bc

Underneath the Umbrella

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
others
independent
brave
self-improved
drama
sweet
lighthearted
genius
first love
school
like
intro-logo
Blurb

Anicka has a timer on her left wrist which will lead her to find her soulmate. Pero paano kung ang soulmate niya ay hindi siya ang soulmate? O kaya naman...

Paano kung soulmate nga nila ang isa't-isa pero may mahal naman itong iba?

chap-preview
Free preview
Prologue
PROLOGUE "Ano'ng ginagawa mo?" Umupo ako sa sofa habang lumalamon ng Calbee. Dinudungaw ko ang ginagawa ni Yanni. Nakaupo siya sa lapag habang nakapatong naman sa center table ang mga nagkalat na drawing materials. "Shuta! May art ba na ipapasa sa Contemporary? Bakit hindi ko alam?" nagpapanic na tanong ko nang walang matanggap na sagot mula sa kaniya. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa para sana i-check sa to do lists ko kung may nakaligtaan ba akong gawin, kaso naunahan na ako ni Yanni. "Wala to. Trip ko lang." Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko! Muli ko'ng sinilip ang ginagawa niya. Mukhang patapos na siya, ah? Kukulayan na lang niya yung ibang parte, tapos pwede na. Isang gwapong lalaki ang nakaguhit sa papel. Kulay blue ang mga mata nito. "Siya na ba yung soulmate mo?" tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya agad. Ang kakayahan ni Yanni upang makilala ang soulmate niya ay sa pamamagitan ng panaginip. Napapanaginipan daw niya yung past life nila noong soulmate niya at base sa kwento nito saamin, pinapahiwatig nitong gwapong lalaki na miss na miss niya na si Yanni. Sweet 'di ba? Sana all. "Kailan ko kaya siya makikita at makikilala?" tanong niya out-of-the-blue habang nakatingin doon sa dinrawing niya. Napataas ang kilay ko. "Aba, malay ko! Po-problemahin ko pa ba ya'ng lovelife mo?" Ako nga hindi pa nakikilala ang saakin, tapos magtatanong siya ng ganyan! Bastusan? Dahil sa sinabi ko, nakatanggap ako ng mahinang sabunot sa kaniya. Dahil over-reacting ako na tao, um-aray ako kahit hindi naman masyadong masakit. Sinamaan ko siya ng tingin at akmang gaganti ng sabunot nang biglang sumulpot si tita Anna habang may dala-dalang isang tray ng juice. Si tita Anna ang mommy ni Yanni at nandito ako ngayon sa bahay nila. Actually, lima kaming magkakaibigan. Yung tatlo ay kakatext lang na 'otw' na daw sila. Hindi ko alam kung anong klaseng otw ba 'yon. On the way ba, or on the water? Gaga mga yun, e! Kaagad akong napatuwid ng upo at pinagmasdan si tita na ilapag 'yon sa center table. Kasalukuyan na ring tinatabi ni Yanni ang mga drawing materials niya. Binelatan niya ako bago umakyat papunta sa kwarto niya para doon ilagay ang mga gamit. Pasimple ko siyang pinakyu-han bago muling harapin si tita. Bigla naman akong naglaway nang maglapag siya ng nachos doon sa center table. My favorite! "Feel at home," ngiti nito. Masaya akong tumango. Noong bumalik na siya sa kusina, doon ako nagsimulang lumamon ng paborito ko'ng nachos. Nang isusubo ko na ang pang-limang nachos ay may kamay na umagaw noon saakin at mabilis na pinasak sa bibig niya. Sinamaan ko ng tingin si Angel na kadarating lang. Sa likod niya ay sina Jade at Mika na tinatawanan ako. "Hay nako, nagsama ang dalawang PG!" parinig ni Jade at umupo sa isang sofa sa harap. "Anong PG, ha? Patay gutom?!" angil netong si Angel na nakatayo sa gilid ko. Palaban rin, e. Umismid naman si Jade. Napansin ko na umiinom siya ng milktea. Ah, kaya pala na-late dahil bumili muna. "Hindi, no! PG as in paganda!" asik nito. Susugurin na sana siya ni Angel nang biglang bumaba si Yanni at pinigilan kaagad sila. Although biruan lang naman ang away na 'yon. Tsaka ako? Paganda? Hindi ako paganda dahil maganda na talaga ako! "Bakit mo pala kami pinapunta rito?" tanong ni Mika kay Yanni. "Wala, bonding lang." Tinignan ko si Angel at napansin na may benda ang kanang paa niya. Napairap ako dahil sa tuwing