Arshen's PoV:
"Ugh! Finally, makakakain na tayo." I said at nag-unat pa.
Hindi ko maiwasang maging masaya ngayon. Mabuti na lang at nakasurvive ako sa akong mga past subjects. Ang sakit nila sa ulo sa totoo lang. Para ngang naging combo eh.
"Oo nga, fren. Ito na ata ang favorite kong time sa schedule ko." Laney said while wiggling her eyebrows. Me and Luxxe both giggled because of that.
"We deserve a reward so come on, vababos, everybody let's go." Energetic na turan ni Luxxe. Napatampal naman ako sa aking ulo. Mygoodness. Kanta 'yun ni Dora ah.
Pero infairness, nakakamiss ding manood nun at maging explorer hihihi. Alam ko namang halos lahat sa atin ay nakapanood ng Dora.
Just what she said, we started to make our way towards the cafeteria. Napalinga-linga naman ako sa paligid. Maraming estudyante ang nakikita ko ngayon sa hallway. Actually, nagkalat pala sila.
Katulad ng aking ine-expect, marami ring tao sa loob ng cafeteria. Hindi ko maiwasang mapakunot-noo. Ang weird lang kasi. Bakit parang mas marami ngayon?
"Gosh. Ano bang meron?" I asked my friends pero nagkibit-balikat lang silang dalawa na nangangahulugang hindi rin nila alam. Bakit naman kasi hindi kami na-inform?
Napailing na lang ako sa kawalan. Imbes na isipin pa namin 'yun, napagdesisyunan na lang naming tatlo na magsimula nang maghanap ng upuan. Ilang sandali lang ang nakalipas at nakahanap naman kami. Actually, 5 seaters nga sya. May pasobra.
"Anong mga order nyo, mga fren?" Pakiramdam ko'y nagningning ang aking mga mata dahil sa sinabi ni Luxxe. At alam kong ganon din si Laney.
"Libre mo ba?"
"Gaga, hindi. Hmp. Ako lang bibili sa inyo dahil good mood ako." She said at umirap pa. I giggled because of that. Sige na nga, baka magbago pa ang isip ng isang 'to eh. Nakakatamad din kayang pumila noh.
"1 order ng spaghetti tas coke in can sa akin." I said at ibinigay sa kanya ang bayad.
"Isang mocha cake sa akin then Sprite."
Agad nang umalis si Luxxe pagkatapos non. Now, it's just me and Laney ang naiwan dito sa table.
"Arshen, tell me. Bakit parang good mood ka rin katulad ni Luxxe?" She said. "Am I missing something? Nagogolow ka rin kasi." Dagdag nya pa.
Automatic na nanlamig ang aking katawan dahil doon. I gulped. Ngayon ko lang naalala na malakas pa lang mang-asar ang isang 'to. Nako po.
A mischievous smirk was plastered on her face while looking at me.
Sa totoo lang these past few days, ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. You know that feeling na excited ka pero hindi mo alam kung bakit?
Aish. I need to come up with the safest answer.
"Ano bang klaseng tanong 'yan?" At awkward pang tumawa. "Masaya lang ako kasi happy ending 'yung mga nababasa kong story." Isa rin 'yan sa mga factors.
"Atsaka, hindi naman ako ilaw para magglow noh." Tama naman ako diba? Never naman akong magiging ilaw.
Nakita kong napaface-palm naman sya. "Ugh! That's not what I meant. Do you have someone na ba?" playful nitong turan sa akin.
Suddenly, nagflash sa isipan ko ang mukha ni Yana. At as usual, nakakunot na naman ang kanyang noo at masama ang timpla.
Ang weird naman. Bakit bigla-bigla na lang syang nag-aappear sa akin? Ugh! Siguro ay may ginawa sa akin ang babaeng 'yon. Hmp.
"Oops. Mamaya mo na lang pala sagutin pagdating ni Luxxe para isang chikahan na lang."
