Arshen's PoV: "Miss Engineer, don't forget later ha. Punta ka." Hindi ko maiwasang mapataas-kilay dahil sa sinabi nya. Nakailang beses na bang sinabi sa akin ng secretary ni Yana 'yan? Grabe. Naka-unli ba sya ha? "Oo, pupunta nga ako mamaya. Wag mo nang ipaalala." Masungit kong turan sa kanya. She giggled. A playful smirk suddenly formed on her lips. "Wag mong kalimutan na magdala ng date. If you want, pwede naman siguro si Ma'am Yana." Napasapo na lang ako sa aking noo. Aish. Isa pa pala 'yun. I need to bring a date to the party. Hindi ba pwedeng ako na lang mag-isa? Single naman ako eh. "Noted. Doon ka na nga. Marami pa akong gagawin." Yana's secretary raised both of her hands na para bang sumusuko. Mauti na lang talaga at sinunod nya ako. She started to walk towards her table.

