Masaya naman ako these past few days dahil kasama ko si Atlas. Kahit minsan naiinis ako dahil sa mga panunuya niya sa’kin. Bumabawi naman siya, binibigyan niya ako ng bulaklak at chocolates. Hindi mawawala ang Milkita lollipop at candy na hindi yata siya nauubusan. Tinupad nga niya ang sinabi niya na manliligaw siya. Kahit isang beses wala akong narinig sa kanya na pagtatanong kung kailan ko siya sasagutin. Usually kasi sa mga lalaki ay gano’n, hindi maiiwasang magtanong kung may pag-asa ba o wala. Pero hindi si Atlas, never niya akong ni-pressure about sa pagsagot ko sa kanya. Sinubukan ko siyang tanungin tungkol doon at ang sabi niya.. “Saka mo na ako sagutin kapag hulog na hulog kana sa akin,” Kahit puno siya ng kayabangan ay hindi ko maiwasang hindi matawa. Masaya ako pero aami