In an instance, nakita ko na lang na papunta na rito sa direksyon namin ang aming kaibigan dala-dala ang mga order namin.
Gosh. Nakakatakam naman.
"Here's the food, mga fren. Enjoy." At isa-isang ibinigay sa amin.
"Thank you so much, fren. Tiwala lang, gaganda rin ang daloy ng lovelife mo." We both said. Nakita kong napasimangot naman sya dahil doon. Well, mind you guys, tapos na kasi sila ng ka-MU nya last week.
Nagsimula na kaming kumain ng tahimik. Ganito kami. Galit-galit muna. Heto ako ngayon at ineenjoy ang pagkain ng spaghetti. Feel ko ay nasa commercial ako eh.
Naputol lang ang aking moment nang marinig kong tumili si Laney.
"Oh my! Si Miss Yana!" She exclaimed while pointing at something. I can feel that my heart skipped a beat. May part sa akin na gustong tumingin at syempre meron ding hindi.
I gulped.
"Owemji! Is that Blake?" Hirit pa ni Luxxe. Automatic na napahinto ako sa aking pagkain. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad na nagbaling ng tingin sa direksyon na tinuturo nila.
And there I saw Yana, eating with her friends. She's really gorgeous. Kahit wala naman syang ginagawa. Ganon talaga siguro kapag pinagpala ni Lord.
My eyes squinted to the guy who's making a way towards her. Hindi ko maiwasang mapataas-kilay. Si Blake' yun. He's one of the popular boys here in our University. Of course, may itsura at varsity player din sya ng basketball team sa amin.
Cliche as it seems pero he's holding a bouquet of flowers pati na rin ng chocolates. At mukha atang ibibigay nya 'yun kay Yana.
Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko nagugustuhan ang idea na 'yun.
"Fren, bakit nakasimangot ka naman dyan?" Bakit hindi ko man lang napansin 'yun? Isang pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanila at itinuon muli ang aking atensyon sa nangyayari.
Unti-unting nawala ang ingay ng crowd. Halos lahat ay nakatutok sa iisang bagay.
"Flowers for you, my love." Blake said showing his precious smile.
Pero nanatili lang ang walang emosyong expression ni Yana. "Excuse me? Mukha ba akong patay sa paningin mo para bigyan ng flowers?" Diretsahang turan nito.
Gusto kong matawa ngayon sa totoo lang. Basag kasi eh. Minsan may maganda rin palang dulot ang pagkaprangka nya.
Blake looks embarrassed lalong lalo na at maraming nakatingin. Napatikhim sya.
"That's not what I mean. I gave this bouquet dahil gusto ko."
"I came here because I want to say that I like you. Oh scratch that, I love you."
Napaismid naman ako. Che! May pa I love you pa syang nalalaman ha.
"Okay na sana 'yung chocolates kaso may raisins. Sayang." Yana said. Hmm... kailangan kong itake note 'yun. Wait. Pero para saan?
"Oh.. It's okay. Bibili na lang ako uli for you. So, can I court you, my love?"
Sukat doon, nakita naming lahat kung paano nag-iba ang timpla ng mukha ni Yana. "No freaking way! And stop calling me that way. Nakakakilabot."
I heard the crowd gasped in a teasing way. While me, I smiled. Nangangahulugan kasi 'yun na binasted or more specifically, wala na talagang chance si Blake sa kanya.
Parang nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon.
Bagsak ang balikat na naglakad papaalis si Blake. Sa totoo lang, hindi lang sya ang nagtangkang manligaw sa babaeng masungit na 'yun.
Suddenly, nagtama ang mata naming dalawa. My eyes widened in shock at agad na nag-iwas ng tingin.
Nako po. Baka kung ano pang isipin ng isang 'yun.
I shooked my head at ipinagpatuloy na lang ang naantalang pagkain ko. Habang kumakain, isang presensya ng tao ang naramdaman kong nasa aking likuran.
