Chapter 1: Unexpected
Arshen's PoV:
"HAY nako, fren! Bakit nakabusangot na naman 'yang mukha mo ha?" Luxxe said.
Napanguso naman ako dahil doon. Hmp. Grabe naman si Luxxe. Nanahimik na nga ako rito sa gilid eh. Napansin pa talaga nya.
"Hulaan ko, lovelife na naman ang iniisip mo noh?" Saad ni Laney na ngayon ay nakangisi na.
Wala na. Finish na. Bakit alam nila agad na 'yun nga ang iniisip ko? Ganon na ba ako ka-transparent sa kanila? Huhuhu.
I groaned in annoyance. "Ugh! Kelan ba kasi ako magkakaboyfriend?" Iyan na iyan ang hinanakit ko ngayon. Actually, matagal ko ng problema 'yan.
Baka naman may maibigay kayong tips sa akin dyan. Badly needed ko na kasi.
In my whole life existence, never pa akong nagkajowa which is sobrang nakakainis. Ano bang kulang sa akin? Ang cute-cute ko kaya. Hmp. Marami rin akong alam na gawin.
Kumbaga, whole package na kaya ako.
Hindi ako desperada.
Gusto ko lang talaga maramdaman na mapunta sa isang relationship. Pagod na kaya akong maging single.
Gusto kong maranasan na may ka-date.
Gusto kong maramdaman 'yung butterfly chuchu sa stomach.
Gusto kong mafeel 'yung sinasabi nila na para kang nakukuryente kapag nahahawakan mo 'yung partner mo. Ang weird noh? May electricity na nagaganap.
Base lang lahat 'yan sa nababasa at napapanood ko ha.
Naputol ang aking pag-iisip nang marinig kong nagtawanan ang dalawa kong kasama. Wagas kung makatawa, grabe.
"Bawas-bawasan mo kasi 'yang pagka-hilig mo sa libro, girl. Kaunti lang ang nag-eexist na mga scene dyan sa real world." Luxxe said.
"Oo nga. Face the reality. Atsaka, try to socialize and interact more with people. Alisin mo na iyang hiya mo at mag-first move ka na sa crush mo." Laney said habang tumatango-tango.
Napabuga na lang ako ng hangin sa kawalan. Sana nga madali lang 'yung gawin. I can classify myself as an introvert person unlike them na napaka-extrovert.
May confidence naman ako pero aloof talaga ako sa mga tao.
I'm okay with that kahit na kaunti lang ang set of friends ko. Atleast, hindi masyadong pasakit sa ulo.
"Ang hirap kaya. Hindi ako sanay. Atsaka ayun na nga eh, paano ako magfifirst move kung wala akong crush?" Tanong ko habang nagkakamot pa ng ulo. Kanino ako kikilos aber?
I heard they giggled again.
Ano bang nangyayari sa dalawang 'to? Hindi naman ako nagjoke ah. Tatawag na ba ako ng doctor para ipatingin sila?
"Malala ka na talaga." They said in unison.
Tuluyan na akong napasimangot dahil doon. Does that mean na mahihirapan talaga akong makahanap ng boyfriend? Huhu.
Marami naman akong suitors pero kasi... Hindi ko sila type eh. Oo na, may pagka-demanding at pagka-choosy nga ako.
"Aha! Alam ko na!" Luxxe suddenly said na para bang may pumasok na isang ideya sa kanyang isipan.
Kapag talaga 'yan hindi maganda ha, lagot sya sa akin.
"Baka naman kasi girlfriend ang para sayo, Arshen."
Nanlaki bigla ang mata ko dahil sa aking narinig. What the? Ano bang sinasabi nya?
"Ang brilliant mo roon, Luxxe!" Tuwang- tuwang turan ni Laney. "Kung hindi pwede sa boy, edi sa girl. Baka 'yun talaga ang plano ni destiny sayo." Dagdag pa nya.
