[Hevean POV] "Pano mo nalaman ang pangalan nun?" Takang tanong ko sa kaniya. Imbes na sagutin ako ay ngumiti lamang siya ng malapad at umiwas ng tingin. "Hoi sagutin muko Zia." "Basta it's a secret nalang muna." Kinikilig na sabi niya. Bumuntong hininga ako at inirapan nalamang siya. Kainis naman ang babaeng to may pa sekret pa akala mo naman napaka laking sekreto ang lalaking yun. Nag tatakip parin ako ng ilong dahil sa baho na naamoy ko mula kay Zia, diko alam nararamdaman ko para akong nasusuka na hindi ko maintindihan. Dahil ba ito sa pag bubuntis ko? Nang maka rating kami ng bahay ay agad akong nag paalam kay Gaben at dali-daling pumasok ng banyo. Dumuwal ako maliit na lababo at agad kong nilinisan ang bibig. Hindi rin ako maka hinga ng maayos. Ang hirap ng ganitong sitwasyon,

