Nakatitig lang sa akin si Tita Clay habang tinitignan ang reaksyon ko. Gano’n din naman ako sa kanya na hindi alam kung ano ang sasabihin. Pino-proseso pa ng isip ko ang sinabi niya. Kumakabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Kinalma ko ang sarili ko bago sumagot. “Ayoko, Tita..” mahinang sambit ko. Hindi nagbigay ng reaksyon si Tita na para bang inaasahan na niya ang sagot ko. “Are you sure?” she asked. Yumuko ako at dahan-dahang tumango. Para saan pa? 18 years akong nabuhay nang walang ama, ngayon ko pa ba kailangan? “Caroline, I want you to think carefully about your decision.” malungkot ang mga mata habang sinasabi iyon. Nalulungkot siya dahil umaasa siyang magkakaayos kami. “Sigurado ako sa sagot ko, Tita. Hindi na mababago ‘yon. Ano ang magandang mangyayari kapag

