“Ayoko na, Atlas.” wika ko matapos uminom ng tubig. Napangiwi na lang ako nang makitang nilalagyan niya pa ng pagkain ang plato ko. “You should eat more,” aniya. Umiling ako. “Ayoko na, busog na talaga ako.” sambit ko. “Fine,” he sighed. Kumuha siya ng table napkin at saka walang pag-aalinlangan na pinunasan ang gilid ng labi ko. Seryosong-seryoso ang kanyang mukha habang ginagawa iyon. Nagwala na naman ang puso ko. Nang matapos siya at tumikhim ako dahil nailang at nahiya ako. Pakiramdam ko ay namumula ang buong mukha ko. Simple lang naman yung ginawa niya pero ang lakas ng epekto sa akin. Magsasalita sana ako dahil may bigla akong naalala nang maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa bag. Kinuha ko iyon at nakita ang isang text message na galing kay Vincent. From: Vince

