5 months later The school year ended. Sobrang daming nangyari sa loob ng limang buwan. Hindi rin ako makapaniwala na limang buwan na ang nakalipas mula noong nagkausap kami ng Papa ko. That was the best day of life. Hindi ko pinagsisihan na binigyan ko siya ng pagkakataon noon. Hindi mangyayari ang lahat ng ito at hindi kami magkakasama kung hindi ko siya pinakinggan noon. Gaya ng inaasahan ko, nawala ang mabigat na nakadagan sa dibdib ko noong makausap ko siya. Sobra ang pasasalamat ko kay Tita Clay at Atlas dahil sila ang mga taong nagkumbinsi sa akin na kausapin siya. Ngayon ay walang paglagyan ang kasiyahang nararamdaman ko. “Your birthday is near, I want to throw a party for you. Only relatives are invited.” Nasa hapag kainan kami ngayon ni Papa at kumakain ng breakfast. Hindi