They're both wiggling their eyebrows on me. Napasapo na lang ako sa aking noo. Hay nako. Mas lalong nadagdagdagan ang stress ko sa dalawang 'to.
"Huy! FYI, straight as a pasta kaya ako noh." Giit ko pa. Hindi naman ako homophobic pero 'yun kasi ang knows ko so far.
Napaisip naman ako bigla. Hmm... May mga times nga na medyo naaattract ako sa mga girls. Ang pepretty kasi nila. Minsan may something sa kanila na hindi mo maiwasang hangaan.
Pero that doesn't mean that I'm into girls.
"Pero diba ang pasta kapag naiinitan, bumabaliko rin?"
I bit my lips. Bakit pakiramdam ko ay nag-iinit bigla ang pisngi ko dahil doon? Maybe because of embarassment.
Aish. Ayaw ko na. Suko na ako sa kanilang dalawa.
"Change topic na nga! Anong gagawin natin dito sa mall ngayon ha?" Masungit kong saad sa kanila. I know na titigil sila kapag ganitong tono na ang gagamitin ko hihi.
"Ano pa bang gagawin natin dito?"
"Edi boys hunting!" They both said again in unison. "Hahanapan ka namin ng crush."
Before anything else, Arshen Leigh Rivas is my name. Third Year College, studying BS in Civil Engineering. Wala naman akong problema sa studies ko so far.
My friends are the one na kasama ko ngayon. Luxxe Veron Sandoval at Laney Entice Marfori ang pangalan nilang dalawa.
Katulad ko ay 3rd year college na rin silang dalawa. Sa course lang talaga kami nagkakaiba-iba.
Ang taray diba? Bonggang-bongga.
"Ayun oh! Bet mo ba 'yun ha?" Laney said habang tinuturo ang isang direksyon. Mabilis kong sinundan ang kanyang tinuturo. Napaface-palm na lang ako.
"Nakakahiya ka naman, Laney." I whispered dahil landakan talaga sya kung manuro. Nakatingin na nga sa amin si Kuya eh.
"Kuyang nakablue! Ito 'yung crush mo oh." Sigaw ni Luxxe at ako pa :yung tinuro.
Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa huhu.
Bago pa madagdagan ang kahihiyang ginagawa nitong dalawang 'to, mabilis ko nang hinila ang kanilang kamay papaalis.
"Stop na muna tayo sa boys hunting na 'yan. Ienjoy naman natin na andito tayo sa mall." Suwestyon ko sa kanila.
They both nodded their head as an answer.
We spent our remaining time in the arcade. Wala, puro laro lang kami nang laro. Ang saya-saya nga eh. Nagwindow shopping din kami. Tamang tingin-tingin lang muna sa mga products.
Suddenly, nararamdaman ko ang tawag ni nature. I want to pee, asdfghjkl.
"Luxxe, pumunta tayo ng restroom." Pagkalabit ko kaso ang babaita, ayun at pokus na pokus sa nilalaro nya.
"Laney, samahan mo naman ako." I said.
"Sige, pagkatapos nito."
Napanguso naman ako dahil doon. Huhuhu. Aabutin pa ng syam-syam pagnatapos nya 'yan eh. She's good at playing time crisis kasi.
So para wala ng g**o, I decided na ako na lang mag-isa.
Kaya mo 'yan, Arshen! Strong independent woman ka, remember?
Pasipol-sipol pa akong naglalakad sa pinakamalapit na restroom. Hay nako.
I don't know why pero minsan ay nahihiya ako na mag-isa lang. Ewan ko ba. Ang weird ko rin noh.
Suddenly, isang pintuan ang napansin ko. There's something urging on me na dapat kong puntahan 'yun. Siguro ay dahil sa tagal kong nagpupunta rito sa mall ay ngayon ko lang ito nakita.
Aha! Alam ko na, baka riyan nakalagay 'yung mga staffs na namamahala sa CCTV. Yeah, right.
