Arshen's PoV: "Gosh. Yana, seryoso ka ba talaga? Hindi na ba magbabago ang isip mo?" Hindi kasi ako makapaniwala. "Ayaw mo bang dito na lang muna?" Dagdag ko pa. Ibinaling nya ang kanyang atensyon sa akin. Matalim na irap ang natanggap ko mula sa kanya. She crossed her arms habang matamang nakatingin sa akin. "Tss. Idiot. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi nga? Ayaw mo ba akong kasama ha?" Masungit nitong turan. I bit my lips. Should I tell her the truth? Eh kasi nagtatanong naman sya diba? "O-Oo, ayaw ko nga." Nagdadalawang-isip kong sagot sa kanya. Kitang-kita ko kung paano nagbago ang kanyang expression. Uh-oh. Mukha atang hindi nya nagustuhan 'yung sinabi ko. "And why is that huh?" Magkasalubong na ang dalawa nyang kilay. Masasama na rin ang mga tinging ibinabato nito

