alam sa mga gawaing bahay." Ani ni JJ.
"Weh? Maniwala ako sayo." Saad ko. Kahit na tila music to my ears ang mga binibitiwang salita ni JJ.
"Oo nga kasi ako ang magtuturo sayo ng mga gawaing bahay. Kasi di ba sabi nila na dapat sa isang relasyon ay give and take. Kung may pagkukulang man ang isa eh yung isa ang magpupuno. Gaya ng ginagawa natin ngayon. Pag hindi ka pwedeng magluto or maglaba dahil may shoot ka ay ako ang gumagawa dito sa bahay natin. Tulungan lang." Tugon ni JJ.
Bahay natin. Wow, ang sarap pakinggan.
"Kunsabagay. Kaso yun nga lang, pareho tayong hindi naniniwala sa love." Ani ko.
"Well, malay natin." Saad ni JJ na ikinakunot ng noo ko.
"Pafall ka na naman. Alam mo yon." Pairap kong tugon kay JJ.
"Sabi mo nga di ba dati na maraming possibilities na beyond our control na pwedeng mangyari. Gaya mo eh I am also open sa mga possibilities na pwedeng mangyari habang magkasama tayo." Nakangising saad ni JJ. Nakaupo na siya para magstart na kaming kumain. Nakatitig siya sa akin.
"Whatever. Kumain ka na dyan. Ilalabas ko lang sa ref yung lulutuin kong adobo." Ani ko pero ang totoo ay gusto ko lang munang umiwas sa titig ni JJ sa akin at ayoko din niyang makita na napapangiti ako dahil sa sinabi niya na open siya sa possibilities which include na pwede niya akong mahalin din. Huwag kang umasa, Alecxa. Paalala ng isip ko. Gusto kong umasa. Giit naman ng puso ko. Hays, magdiskusyon daw ba.
"Halika na dito. Alam mo namang gusto kong sabay tayong kumakain. Hindi ako kakain hanggat hindi ka kumakain din, Partner." Saad ni JJ. Nakasimangot siya na parang bata habang nakahalukipkip pa ang dalawang kamay niya sa tapat ng dibdib niya.
"Hay naku, Partner. Daig mo pa si Emem at si N2 na nagtatantrums." Kantyaw ko kay JJ. Ginaya pa niya lalo si N2 na nakanguso at nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin na ikinatawa ko. "Ayan na po. Kakain na din po ako." Ani ko habang umuupo sa tabi niya. Ngumiti na agad si JJ.
Sinandukan ko siya ng kanin sa plato niya na agad niyang nilagyan ng sarsa ng humba. Itinabi niya yung kutsara at tinidor na nasa gilid niya. Ah magkakamay siyang kakain. Nakita kong kumuha siya ng kapirasong karne at ibinilot niya sa kanin. Mayamaya ay itinapat niya ang kamay niya na may nakabilot na kanin at ulam sa akin.
"Partner, nganga." Ani ni JJ. Ngumanga naman ako at sinubo niya sa akin yung kanin na may ulam na nakaporma sa kamay niya. How sweet naman. Kilig overload na naman si Ako. Hahaha.
Pareho kaming nakakamay na kumain at nakataas ang isang paa. Siyang siya kami habang sinisimot yung karne ng pata. May times na nagpapasubo sa akin si JJ at sinusubuan din niya ako.
Natawa kami ng biglang dumighay si JJ ng malakas. "Ang sarap kasi ng luto mo, Partner. Napansin na nga nina Nathan at Neri na tumataba daw ako." Ani niya.
"Hindi ka naman tumataba ah. Maganda pa din naman ang hubog ng katawan mo, Partner. Fit ka pa din naman." Giit ko.
"Talaga, Partner? Hindi ka pa nagsasawa sa katawan ko? Pinagnanasaan mo pa din ako?" Diretsahang tanong sa akin ni JJ.
"Sira ka talaga, Partner. Kumakain tayo eh kung ano ano sinasabi mo dyan." Tugon ko para makaiwas sa tanong ni JJ.
"Basta sagutin mo yung tanong ko. Please, Partner." Naglalambing na saad ni JJ
"Hays. Hindi po ako nagsasawa sayo. Never po akong magsasawa sayo. Yumminess ka pa din sa mga mga mata ko." Tugon ko na ikinablush ko. s**t naman kasi. Bakit ba kasi iyon pa sinabi ko? Eh iyon naman talaga ang nasa isip ko at iyon naman talaga ang totoo. "Masaya ka na ba sa sagot ko, Partner?"
"Yes, Partner. Happy na ako lalo na dahil nagblablush ka. It means na nagsasabi ka ng totoo. Pinagnanasaan mo pa din ako." Nakangising sagot ni JJ.
"Ewan ko sayo, Partner. Kumain ka na nga dyan." Ani ko. "Kukuha lang ako ng inumin natin." Saad ko at agad na akong tumayo. Naiiling na lang ako habang nakangiti sa tuwing naiisip ko yung nakangising mukha ni JJ nung sinabi niya na pinagnanasaan ko siya. Kung alam lang niya na hindi ko lang siya pinagnanasaan. Mahal ko siya. Mahal na mahal kita, John Jacob Dela Fuentes.