Napailing na lang ako sa kawalan at pumasok na nang tuluyan sa restroom.
Hindi ko maiwasang mapalunok nang mapansing ako lang pala ang tao ngayon dito.
Parang ganto 'yung napapanood ko sa movies na may lumalabas na nakakatakot ah.
Fudgee bar. Why naman ganon? Siguro kasi hindi ito pansinin? Pero ang ganda-ganda kaya ng facilities dito. Mas upgraded sya kung ikukumpara sa ibang restroom na naririto sa mall. Kaya nga ito 'yung lagi kong pinupuntahan eh.
I shrugged and just minded my business. Mas maganda na 'yung mabilis ako rito.
When I'm done, I quickly made my way to the mirror.
"Shet! Ang cute mo talaga, Arshen! Kelan ka kaya magkakajowa?" Natatawa kong turan sa aking sarili.
Lord, pahingi naman po ng sign!
I started to wash my hands. Cleanliness at its finest tayo rito ha. Minutes later, I'm done na.
I turned around when suddenly, I bumped into someone.
Hindi naman ito masyadong malakas pero kasi...
"f*****g s**t!" Someone cursed. Napatungo naman ako dahil doon. Ramdam na ramdam ko ang diin sa kanyang tono.
Hindi ko maiwasang mapalunok dahil doon. Hay nako! Ang tanga-tanga mo talaga, self!
"I... Err... I'm sorry. I'm really sorry." Paghingi ko ng patawad dito sa nabangga ko. I want to slap my face nang mapansing may hawak pala syang coffee at natapon ito sa kanyang suot na silk dress
Aish. Bakit kasi hindi ko man lang naramdaman yung presence nya sa likod ko? At bakit nasa likod ko sya ha?
"Anong magagawa ng sorry mo eh natapon na 'yung coffee ko huh?!" She exclaimed.
I bit my lips at naglakas ng loob na iangat ang aking tingin.
My eyes widen in shock and my mouth gaped when I saw a gorgeous woman.
Damn. Ang ganda nya!
I know na hindi ito ang tamang oras para hangaan ko sya pero...
She's really beautiful! I started to examine her features. They're all perfect and I can't find any flaws on it. Even though nahaharangan ng buhok nya ang right side ng kanyang face.
Wait. Ano 'yun? Scars? Ay ewan, hindi ko maidentify eh.
Isang bagay lang talaga ang nakaagaw ng pansin ko.
Her right eye!
Kahit na natatakpan 'yun ng buhok ay nakikita ko pa rin. Contact lens ba 'yun? Para maiba lang? Ang weird kasi reptile ang klase nun. Parang sa snake lang.
"Mygoodness! Stop staring at me!" She exclaimed na syang nakapagpabalik sa akin sa reyalidad.
Nahuli nya pala ako huhu.
I heaved a sigh and gathered all my courage. Kinuha ko ang aking panyo at sinimulang punasan ang lugar na natapunan ng kanyang coffee.
Maingat kong ginalaw ang aking kamay nang biglang..
*Pak!*
Isang kamay ang naramdaman kong dumapo sa aking pisngi.
"p*****t!" Galit na galit nitong turan.
I can feel that my cheeks are burning from embarassment. 'Yung bandang chest na pala ang napupunasan ko.
Pero hindi ko naman sinasadya 'yun eh! Huhuhu. Pinupunasan ko lang talaga 'yung coffee.
Agad akong lumayo sa kanya.
"Sorry talaga. Ay shet, hala! Ayun si Wonderwoman oh!" At itinuro ang isang direksyon. "Sige na, babush na muna sa ngayon."
Mabuti na lang talaga at naniwala sa akin si ate girl hihi.
Mabilis akong naglakad papalayo sa pinangyarihan ng krimen. Oo, krimen talaga.
Hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko syang sumigaw.
"You're doomed when I found you!"
Sign 'yung hinihingi ko pero bakit problema ata ang binigay sa akin huhu.