"Nagbibiro lang kayo diba Tita?" Natatawang tanong ko. Ito na nga sitwasyon ko nakukuha niya pang mag biro. Seryoso parin ang muka niya pati ni Tito Lemuel, mukang hindi nga siya nag bibiro. Si Zia naman napatahimik lamang. Naniniwala sila sa mga ganun? Seryoso? "Gagawa ako gamot upang bumalik ang mga alaala mo hija. Maiwan muna kita." Tumingin ito kay Zia at tumango. Lumabas na sila ni Tito Lemuel at dalawa nalamang kami ni Zia ang naiwan. Naka upo ito paharap sa akin. "Siguro ito na ang tamang oras para sabihin ko sa iyo ang lahat." Napa kunot noo ako sa expression ng muka niya. Ngayon lang siya naging mas seryoso, siyaka parang nag iba ata ang aura niya? "Ano bang ibig mong sabihin Zi? Nalilito nako." "Hindi tayo normal na tao Ven. Alam kong ayaw ni Tita Helen at Tito Vernardo na

