Arshen's PoV: "Mygoodness, Samantha! Bakit mo naman sinabi kay Yana 'yun?" I exclaimed sa babaeng ngayon ay prenteng-prenteng nakaupo hindi kalayuan sa akin. Parang wala lang sa kanya ang lahat eh. Hay nako. "Ugh! Sinisigawan mo ba ako, Arshen?" Nakataas-kilay nitong turan sa akin at nag crossed arms pa. She's also sending me her death glares. Napahilot ako sa aking sentido. "That's not it... It's just that——— f**k!" Gosh. Ang hirap talaga kapag may takot ka sa kausap mo noh? Mapapatiklop ka talaga. Kakaiba rin kasi ang isang 'to. Nagbubuga rin na parang dragon kaya mahirap galitin. "Tss. Tinrigger nya ako and I'm also annoyed that time. Masisisi mo ba ako?" Nakaismid nitong asik. Tumayo sya at naglakad papunta sa aking kinaroroonan. "Ano bang kinakabahala mo riyan, Arshen?" I heav