I glanced at my friends at para silang nastarstruck. Oh shoot! Hindi ko alam kung bakit pero may hint na ako kung sino man 'yun.
"Can I sit here?" Asdfghjkl! That voice! Sya nga. Mygoodness.
"S-Sure, Miss Yana." Nauutal na turan ni Luxxe at agad na tumayo. She sat beside Laney.
Napapikit ako nang mariin. Hindi ko alam kung nakikipaglaro ba sa akin ang tadhana o hindi eh.
Ilang sandali pa, naramdaman kong may umupo sa aking tabi. I can smell her addictive scent. Damn.
"Hindi mo man lang ba ako titignan, Arshen?" She whispered on my ears. Trust me, kakaibang feeling ang naramdaman ko dahil doon. Maybe, kinakabahan lang ako.
Dahan-dahan akong nagbaling ng tingin sa kanya.
I was about to say something when she leaned closer...
And licked something beside my lips.
Automatic na nanlaki ang aking mata dahil sa ginawa nya. Ugh! Feeling ko ay anytime, pwedeng-pwede akong mahimatay dahil sa ginagawa nya.
Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi.
Argh. Ano bang pumasok sa isip ni Yana?
At ginawa nya 'yun dito sa cafeteria wherein maraming mga mata ang nakatutok sa kanya. For sure ay nakita nila 'yun.
I just hope na wala silang isipin na iba huhu.
"May naiwang sauce ng spaghetti malapit sa lips mo. Tinulungan lang kitang alisin 'yun." Isang mapaglarong ngisi ang nakapaskil sa kanyang labi.
I sigh in disbelief. Nakakaloka. Ang lakas ng trip nya.
"Pwede mo namang sabihin na lang sa akin. Hindi mo na dapat ginawa 'yun." Kahit saglit lang, I can still feel her tongue on mine. Asdfghjkl.
"Nagrereklamo ka ba?" Now, nakataas na ang isa nyang kilay. Napailing na lang ako sa kawalan.
I'm minding my business nang maisipan kong tanungin sya bigla.
"Yana, bakit nga pala nandito ka?" Mahinang turan ko na kami lang ang makakarinig. Busy naman ang aking mga frenny kaya okay lang.
"I just want to. Bakit? Ayaw mo ba?" Balik-tanong nito sa akin.
"Oo ayaw ko."
She looked at me with disbelief. "Gosh. Are you serious? Ako na nga 'tong lumalapit sayo tapos ayaw mo pa? So unbelievable."
Oo, seryoso talaga ako. Nanahimik ako dito tapos bigla syang dadating at guguluhin 'yung buhay ko. Ugh! Pati na rin pala ang puso ko. Ang bilis kasi ng t***k.
"Don't you worry, you'll get to touch ny thighs naman." Bago pa ako nakaalma, naramdaman ko na lang na kinuha nya ang aking kamay at inilagay ito sa kanyang hita.
Aaaahhh! Bakit ba ako napunta sa gantong sitwasyon? Huhuhu.
"H-Hey, ano ba talagang gusto mo?" Kapag kasi tumagal pa ako, talagang mahihimatay na ako sa pinaggagagawa nya.
"Nothing. Relax at ienjoy mo na lang, Arshen. You can caress it if you want." She said in a seductive tone. Ramdam ko ang namumuong tensyon sa pagitan naming dalawa.
Napailing na lang ako sa kawalan. Wala akong choice kung hindi sapilitang tanggalin ang aking kamay mula sa kanyang hita.
I looked at her and reached for her hand.
"I rather hold your hand like this than to hold your thighs, Yana."
Mas comfortable, mas masarap sa feeling.
Hindi nakatakas sa aking paningin ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi kahit na saglit lang 'yun.
"Then be it, Arshen. Don't remove your hand on mine hanggang matapos ang break time." And so we did. Magkasaklop ang aming mga kamay hanggang sa matapos kaming kumain.