nakikita ko siya ay palagi siyang may iniinda. "Siguro noong nagpa-ulan si Lord ng katangahan, nasalo mo lahat!" gigil kong sambit sa kaniya saka hinatak ang buhok niya. Napatingin naman saamin yung tatlo. "Hindi ko sinalo lahat!" tanggi niya. "Hinatian kita!" "Aba't—" "Tama na 'yan!" As usual, referee si Yanni sa anumang mini-fight naming apat. "Napano 'yan?" baling niya kay Angel. "Yung soulmate ko, siguro naaksidente or what? Kasi pagkagising ko kaninang umaga masakit na yung ankle ko." Angel and her soulmate are way connected in terms of physical pain. Kung ano ang nararamdaman na physical pain ni Angel ay mararamdaman din ng soulmate niya and vise versa. Mawawala lang ang bisa no'n once na magkita na sila. Kapag nagdikit na ang mga balat nila. "Feeling ko kapag nagkita kayo, sasapakin ka ng soulmate mo. Kadalasan kasi ikaw ang clumsy. Bigla na lang natatalisod ampota," singit ni Jade. Napakatabil talaga ng dila nito minsan. "Eh ikaw? Baka ubusin no'n ang buhok mo. Kapag trip mo nagpapakulay ka. Noong minsan, rainbow pa! Paano kung may importanteng lakad pala yung soulmate mo tapos mukha siyang unicorn dahil sa kagagawan mo?" ganti naman ni Angel. Wala talagang nagpapatalo sa dalawang 'to. Si Jade naman, connected sila ng soulmate niya sa color ng hair. Kapag nagpakulay si Jade ng buhok, matik ng gano'n din ang magiging kulay ng buhok ng soulmate niya. And vise versa. And again, mawawalan yo'n ng bisa kapag nagkita na silang dalawa. "Atleast, sainyo madali lang. Eh, saakin? Ilang lalaki ba ang may initials na AD?" singit ni Mika sa usapan. Hinarap niya saamin ang palad niya. At kapansin-pansin doon ang dalawang letra na parang tattoo na sa palad niya. AD. Ang kakayahan ni Mika na makilala ang soulmate niya ay sa pamamagitan ng initials na 'yon na nakaukit sa palad niya. Ngunit gaya nga ng sabi niya, ilang lalaki sa buong mundo ang may ganoong initials. Saang lupalop naman niya 'yon hahanapin? "Gaga! E'di halikan mo lahat ng AD para magkaalaman na!" suhestiyon ni Jade kaya nakatanggap siya ng flying pillow mula kay Mika. Para malaman ni Mika na 'yon ngang lalaking 'yon si AD, kailangan niya itong halikan. At kung ang lalaki nga na may AD na initials ang AD na nasa palad ni Mika, lilitaw doon ang buong pangalan ng lalaki. Pero ang masaklap nga, kung hindi yung AD na 'yon ang AD na nasa palad niya, walang lilitaw na full name sa palad ni Mika at mananatili lamang 'yon na initials. So medyo nakakadiri nga kung hahalikan niya lahat ng AD. Baka bad breath pa. "Dami niyong hanash! Kamusta naman ang kay Anicka, ano?" sabi ni Yanni kaya yung tatlo naman, napatingin saakin, tapos ay sa left wrist ko. Mula nang pinanganak ako, mayroon na raw akong timer sa left wrist. Kusa itong hihinto kapag nakilala ko na ang soulmate ko. Kapag nahawakan ko na siya. Oo, dapat nahawakan muna. As of now, 18 years, 1464 hours, 58 minutes and 12 seconds na pero hindi ko pa rin nakikilala ang soulmate ko. Usually, ang mga ganitong kakayahan ay namamana sa mga magulang. Ganito kasi ang kay mommy, timer rin. Parang madali 'di ba? Kapag tumigil at nahawakan mo siya, yun na? Kaso hindi. Iba kasi ang kakayahan ni daddy no'n. Compass ang way niya noong nahanap niya si mama. Itinuro ng compass na 'yon si mama. Kaya ako, hindi ko alam kung anong klaseng kakayahan mayroon ang soulmate ko para matukoy niya na ang tao na nga na 'yon ang soulmate niya. Na ako na. Disadvantage ng mga timer na kakayahan ay iba ang kakayahan ng soulmate nila. Kaya hindi rin madali. Hindi katulad ng kanila Yanni, Angel, Mika, at lalong lalo na ang kay Jade. Ikinakatakot ko sa kakayahan ko na ito, na paano kung nakilala ko nga ang soulmate ko, pero hindi naman pala ako ang soulmate niya? O kaya naman... Paano kung nakilala na nga namin ang isa't-isa pero may mahal naman siyang iba?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.1K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook